LLOYD POV Naglakas loob akong sundan ang girlfriend ko ng bumaba siya. Kahit na lasing ako ay pinilit ko pa rin siyang sinundan kanina at sa wakas ay nalaman ko rin ang naging tirahan niya. Isang exclusive building ito na malapit lang sa school. Bukas na bukas din ay su sorpresahin ko ang girlfriend ko rito. Alam kong magugulat siya, magagalit, o sasama ang loob pero natitiyak ko na hindi ito ang magiging dahilan upang mag hiwalay kaming dalawa. Magdadala rin ako ng roses at chocolate kahit na wala akong masyadong budget. Sobrang kabado ako kanina dahil akala ko ay naka lock ang gate at sa labas na ako matutulog pero himalang hindi ito naka lock kanina kaya nakapasok ako. At ngayon, nandito ako sa sala, namin at ang ilaw lang sa kusina ang tanging ilaw dito. Baka kapag binuksan ko ang l

