Kabanata 28 Nakarinig ako ng katok kaya napalingon ako sa pinto. "This is Lindsey, can we talk?" Nagpakawala ako ng hangin at bumagsak ang balikat ko. Tumayo ako at mabagal na humakbang palapit ng pinto. I unlocked the knob and turned it. Binuksan ko ang pinto. "Bakit?" "I just want to apologize. I am sorry sa nangyari sa dinner. I did not mean to offend you or mock your situation," aniya at ngumuso, "It must be hard for you." Napatitig ako sa kanya. I don't know how to tell if she is sincere or what. But maybe she is because she tried to talk to me. "It's alright. Uhm. May kailangan ka pa?" "Wala na. Gusto ko lang talagang mag-sorry sa’yo." Tipid akong tumango. "Ah, good night. Punta na ako sa room ko." I watched her turn her back. Naglakad na siya papunta sa kabilang hallway k

