Trending

1020 Words
2nd day ko na ngayon at hindi maganda ang kutob ko lalo na sa nangyari kahapon. "Salamat po," sabi ko sa driver namin. "Ingat po, younglady!" Kumaway naman ako at hinintay muna siya na makaalis. Pansin kong ang ingay ng mga students at busy sila sa mga phones nila. May iba nagtitili at may iba naman na nagagalit. Nagkibit balikat nalang ako. Nasa hallway na ako nang biglang may narinig akong bulong-bulongan. "No way, she's the girl!" "Hmm well she's kinda cute naman pala e." "Oo nga." Sa'kin na sila lahat nakatingin at mukhang naiinis na ako. Ano na naman ba 'to? Nag-vibrate naman ang phone ko. May tumatawag. Si secretary. "Good day, younglady." "Magandang araw din po." "Mas mabuting umuwi ka muna sa bahay," aniya. "Bakit po?" Bigla naman may tumabig ng phone ko dahilan para mahulog ito. Agad naman may sumabunot sa'kin. "b***h!" Pinagkaguluhan nila ako at wala naman akong magawa kasi pinagtulungan na nga ako. Sabunot dito, sabunot diyan. Ramdam ko din ang pagkalmot ng iba sa braso ko. Galit na galit sila sa'kin at tinatawag nila akong malandi. Napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang maalat na likido na dumadaloy sa labi ko dahil sa lakas ng pag-umpog nila sa'kin sa sahig. Napahawak nalang ako sa ulo ko. Agad naman may mga sumaklolo sa akin. Dinig ko pa ang hiyawan ng mga babae. "What do you think are you doing?" reklamo nila. Pansin kong may mga guards na palang umawat. Dahan-dahan naman akong tumayo. Ramdam ko ang hapdi at sakit ng katawan ko. Hinarap ko ang babae. "President ako ng fans club ni Rain and how dare you to touch his face?!" "Ano? Para dun dinumog niyo ko?" inis ko. Pinahid ko naman ang dugo na nasa labi ko. "Because you're a b***h!" "Tama na 'yan," sabi ng guard. Pinulot ko naman ang sira kong phone. Napakuyom nalang ako ng kamao ko sa sobrang inis. "Siguro anak ka ng kabit kaya ang landi mo," saad niya. Nandilim naman ang paningin ko at sinampal ko siya nang hindi ko namalayan. Bumakat ang palad ko sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko dahilan para mahimatay siya sandali. "Huwag mo idadamay ang mama ko dito." Dinala na din ako ng guard. Nagkagulo na din kasi. Nasa loob lang ako ng isang room. Napapikit sa sobrang hapdi ng mga kalmot na natamo ko. Bigla naman may pumasok at 'yun ang adviser namin. "Are you okay?" tanong niya. Hindi naman ako tumugon kaso nahihiya ako kaya tumayo na ako at yumuko. "Sorry po sir." "Alam mo galit na galit talaga ako lalo na makita ko si Stacey pero ngayon na nakita ko ang kalagayan mo e mas naiintindihan na kita." Hindi ko naman kasi alam na ganito pala ka baliw ang fandom ng Rain na 'yun. "Mas nakakabuti kung lalayo ka muna kay Rain at sa grupo nila." Tumango lang ako. Nilapag naman niya ang PE uniform sa harap ko. "Mag-ayos ka muna, pinatawag ng school head ang parents mo," aniya. "Po?!" Ano nalang ang sasabihin ni papa. "Mahirap ang kinalaban mo, Aeris, isang Rashin ang binangga mo." Rashin? Sino sila? Naiwan naman akong nakatulala lang sa sulok. Nilakasan ko na ang loob ko at nagbihis na nga ako ng bagong damit. Pansin kong nakaabang lang sa labas ng pinto si sir Arevalo. Nakayuko lang akong nakasunod sa kanya. " I can't assure you na madi-defend kita, hija." "Okay lang po sir." "You know, I need this job." Naintindihan ko naman din kasi. Pumasok na kami sa directors office. Nakayuko lang ako nang biglang may sumugod sa akin. "TONTA!" sampal nito sa akin. Napahawak naman ako sa pisngi ko. Ramdam ko ang nginig ng mga tuhod ko. Pansin kong wala si papa at ang mama lang ni Stacey ang nandito. "I'm giving a warning expulsion to you Miss Rodriguez, I no longer tolerate this kind of malicious act here in Yishin!" Sinabunutan naman ako ng mama ni Stacey dahilan para masubsob ako sa mesa. "Stop it," dinig kong boses mula sa labas. Bumungad naman sa amin ang isang magandang babae, nasa mid-age pero mala-beauty queen ang dating niya. Pansin kong tumayo ang director at yumuko sa harapan nito. Hindi ko naman napigilan ang pag-iyak ko. "My secretary had taken a video copy of what you did Mrs. Arnaiz," aniya. "Now you girl, stand up!" sigaw niya. Agad naman akong nag-ayos nang tayo at nagpipigil pa din sa pag-iyak. "I don't see any malice sa ginawa niya and I saw the cctv!" ani pa nito. "Pero makikita sa video na---" "SINASABI MO BA NA MALANDI ANG ANAK KO?" Pansin kong nagulat silang lahat at maging ako ay nagulat din sa narinig ko. "I am so disappointed," bungad ni papa. "Chairman!" gulat nilang pagkakasabi. Hindi ko na napigilan ang iyak ko nang makita ko si papa. Lumapit naman siya sa'kin at niyakap niya ako. "I can't imagine that my daughter will experience this kind of treatment." "Anak? Bakit ngayon lang namin 'to nalaman?" natatawang tanong ng mama ni Stacey. "You're not part of the rich club, di' ba?" sarcastic na saad ng mama ko. "Hindi kasi kita kilala," at tumawa pa siya. Alam kong napahiya ang mama ni Stacey. Matapos ang scenario na 'yun, nasa loob na kami ng kotse at katabi ko ngayon ang babaeng nagpakilalang mama ko. "Marami pong salamat." "What? As if na ginusto ko' yun?" Nabigla naman ako sa sinabi niya. "Madam, nakaalis na po si Chairman," bungad ng secretary ata niya. "Now get out," saad niya sa akin. "May tenga ka naman di'ba?" "Po?" "Get out of my sight!" Agad naman akong bumaba. Naiiyak na naman ako. Akala ko totoo lahat ng 'yun pero hindi pala niya ako tanggap. "Huwag kang umastang Yishin dahil basura ka lang," saad ng secretary niya. Napaatras naman ako nang buhusan niya ako ng tubig. Sumakay naman siya sa loob at naiwan na akong basang-basa. Napaupo nalang ako sa pavement. "Mama," iyak ko. "Tumahimik ka nga!" dinig kong pamilyar na boses. Napalingon naman ako at bumungad sa akin si antipatiko. Hinagis naman niya sa mukha ko ang coat niya. Infairness, ang bango niya. "Salamat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD