Bago lumabas ng opisina si Jay Marie ay sinigurado niyang maayos at presentable ang damit niya. Mabuti nalang at may iilang damit siyang naiwan sa opisina kaya't hindi na niya kailangan pang umuwi. Black casual dress na abot hanggang hita ang kanyang suot at may malalim na neckline sa bandang dibdib. Simple lang naman iyong tingnan para sa kanya upang hindi siya mag overdress at may dahilan talaga kung bakit ganon ang kanyang suot.
Bandang alas sais ng gabi siya pumasok sa cafe na sinabi niya kay Rogue.
Makailang beses niyang sinipat ang suot na relo. It's been ten minutes since she arrived at the cafe. Hindi siya sanay na pinaghihintay pero kailangan niyang gawin ngayon. The fact na hindi pa siya sigurado kung darating nga ang lalaking kakausapin niya.
Pero sana ay dumating ito upang hindi masayang ang oras niya.
Ilang buntong-hininga ang ginawa ni Marie at kinakabahang nagpalinga-linga lalo na sa bandang entrance ng cafe. Malapit na siyang mainis pero pinipigilan lang niya ang sarili. Hanggang sa limang minuto pa ulit ang dumaan bago siya tumuon sa entrance, and to her surprised, she saw him walking into the front door.
Nakasuot ito ng kulay puting polo shirt at jeans at parang walang ibang nakikita habang deretso lang ang lakad. Sa kanya lang ito nakatingin kaya hindi din niya magawang umiwas. Wala itong pakialam kahit halos nakakukuha ito ng atensyon sa mga babae sa loob ng cafe.
At kahit pa yata anong isuot ng lalaking ito ay napapansin parin ng kababaihan. Kung mayaman lang talaga si Rogue ay masasabi niyang nasa lalaki na ang lahat.
Napailing nalang si Jay Marie at hinintay na makalapit ito sa gawi niya. Basta nalang nitong hinila ang silya sa harap niya at pabagsak na naupo.
"Hi." ang swabe at malalim nitong boses ay sandaling nagpatulala sa kanya.
"H-hi. I'm glad you came...here." tumikhim siya kapagkuwan ay ngumiti sa lalaki.
"Anong proposal ba ang pag-uusapan natin?" deretsahan nitong tanong kaya nanlaki ng bahagya ang mata niya.
Omg! Sobrang ready na siya kanina pa pero bakit tila nabubulol siya sa mga oras na iyon?
"Hindi ka ba mag-o-order muna? It's on me."
"Busog ako at hindi ako mahilig sa matamis, ma'am." doon ito nakatingin sa cheese cake na inorder niya na hindi pa nababawasan. Guess its a good thing na dalawang kape ang kinuha niya kanina dahil tig-isa sila ngayon ng lalaki.
At nang mapansing wala itong balak na magpaligoy-ligoy ay tumikhim si Marie at seryosong nakipagtitigan kay Rogue. It's now or never!
"O-okay. Here's my proposal, Rogue.. I.. I need a husband." there, nasabi na niya. Ilang beses niyang nilunok ang namumuong laway para lang hindi masamid habang sinasabi ang mga kataga.
But the problem is, pinagtaasan lang siya ng kilay ni Rogue. Tila ba isang kalokohan para dito ang narinig galing sa kanya.
"I need a husband, Rogue. And I want you to be my husband...for the mean time." may diin niyang bigkas.
"Seryoso ka?"
Pinag krus nito ang dalawang kamay sa dibdib kaya bahagya siyang na distract sa naglalabasang muscle sa braso nito. Umayos din ito ng upo at malamig siyang tiningnan.
"Y-yes. I'm desperate, Rogue." aniyang tinuon ng maayos ang paningin sa mukha ng lalaki.
This is not the time to drool over this man! Ang kailangan niya ay mapapayag ito na maging asawa niya.
"Hindi mo pa ako kilala pero gusto mo na agad akong maging asawa." naiiling nitong sambit.
Nakagat niya ang labi at huminga ng malalim.
"Look, this is not what you're thinking, okay? I have my reason na hindi mo na kailangang malaman. I only have three f*****g months para magpakasal and I dont much have time to find a groom. I will pay you, Rogue.. I will pay you..Enough that you can live without even working on that club for years." pangungumbinsi pa niya.
Samantalang ang lalaki ay nakatingin lang ng malamig sa kanya. Natutuyo tuloy ang lalamunan ni Jay Marie sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"What if I don't need money?" Buo at malamig nitong turan na nagpanganga sa kanya.
Hindi dahil sa sinabi nitong ayaw nito ng pera kundi dahil ibang-iba ang aura ng lalaki habang deretsong nagsasalita ng english. He seemed to be so accustomed to speaking like that.
"Okay na ako sa simpleng buhay, maam." ulit nito na nagpabalik sa huwisyo niya.
"Then tell me what you want." asik niya na medyo napalakas ang boses. Desperada na talaga siya!
Ngunit imbis na sumagot ang lalaki ay doon ito nakatingin sa nakalantad niyang dibdib. Kunting-kunti nalang makikita na ang u***g niya dahil hindi niya namamalayang bumababa iyon sa bawat paggalaw niya.
"Hindi yan kasali!" agad niyang turan sa namumulang pisngi.
"Wala akong sinabi ma'am."
"I'm f*****g serious, Rogue..I will pay you 10 million pesos."
Sa laki ng ibabayad niya ay siguradong hindi na ito makakatanggi. Pero dismayadong napakunot ang noo ni Jay Marie dahil wala man lang siyang nakuhang reaksyon mula sa lalaki!
It's a freaking 10 Million, dude!
"Hindi pa ako handang maging husband, maam." sa halip ay tila nakakaloko nitong tugon. Alam niyang nagpipigil lang ito ng ngiti kaya mas lalo siyang nainis. Nagawa pa nitong humigop ng kape!
"So Am I! I'm a f*****g virgin and I don't even know what it feels to be in a real relationship!" naiinis niyang sambit. Bulong lang iyon pero halata sa boses niya ang inis at frustration.
Dahil sa sinabi ay narinig niya ang sunod-sunod nitong pag-ubo. Hawak nito ang dibdib at bahagya iyong tinapik ng mahina. Mabuti nalang ay may isang baso ng tubig sa tabi niya kaya agad niya iyong binigay sa lalaki.
Akala niya ay hindi siya mahihirapang kausapin ang isang 'to.
"Are you what? I mean..Paano ka mag-aasawa kung wala kang ideya sa buhay ng isangag-asawa?" tanong nito pagkababa ng isang basong tubig.
"It doesn't matter. Pagkatapos ng kasal ay hindi tayo mamumuhay na mag-asawa. Kaya problema ko na iyon kapag may totoong asawa na ako." Nakataas ang kilay niyang sagot.
"Eh di goods, ma'am. Pwede ka pang maghanap ngayon ng totoong mapapangasawa. Hindi mo na kailangan magbayad pa. Maganda ka at sexy kaya maraming magkakagusto sa'yo." anito. Pero hindi niya makita sa boses na natutuwa ito sa sinasabi. Binalewala nalang niya iyon.
"No! I need to get married as soon as possible." giit niya pa.
"Pag-iisipan ko, maam." kapagkuwan ay sambit nito. Ang mukha nito ngayon ay parang hindi mapagkakatiwalaan pero wala siyang magagawa.
"I need your answer tomorrow, Rogue."
Kibit-balikat lang ang naging sagot ng lalaki pagkatapos ay tumayo.
"Aalis na ako, ma'am. Pakiayos ng damit sa dibdib mo kung ayaw mong ma rape sa labas." yon lang ang sinabi ng lalaki bago siya iwan sa mesang inuukupa nila.
Napanganga nalang si Jay Marie at hindi makapaniwalang napatingin sa lalaking naglalakad na ngayon palabas ng cafe.