HALSEY POV Palubog na ang araw ng papauwi na kami, sayang nai cancel ni Ninong ang practice namin today. Medyo traffic sa daan ngunit solve na solve ako sa kinain ko. Panay ang silip ko sa cellphone ko, nagbabakasakali ako na i unblock ako ni Lloyd. Kapag nakita ko talaga siya, tutuktukan ko siya. Naiinis ako sa pagiging matampuhin niyang wala sa lugar. "Kanina ka pa panay tingin sa cellphone mo ha? Nag away kayo ni Lloyd no?" tanong ni Ninong. Hindi ko na ito itatanggi pa sa kanya. "Nakipag hiwalay po siya sa akin at sabay blocked. Tinatanong ko lang siya kung kumusta ang araw niyan ngunit bigla na lang nag tampo. Kapag nakita ko siya sa school, lagot siya sa akin!" I mean what I've said. Talagang lagot siya sa akin kapag nagkita kami, patampo tampo pa siyang nalalaman. Di bagay s

