DAVE POV "Tama iyan, dapat ay pinag iipunan talaga natina ng katandaan natin kasi mahirap na iasa ito sa ibang tao." "Ikaw Dave, dapat kasi mag asawa ka na rin. Ako nga, natatakot na akong tumanda ng mag isa at alam kong darating yung time na tatanda ka at hindi mona kayang mag trabaho. So ngayon pa lang, pwede ka pang mag asawa." "Pare, darating ako riyan. Pero may ipon naman din ako kahit papaano eh. At sarili ko muna ang iisipin ko kahit papaano. Sige na pala, kaylangan ko nang ibaba ang tawag pare," sambit ko pa. Ayaw ko lang na mas lumalim pa ang magiging pag uusap naming dalawa rito. "Hahahah!" ang malakas niya pang tawa, "Iba ka talaga pare, kapag ganitong usapan talaga ay madalas ka pang nag bababa ng tawag sa akin. Sige na nga, pasensya ka na, hindi ko ipapa alala sayo sa

