bc

THE BILLIONAIRE BABYMAKER

book_age18+
544
FOLLOW
2.7K
READ
HE
escape while being pregnant
badboy
billionairess
heir/heiress
drama
mystery
loser
secrets
actor
like
intro-logo
Blurb

Ginawang lahat ni Tatiana para lang makapasok sa gusto niyang pagmomodelo. Pero dahil sa kagustuhan ng ama niyang makapag asawa siya sa edad na trenta ay nagkaroon sila ng kasunduan. Pero dahil sa hindi nasunod ang lahat ng gusto niya. Ginawa niya lahat para mapasunod niya si Tatiana sa kanya. Nag makilala niya si Jordan ay inalok siya nito bilang babymaker niya pero hindi siya pumayag.  Pero dahil dala ng kahirapan at kawalan ng trabaho ay napilitan si Tatiana. Kalaunan ay natutunang mahalin ni Tatiana si Jordan. Nang bumalik ang ex ni Jordan at nagsasabing buntis siya at si Jordan ang ama ay umalis na lang basta si Tatiana dala ang pinagbubuntis na anak nila ni Jordan. 

Makakaya kayang magpatawad ni Tatiana sa mga taong mahal niya na nanakit sa kanya? Kaya pa kaya niyang mahalin si Jordan kabila ng nagawa nito lingid sa kaalaman niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1❤
Tatiana's POV: I Am Tatiana Maserio, twenty five years old, Daughter of Luisito and Talitha Maserio. Graduated in College in Business Management na Ama ko mismo ang pumili ng kursong iyon. After graduation I focus in modeling instead of working in Our Company. They say I have Beauty on my own, Tall and sexy, brown eyes, thin lips. Halos lahat ng kasama ko sa set ay napanganga sa angking kagandahan ko. I have fair complexion na Kapag nasisinagan ng araw namumula ako kaagad. Kasalukuyan akong nakatira sa isang condo sa Makati na ang pangalan ay La Condo Buildings and Towers. Binili ito ng Daddy ng makatapos ako ng highschool. Nagustuhan ko rin ang ambiance ng condo na ito dahil sa magandang tanawin nakasentro talaga sa condo. Tuwing hapon naman pwede mong pagmasdan ang paglubog ng araw. May isang condo pa ako na ako mismo ang bumili mula sa katas ng pinagtatrabahuhan ko sa pag mo-modelo ngunit hindi na alam ni Daddy. Nakatakda akong mag-ma-manage ng kanilang kompanya ngunit ayaw ko kaya napilitan ang Daddy ko na gumawa ng kasunduan sa pagitan naming dalawa. "Kapag nasa edad trenta ka na at wala ka pang asawa, ako mismo ang hahanap ng mapapangasawa mo." Ito ang naging pahayag ng Daddy ko sa huling pagkikita namin. Kaya kahit malayo pa naman sa edad na trenta ay kinakabahan na ako. Dahilan ng Daddy ko ay hahanapan ako nito ng asawa para ang asawa ko na lang daw ang mag-ma-manage ng kumpanya namin. Gusto na kasi ng Daddy kong magpahinga na at makapiling ang Ina ko sa lahat ng oras dahil tumatanda na daw sila . Takot ako sa responsibilidad kaya ayaw kong ako mismo ang hahawak ng kumpanya namin. Mas gugustuhin ko pang ngumiti sa harap ng camera kaysa humawak ng papel at dokumento. "Your Father wants to see you hija." Isang text ni Mommy ang gumising sa aking diwa. "Ok Mom, see you in an hour." Reply ko naman sa Mommy ko. Wala akong photoshoot ngayon kaya nandito lang ako sa condo buong maghapon. Nagbihis kaagad ako at hindi nag abalang mag Make up pa. Pagkalabas ng building ay nagmamadaling sumakay ako sa kotse ko. Maserio Group of Company. Ilang minuto lang nilaan ko sa daan bago narating ang kumpanya namin. Papasok pa lang ng building ay nakatuon na sa akin ang mata ng mga tao at mga nagtatrabaho sa amin. Sumakay na ako ng elevator papuntang top floor kung saan nandoon ang Daddy ko. Pagkabukas ko ng pinto ng opisina nito ay nakita kong busy ang si Daddy ganun din si Mommy na nagbabasa ng mga papers. Ang Mommy rin ang secretary ng Daddy dahil ayaw daw ng Daddy magkaroon ng ibang secretary. "Hi Dad, hi Mom." Bungad ko sa kanilang dalawa. Kaya napa angat ang mga ito ng tingin. "Nandito na pala ang anak kong maganda, hindi ko naramdaman na pumasok ka anak," my Mother walk gracefully to me and hug me tight. "We are having a dinner tonight dear," sabi ng Mommy ko habang nakayakap siya sa akin kaya humalik na lang din ako sa pisngi niya. Nang bumitaw si Mommy sa akin ay pumunta ako kAy Daddy na nasa mesa niya at humalik ako sa pisngi nito. "How are you dad?" Tanong ko sa kanya. "Still alive and kicking hija." Matabang na sagot niya sa 'kin. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Daddy. Pumunta na lang ako sa sofa at umupo doon. "What is this all about Mom?" Tanong ko kay Mommy na dumulog sa sopang kinauupuan ko. "Gusto ng Daddy mong kasama ka mamaya sa isang dinner meeting." Malambing na sagot ni Mommy sa akin." May ipapakilala daw sa iyo ang Daddy mo,anak ng kaibigan niya sana naman may magustuhan ka doon mamaya." Tiningnan ko si Daddy na busy ulit sa mga papers na binabasa niya. Hindi na nga bumabata ang Daddy ko kaya gano'n na lang ang kagustuhan nitong makapag asawa ako. Bukod sa gusto nitong magpahinga e gusto rin nitong makakita ng apo sa akin bago mamahinga. Which is wala sa bokabularyo ko ang pag aasawa.Ayaw ko pang mag asawa, thirty years old is very young for having a family. "Sino ba ang e me meet ninyo Mom?" Tanong ko ulit kay Mommy. "One of your Father's friends in college before." sagot naman ni Mommy. "Bakit kailangan nandoon pa ako Mom?" "I want you to meet my best friend in college Tate. That's all." Seryosong sagot ng Daddy ko. Hindi na ako kumibo at kumuha na lang ng magazines kung saan naka feature ang mukha ko. Kahit galit si Daddy hindi niya makakalimutang bumili ng magazines ko. After one hour ay nagtapos ang Daddy sa pagbasa at paperma ng mga papeles ay nagyaya na itong umalis. May tinawagan ito sa cellphone at sinabing papunta na kami. Nakarating kami ng restaurant na hindi nag uusap. Hindi rin naman ako gaanong kinakausap n daddy . Ramdam ko ng nagtatampo ito sa akin. Pagpasok ay sinalubong kami ng isang may matandang lalaki at isang ginang. Nakangiti ako sa harap nito dahil ayaw ko naman na mag mukhang kontrabida ngayon. Habang ang Mommy ko naman ay nagbeso sa ginang. Ako naman ay nagbeso din sa mag asawang sumalubong sa amin. "Kumpadre mabuti naman nakarating kayo kaagad." Sabi ng Ginoong sumalubong sa amin. "Syempre naman Kumpadre," nakangiting tugon ni Daddy. "Hija, this is your Tito Erdan and Tita Jorlyne. My friend since college." Pagpapakilala ni Daddy sa sumalubong sa amin kanina. "Hi Tito, Tita, nice to meet you po , How are you po." Sabi ko sa kanilang dalawa. "Still kicking, hija." Nakangiting sagot ni Tito Erdan sa akin. Pumasok kami sa isang pinto na ang hinuha ko ay isang pang VIP room. "By the way, Pare, meet my two sons, Jordan, my first son and my second son, Danyle." Pagpapakilala nito sa dalawang lalaki na tumayo kanina ng pumasok kami. Nagbeso ang dalawang binata sa Daddy ko. Ganoon din ang ginawa ni Daddy. "This is Tatiana, my only daughter." Pagpapakilala naman sa akin ni Daddy sa kanila. Ngumiti ako sa dalawa pero nadismaya ako sa nangangalang Jordan dahil deadma dito ang beauty ko. Seryoso itong nakatingin sa akin na parang inaarok katauhan ko habang si Danyle ay ngumiti sa akin pabalik. Parehong berde ang mata, kulot ang buhok si Jordan habang si Danyle naman ay tuwid. Maputi ang balat ni Danyle, may pagka moreno naman si Jordan. Kung mataas ako mas mataas sila sa akin. "Model ka 'di ba?" Tanong ni Danyle sa akin. "Yeah." Maikling sagot ko sa kanya. "How old are you, Tate?" Tanong ulit ni Danyle Sasagot na sana ako sa tanong nito ng magsalita ang kapatid nitong tuod. "Stop asking a question at her." Iritasyon ang nakikita ko sa mukha nito. "So kj Bro, I am just asking her age, what's the problem?" Natatawang sagot naman ni Danyle. Hindi na kumibo si Jordan ngunit salubong na ang kilay nito. Busy ang mga matatanda sa pag uusap tungkol sa negosyo kaya hindi kami naririnig ang pag uusap ng mga naming tatlo. Nang mag order ang Tito Erdan ng pagkain, ay hinayaan kong si Mommy na ang mag order ng pagkain para sa akin. The dinner went well at halos dalawang oras ang itinagal ng pag uusap. After dinner nakiusap sakin si Mommy na sa bahay namin ako matulog dahil na-mi-miss na daw siya nitong kabonding. Kaya pumayag na lang ako sa hiling nito sa akin. When we arrive from dinner my Father invite me to talk in his office in our home. May sarili itong opisina kapag nasa bahay ito. Sumunod ako sa Ama ko pagkababa namin ng kotse. "Tatiana, wala ka bang nagustuhan kanina sa dalawang binata na kasama natin sa dinner?" Nagulat ako sa sinabi ni Daddy sa 'kin. "Dad, alam kong nagmamadali kang mag asawa ako, sana naman hayaan mong ako mismo ang pipili ng lalaking gusto kong makasama." Sagot ko naman sa Daddy ko. "You think hahayaan kitang mamili sa kung sino sino na lang diyan sa tabi-tabi? 'Yong hindi na ka level? Kapag hindi ka pa nakahanap ng mapapangasawa mo bago dumating ang birthday mo. Wala ka ng magagawa pa sa desisyon ko na ikakasal ka sa taong gusto ko para sa 'yo!" Sigaw niya sa akin. Tumalikod ako at lumabas ng opisina nito. Nakasalubong ko ang Mommy na may bitbit na kape at bakas sa mukha nito ang pagtataka ngunit hindi ko na ito pinansin. Ayaw kong maging bastos sa harap ng Ama ko ngunit ayaw ko pangunahan ako pagdating sa pagdedesisyon sa buhay ko. Nagtuloy- tuloy ako sa kwarto ko saka padapang nahiga sa kama at pinikit ang mga mata ko. Narinig kong bumukas ang pinto ng silid ko pero hindi ko na nilingon. "Tate, gusto lang ng ama mo na malagay ka sa tamang tao. Ayaw niyang sa huli pagsisihan mo ang mga desisyon mo sa buhay. Gusto namin na maging mabuti ang kalagayan mo sa oras na iwan ka namin. Hindi na kami bumabata anak," payo ni Mommy habang hinahaplos ako. "Tama ba mommy? Ang pilitin na maghanap ng mapapangasawa na kahit ayaw ko pa talaga pipilitin ninyo akong mag asawa agad? Bakit? Hindi na ba pwedeng hayaan niyo na muna ako sa gusto kong mangyari?" Sagot ko habang umiiyak ako. "Alam ko ang naramdaman mo Anak, napagdaanan na namin 'yan ng Daddy mo, kaya masanay ka na sa tradisyon ng pamilya natin." Nang tingnan ko si Mommy ay naluluha din siya. "Bata pa lang ako My, 'yan na ang palaging sabi ni Lola sa akin. Kapag lumaki ako hahanapan niya ako ng mapapangasawa agad-agad. Nang mag apply ako as model sa agency nagkaroon pa ng problema dahil inatake kaagad ang Lola dahilan upang dalhin siya ng Amerika para doon magpagamot. Simula ng bata ako Mommy, hindi ko naramdaman na malaya ako kasi laging may nakabantay sa lahat ng galaw ko." Umiling iling si Mommy. " Gusto kong mag enjoy sa pag mo-model Mom, hindi pa ako nagtatagal sa industriya ng pag momodelo. Kakasimula ko pa lang ni hindi ko pa nga naabot ang pangarap kong makarampa sa ibang bansa. Sana hinayaan niyo na muna maranasan ang bagay na gusto ko sa buhay. Buong buhay ko sinusunod ko ang gusto ko. Sana naman tulungan mo ako sa pagpapaintindi kay Daddy. Sabi mo alam mo ang nararamdaman ko ngayon, sana naman ikaw mismo Mommy ang makakaunawa ng gusto ko." "Gusto lang namin na mapabuti ka anak, ito lang ang paraan para hindi ka mapunta sa maling tao. Hindi pwedeng ipagkatiwala ng Daddy mo ang kompanya sa kung sino lang Tatiana." Mahinahon na sagot ji Mommy. "Ok, fine, kung ayaw mong kami ang maghahanap sa 'yo ng mapapangasawa mo, ikaw na lang ang mahanap. Basta piliin mo lang ang hindi ka sasaktan at mamahalin ka ng tunay at lubusan." pinal na sabi ni mommy. "Mahal ka namin anak, tandaan mo 'yan palagi. Susubukan kong kausapin ang daddy mo tungkol dito pero hindi ko maipapangako na ma pa-payag ko siya sa kahilingan mo." huling sabi niya. Bago siya lumabas ng kwarto, ngumiyu pa siya bago niya sinara ang pinto. Kailangan ba talaga ganito kaaga ang mag desisyon para sa pag aasawa?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook