Rain pala ang pangalan niya. Ang dami kasi nakapaskil na mukha niya sa bulletin area. Sa freedom wall naman, ang daming regard notes galing sa mga babae.
Sila ba 'yun F4? Ang sikat kasi nila.
"Siya ba' yun? Ang babaeng akbay ni Renzo?" inis na tanong ng babae.
"Hey!"
Sumenyas naman ang magandang babae na sa tingin ko leader nila. Nag aalinlangan naman akong lumapit kasi mukhang wala sa mood ang babae.
Natauhan naman ako ng sampalin niya ako.
"How dare you!" sampal niya. Napayuko naman ako sa sobrang hapdi. Pansin ko ang ID niya.
So kaharap ko ngayon ay kapatid ko.
"No one dares na lumapit man lang sa Renzo ko pero ikaw?" inis niya.
"Mali ka ng iniisip."
"Sa oras na makita kita ulit with him, ipapa expel kita!"
"For your information, si Fiona lang naman ang heiress ng Yishin," sabi ng kasama niya.
Yumuko naman ako.
Pansin kong pinagtitinginan na pala kami.
"Stop it, you're such an eye sore," sabi nung lalaki. Nilingon naman niya ako sandali.
"Kuya!"
Kuya? So kuya ko din siya?
Hinila naman niya palayo si Fiona at naiwan ako. Inirapan naman ako ng mga kasama niya sabay umalis na din.
Napabuntong hininga naman ako.
First day pa lang pero ang intense na ng mga pangyayari.
"Umuwi ka na sa bukid na pinanggalingan mo, you see, you don't belong here," dinig kong boses mula sa likuran ko.
Lilingon ko na sana kung sino nang bigla akong natigilan. Ang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.
Ang bilis nang t***k ng puso ko.
Sumimangot naman siya bigla.
" I can't imagine why I should marry you of all Yishin descendants. "
Tinulak ko naman siya.
Pansin kong nag-smirk pa siya. Hindi ko talaga alam kung bakit humatong sa ganito ang buhay ko!
Napahawak nalang ako nang mahigpit sa sling bag ko.
Aja lang Aeris!
At dahil nga sa gutom na ako, bumaba muna ako para magpunta sa cafeteria nila. Naalala ko, may binigay pala na card si papa na gagamitin ko daw as access sa lahat ng gusto ko dito sa Yishin.
Namangha naman ako sa interior design ng buong cafeteria. Hindi ko inexpect na buffet pala dito, naalala ko tuloy ang Vikings sa SM.
"Mauubos mo lahat ng 'yan?" sulpot ni Renzo. Medyo nagulat naman ako kasi ayaw pa naman ng kapatid ko na lumapit ako sa kanya.
Hindi ko naman siya pinansin.
"Are you mad?"
"Hindi."
"Uhmm sorry."
Natigilan naman ako.
"Ginugulo ka ba nina Fiona?"
Blanko lang ang naging expression ko. Napasimangot naman siya.
"What did she do?"
"Ha?"
"I'll talk to her!"
Pinigilan ko naman siya.
"Adobo gusto mo?" sabay alok ko.
"Hahaha sure."
"Well its a steak."
"Talaga?" nahihiya ko pang sabi.
Napainom naman ako sa juice na inorder ko kanina. Umupo na siya sa tapat ko at nakikikain na din.
"Saan ka ba na school dati?"
"Sa Fuego Highschool."
"Hmm? From Spain?"
"Hindi sa Negros lang."
"Negros? May country ba na Negros?"
"Ha? Part of Visayas siya," ngiti ko.
Required ba talaga na from other countries talaga ang transferees dito?
"Well, Uhmm baka ma offend ka but paano ka nakapasok sa Yishin?"
Ha?
"Uhm, scholar kasi ako."
"Oh? I never heard about it na tumatanggap pala ng scholars ang academe, well congrats tho!"
"Naku salamat."
Binilisan ko na ang pagkain ko kasi baka makita pa kami ni Fiona, mas lalayo pa tuloy ang loob niya sa'kin.
"Uhm, mauna na ako ha."
"Samahan na kita."
"Ah? Pupunta pa kasi ako sa restroom."
Tumango nalang siya.
Agad naman akong umalis. Mabuti nalang at hindi naman niya ako sinundan pa.
Namangha talaga ako kasi ang gaganda ng mga students dito at ang fresh pa nila amoyin.
Napa hawak nalang ako sa kwentas na suot ko.
Kamusta na kaya si inay?
Lumabas na ako matapos kong mag-ayos at sa hindi ko inaasahan ay nakita ko si Renzo na nasa labas naghihintay sa'kin.
"Oh? May stain ang coat mo."
"Ha?"
Pansin kong may black ink nga sa bandang collar.
Napangiti nalang ako sa sobrang hiya.
"Samahan na kita sa boutique."
"Ha?"
Namangha naman ako sa nakita ko, may sariling shop sa loob ng school!
Pumasok na kami at binilhan niya ako ng bagong coat!
"Mukhang sobra naman ata to?" sabi ko.
Ginulo lang niya ang buhok ko sabay ngiti.
"Magbihis ka na."
Hindi ko naman maiwasan na mamula sa mga pinaggagawa niya. Daig ko pa ang mga bida sa mga k-novela na napapanood ko.
Napangiti naman ako at pumasok na nga sa fitting area. Isang set kasi ang binili niya at gusto niya makita na suot ko 'tong binili niya.
Lalabas na sana ako nang naabutan ko si Renzo na may kayakap na babae. Namukhaan ko naman at si Fiona' yun!
Nagmadali naman akong pumasok ulit sa fitting room.
Nandun pa din sa labas sina Fiona kaya na stock na ako dito sa loob.
"Now get out."
Ha?
May kamay naman humila sa'kin at bumungad sa'kin ang pagmumukha ng antipatiko na 'to.
"Ugali mo ba talagang sumama sa mga taken?" aniya.
Hindi naman ako umimik.
"Rain!" tawag ng isang pamilyar na boses. Napahawak naman ako nang mahigpit sa kamay niya kasi alam ko na kung sino ang tumatawag.
Agad naman bumitaw si Rain sa pagkakahawak niya sa'kin at tinulak ako. Sumusobsob naman ang mukha ko sa couch.
"Ah? Ba't nandito ka?"
"Sinasamahan ko lang si Renzo pero mukhang may date ata kayo."
"Oo nga eh," aniya.
"Sige bro alis muna kami."
Tsk, napakababaero naman pala ni Renzo.
"You look like a mistress," inis niya. Nainis naman ako sa narinig ko.
"Nilibre lang niya ako!"
"Tsk, blah blah blah!"
Naiinis naman akong lumabas sa shop. Hindi ko na siya inimikan.
" Sa susunod ayoko na makita ang pagmumukha mo," aniya. Napakunot noo naman ako nang mapansin ko ang sugat sa bandang labi niya.
Sinamaan ko nalang siya nang tingin. Paki ko ba!
Naglakad na ako palayo. Naalala ko na may class pala kami sa Chemistry. 30 minutes nalang!
Pansin ko na may pharmacy sa dulo. Naalala ko na naman ang putok na labi ng asungot na 'yun. Bibilhan ko ba siya o hindi?!
Naku naman!
Pumasok na ako sa laboratory room at usual late ako. Halos mapagod ako sa kakahanap kung saan ito.
"You may take your seat, ayoko ng late comer sa class ko!"
"Sorry po."
Hindi ko naman alam kung saan ako uupo. As usual, ang sama nang tingin nila sa'kin kaya mas pinili ko nalang na tumabi sa asungot na 'yun.
"What do you think are you doing?" inis niya.
"Sorry, mas may tiwala kasi ako sa' yo kesa sa kanila," saad ko.
Pansin kong natigilan siya. Naalala ko naman ang ointment na binili ko sa pharmacy. Sakto naman na may alcohol kaya nag-spray muna ako sa kamay ko.
"Hoy," tawag kong mahina sa katabi ko.
Nainis naman siya.
"Huwag kang malikot," saad ko. Hinawakan ko naman ang baba niya tsaka pinahid ang ointment.
"Ano bang pinaggagawa mo sa buhay at pumutok pa talaga ang labi mo?" inis ko.
Namula naman siya sa tanong ko.
Ang awkward ng mukha niya kaya napalingon na din ako sa likod ko.
Naku naman, lahat sila nakatingin sa'min.
Ano ba kasi 'tong pinaggagawa mo Aeris!