"I just want to say sorry," aniya.
Hindi ko naman alam kung ano ang ire-react ko kasi alam ko sa sarili ko na ang laking abala ng mga nangyari sa akin kanina.
"Alam mo, ayoko magpaka-plastik sa'yo," panimula ko.
"Dun sa botique, ginawa mo kong tanga," saad ko.
Halata naman nabigla siya sa sinabi ko at pansin ko din ang antipatiko na 'yun.
"Buti nalang at dumating' to si Rain, alam mo naman pala sa sarili mo na may girlfriend kana e bakit dikit ka pa din sa'kin nang dikit?!" inis ko.
"Look, it's not what you think."
"Ugali mo ba ang paglaruan kaming mga babae?!"
"Uhm I know it's too early to say this but I like you more than Stacey."
Ay aba loko din ito e!
" Alam mo ba na katabi mo ngayon ang fiance ko?" inis ko.
Anak ng--- wala na akong mahanap na rason.
Pansin kong nagulat si Rain at sinipa niya ako mula sa ilalim ng table.
" What? "
" Fiance ko si Rain at mahal ko siya, " saad ko.
"What? I know you're just saying this para uhmn I mean," nauutal niyang sabi.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa pagkain.
Natapos ang buong dinner namin na walang imikan.
Kasalukuyan akong nasa kusina at pansin kong hindi pa din umaalis si Renzo. Nagku-kwentuhan lang silang dalawa.
Ganun pala sila ka close sa isa't isa. May napansin din kasi ako sa sala na pictures nilang dalawa at 'yung iba pictures nila magbabarkada.
Bihira ko lang din nakikita tumawa ang antipatiko na' yun sa school pero pag kasama pala niya si Renzo e lumalabas din pala pagka-kalog nito.
Conyo nga e.
Natapos na ako sa ginagawa ko kaya umupo muna ako saglit sa dining area.
"Dun ka na sa room ko."
"Ha?" tanong ko.
"Wala nang tanong, okay?" inis niya.
Sinamaan ko naman siya nang tingin.
Pumunta na ako sa kwarto niya.
Namangha ako kasi ang laki ng buong kwarto. May library pa nga sa sulok at may maliit na music studio ata sa bandang kanan. Hinanap ko naman ang cr at naligo na ako.
May malinis na towel siyang hinanda sa kama niya kaya ginamit ko na.
Tapos na akong maligo at napansin ko ang puting dress sa kama niya.
Paano naman siya nagka meron nito?
Nagkibit-balikat nalang ako at nagbihis.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko pa din sila na nag-uusap.
Natigilan naman ang dalawa.
"Hoy," tawag ko.
"What?"
"Saan ba ako matutulog?" tanong ko.
"Hindi mo ba alam kung nasaan ang bed ko? Or stupid ka lang talaga para itanong mo pa?"
"E HINDI KO NAMAN SURE KUNG SA KAMA MO TALAGA AKO PAPATULUGIN," sigaw ko.
"Matulog ka na Aeris, dito na kami ni Rain sa sofa matutulog," saad ni Renzo.
Buti nalang at nandito si Renzo, napapagaan ang ulo ko.
Aaminin ko na mas charming at mabait si Renzo kesa sa antipatiko na 'to!
"Lock the door," ani naman ni Rain. Inirapan ko naman siya.
Pumasok na ako sa loob at napasalampak sa kama.
"Ang bango naman ata," saad ko.
Napabalikwas ako kasi ka amoy ni Rain ang unan niya. Ang bango sa ilong. Ganito din' yung amoy na naamoy ko sa buhok niya kanina.
Naalala ko na naman ulit ang nangyari kanina.
Waaaaaa! Umayos ka Aeris! Umayos ka!
Pinikit ko nalang ang mata ko nang maramdaman kong may pumasok sa loob. Amoy ko ang pabango ni Rain.
Pinatay pala niya ang ilaw at in-on ang lamp shade sa side table niya. Ramdam ko na inayos niya din ang kumot.
Nagtulog-tulogan naman ako.
"Sakit ka talaga sa ulo," inis niya.
Naku naku! Nakakainis talaga.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga nang naramdaman kong may yumayakap sa akin.
Naitulak ko naman siya at nakita kong si Rain pala ang katabi ko.
Napaatras naman ako. Pansin ko ang himbing ng tulog niya.
"Stop staring me like that or else.."
"Gising ka?!"
"Will you please tone down your voice? Can't you see it's midnight, wala akong maayos na tulog," naiinis niyang sabi.
"Si Renzo? Bakit dito ka din sa kama natulog?!"
"And so? It's my bed," aniya.
Oo nga naman.
Bumangon naman ako at lumabas ng kwarto. Hindi ko naman nakita si Renzo. Lumabas ako ng unit at wala na dun ang kotse niya.
Bumalik na ako ulit sa kwarto. Naabutan ko na ang damuho na mahimbing ng natutulog.
Humiga na din ako sa kama. Naglagay lang ako ng unan sa pagitan namin at natulog na din ako.
THE NEXT DAY..
Dahan-dahan ko naman minulat ang mga mata ko sa sobrang bango ng niyayakap ko. Ang lamig pero ang init ng unan kaya mas lalo ko pang siniksik ang mukha ko sa unan na 'to.
Naramdaman ko nalang na may kung anong matigas sa bandang tiyan ko. Ano kaya' to? Kinapa ko naman.
Kinapa-kapa ko pa lalo kasi ang weird hanggang sa----.
"What are you doing?" boses ng isang lalaki.
Agad ko naman minulat ang mata ko at napatingin sa kinaroroonan ng kamay ko.
"So-sorry, hindi ko sina-sinasadya."
Agad ko naman binitawan ang nakabakat niyang - - -.
Pumikit naman siya ulit.
"Hindi ko alam na ganun ka pala ka wild."
"MALI ANG INIISIP MO," sabi ko sabay karipas ng takbo papasok sa cr.
Ang tanga mo talaga Aeris!
Aaaah! Agad naman akong napasapak ng ulo ko.
Kumatok naman siya ng pinto at pumasok sa loob.
Ang tanga ko naman para kalimutan i-lock ang pinto!
Lumabas naman ako at naghilamos sa sink dito sa kusina.
Hinintay ko na makalabas siya at umupo muna ako sa sala.
"I said, you're not my type at wala akong panahon na pagnasahan ka," aniya.
"Pwede na ba akong umuwi?!"
Naloloka na ako sa mga nangyayari.
"Aeris," bungad sa'kin ni Renzo. Akala ko ba wala siya?
"I've heard you're screaming, what happen?"
Ha?
"Would you mind to have a morning coffee in my place?" tanong niya.
"Ha? Ah--hindi pa kasi ako nakapagbihis."
"No problem, magkatabi lang naman ang unit namin, tara!"
"Tamang-tama nagugutom na din ako," hikab ng isa.
So magkapit-bahay lang pala sila?!