Chapter 13: Don't break my heart

1306 Words
Nag didilim na ang mga kalangitan na nag babadya nang pag ulan. Hanggang ngayon iniintay parin niya ang text ni Victoria. Mag damag siyang hindi lumabas ng kanyang kwarto. Wala siyang gana kumain, kundi lang siya pinilit ng kanyang Yaya na si Nanay Ren ay hindi parin talaga siya kakain. Biglang tumunog ang kanyang cellphone at agad niya iyong kinuha. Hindi naman siya nag kamali. Si Victoria ang nag text at pinapaunta siya nito sa isang play ground di kalayuan sa kanilang bahay. Agad siyang nag pahatid kay Karl duon. Wala pang sampung minuto ay nandun na siya. Naabutan niya si Victoria na nakaupo sa isang duyan. Tahimik lang itong naka tingin sa mga damo. Lumapit siya rito at umupo sa kabilang duyan. " Victoria..." Walang lakas kong tawag sa pangalan niya. Narinig niya ang malalim na buntong hininga ni Victoria pero hindi niya Ito tinitignan. Hindi niya kaya. "Sobrang miss na kita Via" Pero wala parin itong imik. "Ano ba talaga yung nangyayari? Bakit wala akong maintindihan?" Hindi niya napigilang sabihin dito. "Nathan, isang beses ko lang to sasabihin kaya gusto kong makinig ka." Napaka seryoso ng tono nitong sabi sa kanya "Gusto kong tumigil kana sa pan liligaw mo sakin." Para siyang binaril sa dib-dib dahil sa sinabi ni Victoria sa kanya. Hindi siya makapag salita at naka tingin lang siya kay Victoria. "B-bakit?" Iyon lang ang nasabi niya kay Victoria. Ramdam rin niya ang pag iinit ng kanyang mata. Nakatingin lang kami sa isa't-isa Walang nag sasalita. sobrang sakit. gusto kong magalit pero hindi ko iyon magawa dahil mahal ko siya, ang kaya ko lang sabihin ay mag tanong kung bakit. Hindi kona kinaya nang siya mismo ang nag iwas sakin ng tingin. "I-I just realize that..Hindi kita gusto na—" Gusto kong matawa sa sinabi niya pero hindi ko kaya dahil sa sobrang bigat nang nararamdaman ko ngayon. "Hindi mo ako gusto? tapos ano? sa tingin mo ba papaniwalaan ko 'yan? Alam kong may kinalaman si Jake dito Victoria kaya itigil mo na to." "No Nathan I need you to listen to me.. please, Pinapatigil kita dahil nag kabalikan na kami.." Pag katapos niyang sabihin sakin iyon ay tumulo na ang luha ko. "Ano? Bakit?...Pano?? Ganon kabilis? para san 'yung sinabi mo sakin na hinding-hindi mo na siya babalikan?" Hinawakan ko siya sa balikat at bahagya siyang niyug-yog. "Victoria gumising ka! alam mo na sasaktan kalang niya.. Andito ako, Ako na yung nandito para sa'yo.. Bakit ngayon mo sakin sinasabi yan? bakit-bakit kung.. kelan na handa na ko.. bakit ngayon pa na sobrang mahal na kita," Niyakap ko siya nang mahigpit sana naramdaman niya na ayoko siyang bitawan kahit na sa una palang bumitiw na siya.. "Nathan.. Please don't make this hard for us." "May ginawa ba akong mali? sabihin mo nag kulang bako sa'yo Victoria? wag lang ganto.." Pilit niyang kinakalas ang yakap ko pero hindi ko siya hahayaan. "Nathan bitiwan moko!" "Ayoko Victoria.. ayoko.. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! Alam kong sinasabi mo lang to o baka pinoprotektahan mo lang ako.. Tinakot kaba niya? sabihin mo lang Victoria.." "Wala siyang sinabi at lalong hindi niya ko tinatakot Nathan kaya pwede 'ba bitiwan mo na ako!" Tinulak niya ko na ikinabuwal ko bahagya siyang natauhan sa ginawa niya. Sobrang sakit. Hindi ko alam na ganito yung pakiramdam na pinag tatabuyan ka. Bakit ganito? Hindi naman ganito yung mga sinasabi nila sa libro? bakit ganun? bakit parang ang dali-dali lang? "Hindi mo pa ba naiintindihan lahat? ginamit lang kita Nathan! ginamit kita dahil alam kong nag seselos sayo si Jake.." Pinahid ko ang luhang nag lalandas sa mga pisngi ko bago ko siya sagutin. Nag didilim na ang paligid na nag babadyang malapit nang pumatak ang ulan. "Bakit ako pa.." "Hindi mo parin ba naiintindihan? Ano 'bang gusto mong gawin ko!" Bakit ganon? Kahit na sinisigawan niya ko hindi ko parin kayang magalit sa kanya? Ganon ko ba siya kamahal? "I want you to stay for me, I need you to fight for me Victoria please don't give me up, I loved you so much. I love you more than anything else Victoria.. If you leave me I have nothing else left. Please wag namang ganito Victoria." Naka luhod na ako sa harap niya Wala akong pake kung anong isipin ng iba o kung may maka kita man sakin sa ganitong sitwasyon. ang importante lang sakin si Victoria.. "We are messy and complicated. that's why I need you to let me go.. Mag kaibang mag kaiba tayo Nathan kaya tama na," "Things are meant to be different Victoria. Just like us we're meant to be different.." "Akala ko ba matalino ka? bakit simpleng paliwag lang hindi mo maintindihan? Ano 'bang gusto mo? Idul-dol ko sayo na ayoko na?" Umasa ako.. Umasa ako dahil pinaramdam mo.. Naniwala ako dahil sinabi mo .. Hindi ko siya pinansin. Wala akong pina kinggan miski ano sa sinabi niya. "Pano tayo? pano 'yung sinabi mo?" "Tayo?? Nag papatawa kaba Nathan? Walang tayo dahil unang-una Wala akong sinabing Mahal kita.." Tumagos sa kanya lahat.. Parang namanhid ang buong pag katao niya dahil sa sinabi ni Victoria.. so pati Yung nang yari samin wala lang? bakit? ganun naba kadali para sa kanya na kalimutan lahat? I-I thought I was right? I see the truth in her eyes.. Totoong masaya siya dahil nakikita ko yun pero bakit? Tumayo na ako sa pag kakaluhod. Mag kasabay ang pag patak ng ulan at ng aking mga luha sa mga damuhan..pero kahit ganun ay hindi parin ako umaalis. "You made me feel like an idiot for having hope." Tumingala ako at pinikit ang aking mata. Sinasalubong ko ang unti-unting pag patak ng ulan sa lupa. lihim kong hiniling na sana pag katapos ng ulan ay tapos narin ang nararamdaman ko para sa kanya. "You know what? you made me realise one important thing.. Ngayon alam kona kung bakit pilit kong Inilalayo 'yung sarili ko sa iba na pinilit kong maging anti-social at binaling ang atensyon ko sa pag babasa. Dahil alam ko nang mangyayari ito. Na Iiwan niyo rin ako na parang wala lang ako.. I thought you were different pero wala kang pinag kaiba sa parents ko." Alam kong nakatingin lang siya sakin dahil ramdam na ramdam ko iyon kahit na nakapikit ako. "Everything will be okay Nathan.." Malumanay na ang boses niya di tulad kanina kaya't napatingin ako sakanya. "Stop saying I will be okay or everything will be okay! I can't be okay do you understand? I'm broke and sad how can I be okay with that? Hindi nako magiging okay! Wag mo nakong lokohin dahil hindi mo na ma bibilog pa ang ulo ko! diba ito naman 'yung gusto mo? Ano? masaya kana? masaya ba? tutal naman magaling ka rito diba? Paki explain nga sakin dahil medjo na tatanga ako pag dating sa mga ganito eh ipaintindi mo 'nga sakin kung pano o kung ano bang feeling ng manggamit katulad ng ginawa mo!" Hindi ko na napigilan pa na sumbatan siya. Sa sobrang galit ko hindi ko na napigilan pa na mag salita ng masakit sa kanya. Pero katulad ng inaasahan ko hindi siya nag salita katulad ko namumuo narin ang luha niya sa mata na ngayon ko lang nakita. "Wag mo 'kong idaan sa iyak mo dahil hindi nako maloloko niyan, simula ngayon wala nakong paki-alam 'kung iwan ka niya o saktan ka niya. 'yang nararamdaman mo wala pa yan sa kalahati nang ginawa mo sakin ngayon Victoria. Dadating yung Araw na babalik sayo lahat-lahat nang 'to at sana sobra pa!" Iyon ang huli niyang sinabi kay Victoria, hindi na niya ito hinayaan na mag salita pa at Agad na siyang umalis roon. Pag dating niya sa kanilang bahay ay nag kulong siya sa kanyang kwarto at sinabayan niya ang malakas na ulan ng kaniyang pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD