HALSEY POV
Pagbaba namin ni Ninong, ngumiti siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko ng ibigay niya ang kamay niya sa akin.
"Halika, pumasok na tayo sa loob," sambit niya habang naka abang ang kamay niya sa akin.
Tinanggap ko ang kamay niya at naka holding hands kaming pumunta sa loob. Medyo kaunti lang ang tao at naupo kami sa isang sulok at magkatabi. Mayroong menu na nakalaminate na nakalagay sa aming table. At nakakatakam ang mga pagkain lalo na't kumakalam na ang sikmura ko.
Mayroon pang lumapit na lalaking waiter sa amin.
"Welcome po sa aming restaurant. Ano po ang order niyo?" nakangiti niyang sabi.
"Pili ka na ng kahit anong gusto mo jan. Sagot ko na lahat," sambit ni Ninong.
Syempre pinili ko na yung mga pagkain na hindi ko madalas na nakakain katulad nang lobster at tempura. Mahilig kasi ako sa seafoods eh. Kaya kahit na mayroon itong kamahalan, si ninong naman ang magbabayad. Tinuro ko lang ang mga gusto ko at siya na yung nakipag usap sa waiter. Pag alis ng waiter ay lumingon siya sa akin.
"Saglit lang ha? Magsi cr lang ako, kanina pa kasi ako naiihi eh," pagpapaalam niya.
Nang umalis siya ay binuksan ko na ang phone ko. Ang dami nang chat sa akin ni Jenny, sinasabi niya na hindi raw ako marunong makisama. Bahala sila sa buhay nila, ang tanging gusto ko lang ay ang kumain kasi nagugutom na ako.
I seen her message at si Lloyd na lang ang chinat ko since online siya. I would understand kung hindi niya ako rereplyan kaagad dahil alam kong matindi yung lungkot na nararamdaman niya.
"Babe kamusta ka na ha?" I asked.
Mabilis siyang nag seen ng message ko, "Don't chat me ever again! Break na tayong dalawa! You will no longer see me at school."
Hala! Nanginginig ang mga kamay ko sa nabasa kong chat galing sa kanya. Namumugto ang mga mata ko. Nagiging blurred ang paningin ko dahil sa luha na naiiipon sa mga mata ko.
"Babe bakit ka ganito ha? Please mag usap tayo, ilabas mo ang sama ng loob mo sa akin!"
He no longer replied to me. In stead, he blocked me on his social media account. Nawala ang gana kong kumain, para akong pinag bagsakan ng langit at lupa. I've never seen this acting like this before. Even when I'm angry or mad at him, never ko itong ginawa.
"Oh bakit ganyan ang mukha mo ha? Bakit paiyak ka na?" tanong ni Ninong na naupo ulit sa tabi ko.
Hindi ko napansin ang biglaan niyang pagdating dahil tulalang tulala ako sa cellphone ko. Still, nahihiya akong ipakita sa kanya ang malungkot kong mukha so pinilit ko ang sarili kong ngumiti.
"Wala po ito," matipid kong sagot.
Muli niyang hinawakan ang legs ko sabay ngiti, "Relax ka lan okay? Ako ang bahala sa boyfriend mo. Titiyakin ko sayo na makaka martsa siya sa darating na graduation."
Ang lalim ng titig niya sa akin at diniinan niya ang paghaplos ng aking legs. Naiilang ako sa ginagawa niyang ito ngunit masaya ako sa binalita niyang ito.
Bago pa ako makapag salita ay dumating na kaagad ang waiter. Hindi lang isa kung di tatlong mga waiters dala ang mga inorder naming mga pagkain. Paglapag pa lang ng crab sa aming lamesa, natakam na ako sa hitsura at amoy nito. Ang ganda pa ng pagkaka serve nila nito. Ready to eat na talaga.
Nabusog kami ni Ninong sa kaka kain namin ng mga seafoods ni Ninong.
-----------------------
-----------------------
LLOYD POV
Darating na si papa mamaya pero ngayon pa lang ay hinahakot ko na ang mga gamit ko. Sinabi ko kasi sa kanya na ngayon ang test result ko at gusto niya itong makita. But uunahan ko na siya bago pa niya ako palayasin sa pamamahay na ito. Makikitira muna ako sa tropa ko at hindi muna magpapakita dito sa bahay dahil sa masasakit na salitang sasabihin niya sa akin.
Matapos kong mag impake ng mga gamit ko, bigla na lang pumason si Riza, ang makulit kong third year highschool na kapatid. Sulsol pa naman siya kay papa at palagi akong sinusumbong. Kapag nag aaway nga kami, madalas ay siya pa ang pinapanigan nito eh. Nakakatampo lang sa bahay na ito.
Sumandal siya sa pintuan at sinumangutan ako. Bago pa siya magsalita ay inabutan ko na siya ng five hundred. Ito lang yung tanging paraan na naisip ko upang itikom niya ang bibig sa pag alis ko.
"Bumagsak ka sa exam mo no? Yari ka kay papa! Bagsak ka na nga tapos nagagawa niyo pang mag outing?"
"Anong outing ang pinagsasabi mo ha?" kunot noo kong tanong, "Hindi ako mago outing, aalis na ako tutal wala na akong mukhang ihaharap kay papa. Babalik naman ako, papahupain ko lang ang galit niya sa akin. Ito five hundred para lang itikom mo ang bibig mo sa pag alis ko. Tulog si mama sa kwarto niya kaya ikaw lang ang bukod tanging nakaka alam nito."
"Sige na kuya! Naaawa ako sayo eh, wag mo na akong bigyan, hindi na kita isusumbong. Pero wag mo akong isasabit dito ha? Kasi malamang tatanungin ako ni papa mamaya kapag dumating siya."
"Don't worry, hindi kita idadamay dito. Basta ngayon lang ako makikiusap sayo na wag mon akong isusumbong."
"Nag bago ang isip ko, akin na pala yung five hundred," nakangisi niyang sambit.
"Mukha ka talagang pera eh!"
Binigay ko ng pagalit ang five hundred sa kanya at paglabas ko ng aking kwarto ay napatitig ako sa room nila mama. Naka sarado ito at naririnig ko yung mahinang tunog ng tv. Baka gising na siya kaya nakabukas ang tv kaya nagmadali akong bumaba.
Kumuha muna ako ng chichirya at chocolate sa ref para kung sakaling gutumin man ako sa daan ay hindi na ako bibili. Nang maisalansan ko na ang mga pagkain na pinuslit ko ay lumabas na ako. Sinarado ko ng maigi ang gate at pagsilip ko sa balcony namin ay nakita ko si Riza kasama si mama.
"Hoy saan ka pupunta!" sigaw ng mama ko.
Kumaripas na ako ng takbo. Walang hiya talaga si Riza! Pinahamak niya na naman ako!