CHAPTER 4

1161 Words
Napahilamos ng mukha ni Jay Marie habang nakatanaw sa mga papel na nagkalat sa ibabaw ng kanyang lamesa. Hindi mawala sa isipan niya ang ginawa niya noong isang gabi. Kaninang umaga lang siya nakauwi sa bahay at agad siyang pumasok sa opisina kahit sobrang late na. "M-ma'am?" Nangunot ang noo niyang napatingin sa pinto. Ang kanyang sekretarya ang nasa pinto at tila nagdadalawang isip pa ito kung kakausapin siya o hindi. "May naghahanap ho sa inyo sa labas, ma'am?" "Who?" maang niyang tanong. Wala siyang naaalalang inaabangang bisita at mamayang 5pm pa ang meeting niya with the investors. Kaya nakakapagtatakang may bisita siya ng mga oras na iyon. "Lalaki ho eh. Hindi ko sana papapasukin kaso kilala niyo raw po at may ibibigay daw siya sa inyo." sagot naman ni Hanna. "Did you even ask his name?" mataray na pagkakabigkas ni Marie. Iniisip parin niya kung sino ang nasa labas. "Rogue daw ho." Anitong may pagkislap ang mata na parang kinikilig. "What??" Malakas niyang tanong na halos pasigaw na. Nagulat tuloy si Hanna at napayuko. "Come again, Hanna? Who's outside?" "Rogue daw po ma'am." "What the f**k is he doing here?! I mean, God!" Parang bigla tuloy siyang na stress ng mga sandaling iyon. Kanina lang ay sising-sisi siya sa sarili sa mga ginawa niya kagabi pagkatapos ngayon ay magpapakita pa ang lalaking iyon sa kanya. Ano bang kailangan nito? "Papapasukin ko ho ba?" "Send him in, Hanna. And please..kapag may bisitang dumating, sabihin mo busy ako." aniya sa sekretarya. Kahit nagtataka ay agad naman itong tumango at umalis. Samantalang si Marie ay hindi mapakali sa kinauupuan. Napahugot siya ng malalim na buntong hininga at akmang kukunin ang salamin sa kanyang bag nang bahagya siyang matigilan. Parang nandidiring binitiwan niya ulit ang bag at umayos ng upo. Oh God! Bakit ba bigla siyang na-conscious? Sino ba ang lalaking iyon at kailangan niyang magpaganda sa harapan nito? She is f*****g Jay Marie De Ramos! Nang bumukas ang pinto ay walang emosyon siyang tumingin sa lalaking pumasok. Gusto niyang ipakitang professional siya sa harap nito ngunit hindi niya alam kung kaya niyang panindigan gayong sobrang lakas ng dating nito. He's so hot that she can't believed that she almost forgot how to breath! Wearing a white polo shirt and a rugged jeans with a sneakers. Rogue was the epitome of a tall dark and ruggedly handsome man. Gwapo ito kahit may dumi sa kamay o kahit naghahalo ng alak. Gwapo rin kahit naka jersey short lang. Wala bang pangit sa lalaking ito? "W-what are you doing here?" hindi niya pinansin ang bahagyang pagpiyok ng boses nang magsalita. Parang wala namang pakialam si Rogue at humakbang malapit sa mesa niya. Gusto niya talagang isipin na hindi lang mekaniko or bartender ang trabaho ng lalaking ito. Mas mukha itong amo kesa empleyado kung ibabase sa katayuan nito. "Gusto ko lang isauli 'to ma'am." May hawak itong isang supot at nilapag sa mesa niya. Napatingala siya kay Rogue dahil nanatili parin siyang nakaupo samantalang ang lalaki ay nakatayo sa harap niya. "Ano iyan?" "Damit mo. Nilabhan ko na kanina kaya malinis na." "N-nilabhan mo?" "Oo nga." "But why?" medyo naiinis niyang tanong. Ibig sabihin nilabhan din nito ang bra niya! "Anong why? Alangan naman isauli ko sa 'yo na puno ng suka." walang emosyon nitong sabi. Napailing nalang si Marie at napatingin sa lalaking walang hiyang nakatayo sa harapan niya. For once, ay ito lang ang taong kayang salubungin ang kanyang mataray na mukha na hindi yumuyuko o hindi nakikitaan ng pagkatakot. Sanay siya sa ganoon kaya naninibago siya kay Rogue. "Is that why you're here?" "Ito pa. Naiwan mo sa bahay." May nilapag ulit ito sa mesa niya. Her wallet! Kung hindi niya iyon nakita ngayon ay hindi din niya maalalang nawala pala ang wallet niya. Ni hindi niya naalalang nandoon lahat ng mga I.D's niya. Ngayon ay hindi na niya kailangang itanong dito kung bakit alam nito kung saan siya hahanapin. Her calling card was also inside her wallet, malamang ay doon nakita ng lalaki ang address ng kompanya. "Sige. Aalis na ako, ma'am." akmang tatalikuran siya nito kaya nanlalaki ang matang napahawak siya sa braso ni Rogue. Na agad naman niyang binitiwan nang makitang doon ito nakatingin. "Wait- sorry.." "Bakit?" anito. "'I just want to say thank you, for last night." Siguro kung hindi siya nito dinala sa bahay nito ay baka may ibang nangyaring masama sa kanya. She could've been taken advantage to anyone because of her drunkness. Hindi man niya naalala lahat ng nangyari ay kailangan niya parin magpasalamat sa lalaki. Hindi naman ito nagsalita at nakatingin lang sa kanya. "A-and salamat din for not taken advantage of me." kagat ang labi niyang dugtong. "Sa susunod huwag kang iinom kung hindi mo kaya. Hindi lahat ng lalaki kayang magpigil katulad ng ginawa ko." napatiimbagang nitong sagot. "Right, kaya salamat, Rogue." Atleast hindi niya nakalimutan ang pangalan nito. Bahagya lang itong tumango kapagkuwan ay akmang hahakbang na para umalis nang pigilan niya ito ulit. May gusto siyang sabihin pero hindi niya kayang sabihin. Its now or never, Jay Marie! "May sasabihin ka pa ma'am?" "Uhm..Kung wala kang ibang gagawin pwede ba tayong magkita mamayang gabi?" Kiniling nito ang ulo at sumulyap sa mga mata niya. Tinatanya yata kung seryoso siya sa sinasabi. "Crush mo' na ako agad, ma'am?" Naglitawan ang mapuputi nitong mga ngipin nang kagatin nito ang ibabang labi. "What!? No!" "Eh ano? Bakit gusto mo ulit akong makita?" "I have a proposal for you, Rogue. And I want us to talk privately. Pwede dito sa opisina ko pero marami akong tatapusin at may meeting ako mamayang 5pm so I will see you at night." She wanted to be as professional as it is. Kahit na hindi siya sigurado kung matatawag bang professional ang magiging alok niya mamaya sa lalaki. And yes. She think that Rogue is the best candidate for her soon to be husband! Kung kailan niya iyon naisip ay hindi na importante. Ang kailangan lang niyang gawin ay kumbinsihin ito at i-explain sa lalaki ang mga do and don't kapag pumayag ito sa gusto niya. Ngumiti siya ng kimi kahit kinakabahan siya sa klase ng titig nito. "Proposal?" "Yes. A business proposal." "Para saan?" nakataas ang dalawa nitong kilay at naniningkit ang matang tumingin sa kanya. Nawala ang bakas ng kapilyuhan sa gwapo nitong mukha. "You'll find out later. Magkita tayo sa diyan sa cafe sa baba mamaya." Nangunot ang noo nito ngunit hindi na nagtanong. Nang lumabas ito ng opisina niya ay doon lang siya nakahinga ng maluwag. Hindi man halata kanina pero kinakabahan siya sa plano. Kung magiging asawa ang hanap niya, Why not Rogue right? After all, alam niyang papayag ito kapag nalaman kung magkano ang ibabayad niya. Nang mawala na sa paningin niya si Rogue ay napahinga siya ng malalim at bumalik na sa pagkakaupo sa kanyang mesa. Kapag sa oras na pumayag si Rogue, tapos ang problema niya at siguradong mapapasakanya ang kompanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD