His Place

1092 Words
"Sure ka ba na dito na aangkas ako sa motor mo?" "Nag-iinarte ka pa ba?" inis niya. Hinagis naman niya sa'kin ang helmet niya. Pansin kong wala siyang extra na helmet kaya nagpasalamat nalang din ako sa ginawa niya. "Sa tingin mo hindi ako hahanapin ni papa?" "Sa tingin mo din ba na welcome ka sa bahay niyo?" naiinis niyang tanong. Inirapan ko naman siya. Minsan hindi ko na alam kung sasama ba ako sa taong ito o hahayaan ko nalang ang sarili ko na magpalaboy-laboy sa kalsada. "I want to remind you that I'm doing this thing because of your brother," aniya. Tumango naman ako. "And I'm doing this because he's on a seminar," aniya pa. "Opo," saad ko. Umangkas na nga ako sa likuran niya. Halos mawindang naman ako nang paharurutin na niya ang motorbike niya. "Anak ng tinapa naman oo!" sigaw ko sabay hawak sa bewang niya. Naku jusko po ito! Mamatay ako nang maaga nito! Sinapak ko naman siya at pinagsesermon. "Bagalan mo naman ang takbo mo!" At sa sobrang inis ko, mas pinatakbo niya pa nang mabilis ang motor niya. Ilang minuto din nang makarating kami sa sinasabi nilang elites villa. Nasa loob lang din ito ng school premises at ang mga nakatira dito ay puro mayayaman na studyante. Pinark na nga niya sa labas ang motor niya. Halos hindi naman ako makatayo nang maayos sa sobrang nginig ng tuhod ko. "Aatakehin ako sa puso sa pinaggagawa mo!" hampas ko sa dibdib niya. Nainis naman ako kasi wala talagang pakialam ang damuho. Nilagpasan lang niya ako sabay pasok sa unit niya. Sumunod naman ako. Halos mamangha ako sa mga nakikita ko. Ang ganda ng buong bahay at ang gara sa loob. " Dito ka muna mag-stay," aniya. "Ha?" Pansin ko kasi na iisa lang ang kwarto dito. Ang awkward naman ata na matutulog kaming dalawa sa iisang kwarto. "Don't worry, hindi kita type," aniya pa. "Kahit hindi mo ko type, may pinaglalaban pa din ako at ayokong isuko ang bandera ko sa isang katulad mo!" "What did you say?" Hindi na ako umimik. Ginala ko nalang ang paningin ko sa buong bahay. Pansin kong pumunta siya sa kusina at may kung anong hinahanda. Nahiya naman ako at umupo nalang ako dito sa sofa. Agad naman bumukas ang tv. Halos lumukop sa buong bahay ang ungol ng isang babae mula sa tv screen. "AAAAAAAH!" sigaw ko sabay takip ng mata. Agad ko naman naramdaman na may dumagan sa akin sabay agaw ng remote. Biglang natahimik ang buong bahay. "Wtf, Shone!" saad niya. Halos mawindang ako sa nakita ko. "MANYAK KA TALAGA," saad ko habang pinaghahampas siya ng unan. "WHAT? HINDI AKO NUN, MAY NAG-SLEEP OVER KASI KAGABI," rason niya. "Napaka manyak mo talaga at magdadahilan ka pa!" sigaw ko. "Will you please calm down?!" sigaw niya. Natahimik naman ako. Halata kasi ang galit niya sa tono ng pagkakasigaw niya. Umalis naman siya sa harapan ko at binuksan ulit ang tv. Bumungad na naman ulit sa amin ang kahalayan ng dalawang tao sa screen! Hanggang sa nilipat na niya sa netflix. "Will you please stop freaking out? Will you?!" "Sinira mo ang inosente kong pag-iisip!" "Hindi nga ako ang nanood nun!" "At may balak ka pa palang pagnasahan ang virginity ko?!" inis ko. Pansin kong natahimik siya. Ramdam kong biglang nagbago ang mood ng paligid. Pansin kong namula ang pisngi niya at ang awkward ng-- "Teka-- uhm," aniya sabay talikod. "Sige, ah, manonood na ako ng movie," ani ko. Napasapok naman ako ng ulo ko nang makaalis na siya sa harapan ko. Pambihira naman talaga e! Hindi na ako umimik kasi mukhang naging awkward din sa kanya ang sinabi ko. Pansin kong nasa kusina lang siya at parang balak niya atang magluto. Maghahanap sana ako ng panonoorin nang pansin kong puro intense romance ang nasa suggested picks! Ganun na ba siya ka maniac! Naiinis naman akong nagdabog hanggang sa may napansin akong movie. Mukhang maganda naman kaya pinindot ko na. Halos mawindang naman ako na bed scene kaagad ang atake ng panimula ng movie. "Don't stop babe." "Babe mm aah." "Ano ba 'yang pinapanood mo?!" galit niyang tanong. Hindi ko alam kung bakit natigilan ako kasi parang may iba akong naramdaman. Ramdam ko ang init sa katawan ko. Hindi ko na napansin na inagaw na pala ng lalaking' to ang remote na hawak ko. Nagulat naman ako at agad ko siyang nahila kaya pumaibabaw siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na ang pogi pala niya sa malapitan at ang ganda ng mga mata niya. Ang pula ng mga labi niya at ang bango-bango niya. "Are you done drooling on me?" he smirked. Napakunot noo naman ako sa sobrang hiya at hindi pa din siya umaalis sa ibabaw ko. Ramdam ko na ang bigat niya at ramdam ko na din ang - - -. "Waaaa!" tili ko. "Umalis ka na sa mmm----" Ang init. Bigla nalang niya akong hinalikan at hindi ko alam kung bakit hinahalikan ko din siya pabalik. Napapikit naman ako sa hindi ko malaman na dahilan. Nakita ko naman sa screen ang babae na kasalukuyan sinasabunutan ang buhok ng lalaki at ginawa ko din yun. Halos mabaliw ako nang bigla akong hinalikan ni Rain sa bandang leeg ko. Hindi ko mapigilan na hindi mapaungol sa ginawa niya. "Masyado ka atang nag-enjoy," he grinned. "I'm sorry you're not my type," aniya sabay bangon. Napapikit naman ako sa sobrang hiya. Natahimik naman ako at umayos ng upo. Kinuha ko ang bag ko. "Where are you going?" aniya. "Ah--eh," nauutal kong sabi. Agad na akong lumabas ng unit sabay karipas nang takbo. Hindi ko na alam kung saan ako tumungo basta ang importante ay ang mapalayo ako sa lugar na 'yun! Hinihingal naman akong tumigil sa isang bench. Napasalampak ako sandali sabay napahawak sa dibdib ko. "Langya, first kiss ko' yun at ang sagwa ko!" Nagdadabog naman akong napahilamos sa sobrang kahihiyan! "First time? Mukha ba 'yung first time?" tawa niya. "Teka ba' t mo ko sinusundan?" "Tsk, as if na inosente ka." "HOY, NEVER KO PA KAYA NAGAWA 'YUN," inis ko. "Eh bakit parang well-experienced ka na?" pang-aasar niya. "Kasi---" Agad naman nag-flashback sa isip ko ang mga pinaggagawa ko as w*****d reader! Waaaaa! Normal naman siguro sa isang reader na mamulat sa rated spg na mga censored na bagay-bagay di'ba? Ramdam ko naman na hinawakan niya ako sa braso ko sabay kaladkad sa akin pabalik sa dinadaanan ko. "Uuwi nalang ako!" "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na---" May sasakyan naman bumisina sa likuran namin. Si Renzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD