Kabanata 12 "Unforgivable" Nagdadalawang isip akong ibigay ang gawa kong crinkles kay Attison. Napabayaan ko kasi ito sa kusina kagabi. Hindi ko rin natikman kung kumusta ang lasa. Maayos naman ang itsura nito. Isinilid ko pa sa magandang kahon at may laso pa. Aatras na lang sana ako at magiisip na lang ng ibang ibibigay sa kanya kaso nakita niya na ako. "H-happy birthday," I said nervously. "Sorry, naging busy ako k-kaya hindi ako nakapunta o nakapag-text sa'yo." Binigay ko na sa kanya ang hawak kong box ng crinkles. Wala na akong choice. Sana magustuhan niya. "Para sa'yo. Belated happy birthday." "It's alright, Anselah. Thanks for this." Hindi ko alam kung makakahinga na ba ako ng maluwag. Kahit nag-sorry na ako parang hindi pa rin enough. I also feel guilty for lying. I slowly

