Chapter 14: The Innocent tears

1058 Words
Simula kahapon hindi parin ako lumalabas sa kwarto ko. Gusto ko munang mapag-isa. Nadismaya ako dahil nang tumila ang ulan ay umiiyak parin ako. Bumangon ako dahil nadinig kong may kumakatok sa pinto. Pag ka bukas ko bumungad sakin si Nanay Ren, bakas ang pag-alala sa mukha nito. Hindi ako nag sasalita kahit naman hindi ko sabihin alam kong Alam niya na may hindi Tama. "Señorito, Dinalhan ko po kayo 'nang tanghalian niyo.. Kahapon pa ho kayo hindi nakain. Kung pag papatuloy niyo ho 'yan mag kakasakit kayo." Hinayaan ko lang na naka bukas ang aking pinto. Wala akong lakas para sagutin siya dahil pagod nako. "Sir Nathan.." Tawag uli sakin ni Nanay Ren. Narinig kong inilapag niya ang pagkaing dala niya sakin. Hindi ko iyon pinansin at nahiga akong muli. "Anak.. Kung di mo mamasamain, Pwede ko 'bang malaman kung anong nangyari?" Napabuntong hininga ako nang malalim..Nararamdaman ko nanaman ang pamilyar na bagay na namumuo sa mata ko. Parang bumalik ang lahat sakin. "H-Hindi ko ho alam Nanay Ren. Hindi ko-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pilit kong nilunok ang bagay na bumabara sa lalamunan ko. Ang hirap.. Ang hirap pigilin yung pag iyak mo. Ang bigat bigat sa dib-dib. Kahit Ilang hingang malalim pa ang gawin ko hindi iyon nababawasan.. Parang habang tumatagal lalo pa yong nadadagdagan. Ang hirap palang masanay na lagi kang may kasama dahil bawat oras naalala mo siya. Lalo akong nahihirapan dahil sa bawat oras na lumilipas gusto ko siyang makita. "Nathan.." I hate this feeling.. I hate It! I don't want them to feel sorry for me. Gusto kong mag wala at magalit sa lahat pero hindi na iyon mababago pa na I was left behind again. Akala ko kapag pinakita at pinaramdam ko sa kanila na Mahal ko sila eh, Hindi nako mag-iisa pero ganun parin yung nangyari. "Hindi ko po maintindihan Nanay Ren. Bigla nalang ho kasi ko Iniwasan ni Victoria. Si-sinabi niya na nag kabalikan na daw sila nung dati niyang nobyo.. Pero Nanay Ren hindi po ako na niniwala.. Alam kong hindi siya nag sasabi ng totoo pero ayaw niya pong umamin.. sobrang na po.. Hindi ko alam gagawin ko." Walang sabing niyakap niya ko. This is why Nanay Ren is close to my heart. She understands me more than my own Mother. "Tumahan na 'ho kayo Sir Nathan. Ganun ho talaga kapag Nag mamahal, kahit na ho ginawa niyo na ang lahat hindi parin maiiwasan na masaktan ka." "Masaya naman po kami 'nung Una Nanay Ren, Sobrang saya pa nga po.." We're so Happy right? Kahit nga simpleng bagay tinatawanan namin. tapos bigla nalang sasabihin niya sakin Nag kabalikan na sila? Hindi eh.. Ang hirap tanggapin. Masyado akong nasanay na anjan siya kaya hindi ko maiwasang masaktan ng sobra. "Mali ho ba 'yung ginawa ko?" Tiningnan ako ni nanay Ren sa mata at sumagot. "Hindi masamang mag mahal anak.. Tama lang 'yong ginawa mo. Minsan hindi lang talaga kayo para sa isa't isa kaya kahit na ga'ano mo pa kamahal si Victoria hindi mangyayari ang gusto mo." Bakit kailangan pa naming maging close kung hindi rin naman pala pwede na maging kami? bakit kailagan pa naming mag tapo? bakit kailangan ko pang maging masaya kung sa bandang huli masasaktan rin pala ko.. Pinilit lang ako ni Nanay Ren na kainin iyong niluto niya sakin para daw kahit papano mag ka kulay naman daw ako. Halos mag dadalawang araw na rin kasi akong hindi lumalabas sa silid ko kaya't agad mong mapapansin na maputla ako, dala narin siguro iyon ng gutom. Pag katapos noon ay pumunta ako sa aking dtudy room pagkasindi ko ng Ilaw ay agad na bumalik sakin ang alala namin. Napa buntong hininga ako dahil lahat nalang ata ng bagay na makita ko ay tungkol sa kanya. I want to go back to my old self again. Ayoko na nang ganito. Gusto ko ulit bumalik yung simple at tahimik na buhay ko. Simula nang makilala ko siya hindi ko mapag kakailang nag bago nako. If just things happen in different way I would be happy right now with her, We will be both happy for sure. ... Kinabukasan pinadalhan ko pa siya nang rosas.. nag baka sakali ako na Baka mag bago ang isip niya. Minsan may isang bahagi sakin na pinag sisisihan yung mga sinabi kong masasakit sakanya pero hindi ko na iyon mababalik pa. Nadala lang ako ng galit kay nasabi ko iyon sa kanya.. Sinubukan ko ring intayin siya sa lugar malapit sakanila pero walang Victoria ang dumadaan man lang roon. Miski anino niya hindi ko nakita. Miss na Miss na kita... Kaya't Bumalik na lamang ako sa bahay dahil nag iintay lang ako sa wala. Sinubukan ko na rin siyang itext at tawagan pero hindi niya iyon sinasagot. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga dahil kahit hindi niya sabihin sa ginagawa niya halatang ayaw talaga niya kong makita. Pag kauwi ko sa bahay naabutan ko na nakaupo ang Papa ko sa sala. My Dad. I haven't seen him for a long time mas busy kasi siya sa trabaho kesa kay Mommy. "Nathan.. Have you already decide what school for your going to for college?" Actually, Wala pa siyang napipiling School. Ang balak kasi talaga niya ay kung saan si Victoria duon rin siya. Si Victoria nanaman. "Uh-Wala pa po Dad." Wala siyang time para isipin ang kaniyang pag-aaral dahil ukopado lahat ng isip niya si Victoria. "Hmm, Do want to go with me? I mean, I'll be leaving back to States next week so I thought It would be a good opportunity for you to study in thetr. If you don't want It's fine with me," "Pag-iisipan ko po muna Dad." Umakyat nako sa aking kwarto. Dapat agad ko nang tanggapin ang sinabi ni Dad pero hindi ko alam. Leaving means not seeing her again. Siya parin yung iniisip ko. Nakakinis na. Napasandal ako saking pinto. I'm so stupid. Bakit ba hindi ko nakita yon nung una palang? Bakit hindi ko yon napansin? Bakit hindi ko naisip na pwede tong mangyari? Msyado akong na focus sa kanya. Victoria really blows me away, Hindi niya bako nagustuhan man lang? Kahit onti lang? Tumayo nako dahil alam ko na kung saan papunta iyong mga Iniisip ko. Alam kong matatagalan ako bago maka move-on. Iintayin ko yon. Sana nga magawa ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD