CHAPTER 18❤
Two days…
Two days nang hindi umuwi si Jordan simula ng makausap niya ang caller sa cellphone niya. Namimiss ko na siya, tuwing gabi hinihintay ko siyang makauwi. Pero walang Jordan na umuwi, iniisip kong baka busy lang ito sa kompanya niya pero dalawang araw na. Si Manang Eura at Wana lang ang tanging kasama ko sa umaga ko. Sa gabi naman ay ako lang mag isa. Inaamin ko nasanay na ako na nandito si Jordan sa tabi ko palagi. Lalo na ngayon hinahanap ko ang presensya ng anak niya.
I miss him so much..
Malapit na ang schedule ko naibili na rin ako ni Manang Eura ng vitamins binilin daw ito ni Jordan bago siya umalis. Nag iwan daw ito ng pera para sa araw araw naming gastusin. Itatawag na lang daw sa kanya kapag may gusto akong ipabili.
"Ma'am, good morning po." nakangiting bati sa akin ni Manang Eura. "Maghintay lang po kayo saglit maghahain lang po ako ng agahan niyo." dagdag pa nito.
Pagkagising ko kasi dito na ako pumunta sa harapan para makalanghap ng sariwang hangin saka magpa init.
"Manang good morning too, do you know where to buy santol?" tanong ko sa kanya.
"Santol po? kahit saan po meron ka ngayon mabibili. Season kasi ng santol ngayon na hunyo e." nakangiting sabi niya sa akin.
"Pabili naman po ako, gusto ko pa kasing kumain saka samahan mo na rin po ng singkamas saka bagoong po." tumango siya saka nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay.
After thirty minutes ay pumasok na ako. Pumunta ako ng dinning para kumain pero mukhang ayokong kumain ngayon. Kaya tatalikod na sana ako ng marinig kong may kausap si Manang sa telepono sa kusina. Nagmamadali akong pumunta sa kusina para malaman kung sino ang kausap niya.
"Ok naman po siya, nag pabili po siya ng santol saka singkamas at bagoong po." seryosong saad niya sa kausap niya. Tumahimik si Manang para makinig sa kausap niya, tatango tango din siya habang nakikinig dito.
Si Jordan siguro!
Maybe I can talk to him even a bit!
"Manang ,is that Jordan? Can I talk to him?" excited kong sabi kaya nagulat pa sa akin si Manang.
"Sir, kakausapin daw po kayo ni Ma'am? Sir? Sir?, sorry po Ma'am, namatay na po ang tawag." malungkot na sabi niya.
Nalungkot ako pero pinilit kong ngumiti kay Manang. "It's ok Manang maybe next time." sabi ko.
"Sige po, nakahanda po pala ang pagkain niyo." sabi niya.
"No, wala po akong gana kumain." sabi ko dito.
Tumalikod na ako para umakyat, naligo saka nahiga sa kama muli. Tanging unan niya na lang ang kayakap ko tuwing matutulog ako. Damit niya rin ang minsan kong sinusuot para kahit papaano mahibsan ang pagkamiss kong nararamdaman kay Jordan. Maya maya lang ay narinig kong may kumakatok.
"Ma'am, my bisita po kayo?" sabi ni Manang sa labas. Kaya nagmamadali akong binuksan ang pinto.
"Sino po?" tanong ko ng mabuksan ko ang pinto.
"Si Sir Danyle po." maikli man ang naging tugon ni Manang pero nagkaroon ng sigla bigla ang katawan ko.
Matagal tagal din na hindi ko siya nasisilayan. Kamusta na kaya siya?
Pagkababa ko ay nakita kong may bitbit itong supot at nakatanaw sa akin na may ngiti sa labi.
"How are you preggy?" nakangiti niyang bati sa akin.
"I miss you Danyle." yumakap ako dito kaya niyakap din niya ako pabalik. Nang matapos niya akong mayakap ay tiningnan niya ako sa mata.
"Woah, hindi mo ako namimiss kasi umiiyak ka. Nalungkot ka siguro kasi iba ang hinahanap mo." natatawang sabi niya. Hinaplos pa niya ang ulo ko akala mo aso niya.
"Hey, para akong aso sa ginagawa mo." bulyaw ko dito.
"Na miss kita Tate." sabi niya.
"Ang tagal ng huli tayong magkita, tapos malaman ko sinusundan mo pala si Lilet kahit sa trabaho." biro ko dito.
Niyakap niya akong muli, nang maghiwalay kami ay inabot niya sa akin ang supot. Nalanghap ko kaagad ang bagoong kaya naglaway ako agad agad.
"Sa akin to? Kanina lang ako nagpabili kay Manang a." sambit ko habang binubuksan ang mga supot.
Kompleto lahat marami rin ang binili niyang bagoong. Nilagay ko sa mesang nasa harapan namin para makakain na rin ako.
"Yes, Jordan bought that for you." sadness filled my heart.
"When did he come home?" saad ko sa kanya.
"I don't know, he is busy fixing something." bali walang sagot niya.
"Is that more important than his child?" tanong ko ulit sa kanya.
"He is fixing those things, para hindi kayo magkaroon ng problema. By the way, na miss ka na raw ni Lilet." sabi niya.
My mood suddenly lighten up, pagkatapos niyang banggitin si Lilet.
"What's the score between the two of you?" naintriga ako sa kanila e.
"Well, there's an improvement, she's allowing me to get inside her home and she's allowing me to pick her up before and after her work, sounds ok right?" nakangiti niyang sabi sa akin. Kaya napangiti ako sa kanya.
"Kaloka naman kasi para kang stalker dati kasi pa silip silip ka pa sa kanya." kantiyaw ko pa kanya.
"What can I say, we love to do that." he said while looking me na kumakain ng santol na sinasawsaw sa bagoong na nasa garapon.
"How I wish, I can get Lilet pregnant too." he murmured those words without thinking that I might have heard him.
"Did you do that thing?" tanong ko sa kanya. Binitawan ko rin ang kinakain ko.
"No, We haven't done that yet because Lilet doesn't want to. I don't want to force her to do what she doesn't want." kalmado niya sagot sa akin.
"She wants to be married before doing those things," he added.
"May point naman si Lilet, kahit ako rin gusto kong maikasal muna bago gawin ang mga bagay na dapat mag asawa lang ang gumagawa kaya lang nangyari ang hindi dapat mangyari kaya napunta ako sa ganitong estado." mahabang sabi ko saka ako tumingin sa mesa na nasa harapan ko.
Hindi ko masasabing nagsisi ako kasi sabi nila blessing daw ang magkaroon ng baby. Kaya excited ako habang hinihintay siyang lumabas.
"Hindi ka naman dapat magsisi sa ginawa mo kasi worth it naman kaya ok lang yan." sabi niya.
"Hindi naman ako nagsisi." maikli kong sagot sa kanya.
"Come with me, Lilet is waiting for you." aya niya sa akin. "Masyado pang maaga para maging malungkot ka, sayang ang ganda mo kapag umiyak ka diyan kaya tara na." hinawakan niya ako sa kamay kaya napatayo ako. Binalik ko sa supot ang mga nilabas kong santol at bagoong at bitbit itong palabas. Nakita ko pa si Manang na nasa hardin naglilinis kaya sinabihan kong magpahinga na dahil mainit na. Saka nag paalam na rin ako dito.
Bago kami sumakay ng kotse niya ay luminga muna siya sa paligid at ng magawi siya sa kabiling gilid kung saan may kotseng itim ang nakaparada ay binuksan niya kaagad ang kotse niya at pinapasok ako.
Is that Jordan?