Kabanata 20 (1/2) Hindi ko alam paano ko nakayanan ang gabing iyon, kung saan una kaming nagtagpo ni Zede. Ilang beses ko na siyang nakita at natatanaw pero sa malayo lang. But that night was my closest encounter with him. “Kumain ka na?” “Ha? Po?” “I asked you kung kumain ka na ba,” ulit niya. “H-hindi pa po. Balik na po ako sa trabaho. Aalis din po ako agad pagkatapos-” “Sit down,” he cut me off. “Sir?” “Hindi ko ‘to mauubos might as well join me,” casual niyang sabi. “Pero po…” “What?” He arched his dark and defined thick brow at me. “Huwag na po. Pagkatapos kung maglinis uuwi na rin naman ako at kakain.” “Bakit hindi na lang ngayon at dito?” “Sir…” Hindi ko talaga alam ang sasabihin at paano tatanggi. “Let’s eat, you can go back to your work later,” he said dismissively.

