Chapter 2❤

1847 Words
Hapon na ng matapos ang photoshoot namin. As usual may isang bouquet na naman ako ng pulang rosas. Ngunit binigay ko 'yon kay Lilet. Niyaya din ako ng ka partner ko sa shoot na mag bar pero hindi ko pinaunlakan. Sinabi ko na lang na wala ako sa mood pero heto ako ngayon nakaupo sa isang upuan sa bar counter. "Ilang taon ka na, Tatiana?" Tanong ko sa sarili ko. Natatakot ako sa darating na kaarawan ko. Wala pa man ay nakikita ko na ang kalalabasan. Huminga ako ng malalim saka pinaikot ikot ang laman ng basong hawak ko. Habang ang nasa paligid ko naman ay busy sa gitna kakasayaw. Pag kahatid ko kasi kay Lilet ay dumeretso ako dito. Para magbawas ng stress sa katawan. "May I join you?" Untag sa akin ng isang lalaki. Tiningnan ko lamang ito at binalik ang atensyon sa basong hawak ko. Ngunit ramdam ko ang tingin ng lalaki sa tabi ko "Stop staring at her," sabi ng isang boses mula sa likuran ko. Nang lingunin ko ito ay nakatayong bulto ng lalaki na hindi ko masyadong makita ang mukha. Dala na rin siguro ng epekto ng alak kaya hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha. "Who are you, Man?" Tanong ko sa lalaking nakatayo. "Your boyfriend," Maikli niyang tugon pagkatapos ay hinila niya ako palapit sa kaniya. Sounds familiar? It's jordan! "Last time I remember, I am free as a bird." Pinaikot ko ang kamay ko sa leeg niya saka siya tiningnan sa mata Pagkatapos ay sininghot ang amoy niya. Infairness ang bango ng perfume niya. Nakakaadik amoyin. "Baka maubos mo lahat ng amoy ko kapag hindi mo ako tinigilan sa pag singhot." Nakangising sabi niya pero hinapit pa ako ng konti. Nahimasmasan ako kaya naitulak ko siya pero hindi niya ako hinayaan bagkus ay hinila niya ako palabas ng bar saka dumeretso sa parking lot. "Do you know that guy earlier?" Tanong niya sa akin. Umiling ako ngayon ko lang naramdaman ang tindi ng pagkahilo dahil sa alak. "Sino bang hindi lalapit sa ganitong kaganda na diyosa, may seksing katawan, makinis na kutis, may magandang mukha, most of all I'm the hottest woman inside the bar earlier. Minus na lang siguro kung lalaki din ang gusto. "Stop pretending Jordan, don't you like me?" hinimas ko siya sa dibdib pababa sa tiyan niya. Tiningnan ko ang reaksyon niya habang humahaplos ang mga palad ko sa tiyan niya. Ang tigas ng tinapay niya! Akma ko pang ibaba pa ang kamay ko ay pinigilan niya ako. Kinuha niya ang dalawa kong kamay saka ako pinapasok ng kotse ko. Paano niya nakilala ang kotse ko? Tigalgal ako sa loob ng kotse bumalik lamang lutang kong isip sa katinuan ng katokin niya ako. Kaya dali dali kong sinaksak ang susi ng kotse saka pina harorot ng mabilis. Mabuti na lang at safe akong nakarating sa condo unit ko. Nang makapasok ako ng condo ko ay dali dali ko ni lock ang pinto saka napa hilamos ng mukha. "My God! Tatiana, what have you done." kastigo ko sa sarili ko. Ngunit hindi pa ako nakatapos ng litanya ko ay tumunog ang cellphone ko sa bag kaya agad ko itong tiningnan. Si Mommy, tumatawag pala. "Hello 'my, napatawag po kayo?" Bungad ko sa kanya ng masagot ko ang tawag niya. "I just want to check on you, Darling." Malambing na sagot ni Mommy sa akin. "I'm fine Mom, thank you for calling." nakahiga ako sa kama ko. Marami pa kaming pinag usapan ni Mommy. Pinilit rin niyang kausapin ko na si Daddy pero tinanggihan ko na. Nang matapos kaming mag usap ay nagshower ako para mawala ang alak sa katawan ko. Pero bago pa man ako pumikit ay tumunog muli ang cellphone ko. Kaya tiningnan ko ito, pero napatayo ako mula sa higaan ko. Sa nabasa kong text. "Be careful honey, baka sa susunod hindi ko na pipigilan ang kamay mo." My god! Paano niya nalaman ang number ko? - - - Lumipas ang araw at sige pa rin ang pagdating ng bulaklak, pati pagkain kapag nasa trabaho ako. Minsan naman sa condo ko na talaga hinahatid ang mga bulaklak kapag wala akong pictorial. Pero ang mga bulaklak dumating sa pictorial ay binigay ko na sa kasamahan ko ang sa condo naman ay hinayaan ko ng mabulok sa mesa. Medyo kinakabahan at para ko na itong stalker ay hinayaan ko na. Hindi rin naman nanakit. Si Mommy naman ay araw-araw kung pangangamusta sa akin. Si Daddy minsan kinakausap ako pero mabilis lang. Ramdam ko ang tampo niya pero hinayaan ko na. Pasasaan ba at matatanggap rin niya ang desisyon ko. Binawasan ko na rin ang mag bar dahil laging kong nakikita si Jordan sa bar kong saan ako pupunta. Tapos lahat ng lalaking lalapit sa akin ay pinapalayo niya sa pamamagitan ng pagsabi na boyfriend ko siya. Kahit fans ko na makikita ako sa bar ay tinataboy niya. Nagpalit ako ng number para hindi na siya maka text sa akin panay kasi ang text nito, nangangamusta sa akin, akala niya close kami. Minsan ko na rin nakitang nakatambay siya sa condo. Pero denedma ko na ayoko ko ng makadagdag siya sa stress ko. Pero sa tuwing may dinner na sila ang kasama ni Daddy ay sina sama nila ako. Ewan ko lang pero mukhang nirereto ni Daddy ang dalawa sa akin. Panay din ang puri nito sa dal'wa, si Danyle naman ay panay ngiti lang kapag pinupuri pero si Jordan ay panay ang tingin sa akin. Tila kakainin ako ng buhay kung tumitig. Ibang Jordan ang nakikita ko kapag pamilya namin ang kasama, pero kapag sumusunod siya sa akin ay naging malambing siya minsan naman ay masungit lalo na kapag may lalaking lumalapit sa akin. Para akong tanga kapag kinakaladkad niya ako dati mula sa loob ng bar papunta kotse ko. "Nextime, wear something decent dress not that clothes na parang kinulang sa tela," Iyan ang sinabi niya ng huli niya akong hinila palabas sa bar. Bakit ano ba ang mali sa croptop na suot ko? Modelo ako hindi manang o probinsyana halos itago na ang balat sa sinusuot na damit na mahaba ang manggas. Ngayon ko lang din naisip na baka si Jordan ang nagpapadala ng bulaklak at pagkain. Hmp! Malalaman ko lang na siya ang nagpapadala ng mga iyon. Ipapakain ko talaga sa kanya ang natitira pang bulaklak na nasa condo ko! "Hey, Your Father told me today to fetch you after. your work." Habol sa akin ng tumatakbong si Jordan. Kakatapos lang ng photoshoot ko dito sa Mandaluyong, nauna ng umuwi si Lilet dahil may importanteng lakad daw ito kaya pinayagan ko ng na unang umuwi. "Bakit? Wala kaming usapan ni Daddy na ikaw ang susundo sa akin. Saka marunong akong mag drive kaya hindi kita kailangan." Suplada kong sagot sa kanya. "Saka paano mo nalaman na nandito ako sa Mandaluyong?" "Your Father gave me your location, so let's go" hahawakan niya sana ako sa kamay pero nailayo ang kamay ko sa kamay niya. "Kaya kong umuwi mag isa kaya umalis ka na, ako na bahala magsabi sa Daddy tungkol sa 'yo." Taboy ko sa kanya. "No, baka ano pang mangyari sa 'yo sa daan at ako pa ang mananagot sa Daddy mo. Binilin ka niya sa akin kaya responsibilidad kita." Nyemas! May gana pa siyang ngumiti sa kabila ng pagtaboy ko sa kanya. Infairness ang puti ng ngipin niya. Alaga siguro ito ng dentista kaya ang puti. "Oh, am I handsome? Hot?" tudyo niya sa akin. "Hot your face!" pumunta na ako sa kotse pero ang loko na kasunod pa rin. "I will be the one to drive you home. Your Father will get angry, because of your stubbornness." inagaw niya ang susi sa kamay ko saka niya pinindot ang saka binuksan ang pindot sa kabilang side ng kotse at inalalayan akong makapasok. Kaagad naman siyang pumunta ng driver seat para umupo. "Your seatbelt Madam," siya na ang nag kusang maglagay ng seatbelt ko pagkatapos ay kinabit niya rin ang kanyang seatbelt. "Titigan mo na lang ba ako hanggang makarating tayo sa inyo? Ayos lang sa akin 'yan, alam ko naman na gwapo ako," proud na sabi niya na. "You're so full of yourself. I just wondering kung close ba tayo para ipag drive mo ako ngayon? The last time we saw each other was at dinner together with our family, and you're not even talking to me properly." Taas kilay kong sabi ng makabawi ako sa katitingin sa kanya. "Bakit? Gusto mo bang kapag nag di-dinner tayo kasama ng mga pamilya natin kakausapin din kita? Sige ngayon dadalhin kita sa restaurant para sa isang dinner date, payag ka ba?" kinabahan ako bigla sa sinabi niya. "Y-yes, N-no, diretso tayo ng uwi, nakakatakot kang kasama nanghihila ka na lang bigla eh, saka baka may gawin ka sakin. Wala akong tiwala sa 'yo." Kinakabahan kong sambit sa kanya. First time kong na imbita ng dinner date. Kaya natatakot ako, kahit pa sabihin na kilala siya ni Daddy. Hindi na rin naman niya ako kinulit pa at nagpatuloy na lang sa pag drive. Nakarating kami sa bahay na hindi nag kikibuan. Sinalubong kami ni Mommy na masaya ang mukha. "Dinner is ready darling, let's inside. Jordan ate with us." tawag ni Mommy kay Jordan. Napasipol pa siya habang nakasunod sa amin ni Mommy. Kaya ng nakarating kami ng dining area ipinukol ko siya ng matalim na tingin. Pero ang damuho ay ngumiti lang ng nakakaloko. "Salamat sa pag uwi ng maayos sa dalaga namin Jordan. We will wait for your father so we can proceed to eat. He's on the way." Imporma ni Mommy. "No problem Tita, It's my pleasure to secure your daughter's safety." Nakangiting sambit ni Jordan na ikinangiti naman ni mommy. Umupo si Jordan harap ko. Katabi ko si Mommy na malapit lang sa kabisera ng mesa. Marami ang ulam hindi ko alam kung fiesta dito sa loob ng bahay si Jordan lang naman ang kasama namin kumain. Hindi ko alam na kung marami kumain si Jordan. But I find him cute, even though he is very full of himself. Fifteen minutes ang dumaan bago ko nakitang papasok sa dining area si Daddy bakas sa mukha ang pagod. Kaya naman kaagad itong pinagsilbihan ni Mommy. Nang malagyan ni Mommy ng ulam ay kagad siyang bumalik inupuan niya. Tiningnan lang ako ni Daddy laya napatikhim akong bago tumayo para humalik sa pisngi niya. Bumalik din ako agad para simula ng kumain. Tahimik kaming kumain, tanging kubyertos lang ang tumutunog. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Daddy at Mommy para umakyat sa kanilang kwarto. Kaya naiwan kami ni Jordan habang nakaupo sa mahabang mesa. "Umuwi ka na pagkatapos mong kumain." Masungit kong sabi agad akong tumayo para umakyat sa taas. "Goodnight Tate, Hope to see you soon." Pahabol na sabi niya. Maka hope to see you akala mo naman aalis siya. Hindi nga kami close, mabuti pa nga si Danyle kinakausap ako sa tuwing mag di-dinner kami. Pero siya madaldal lang siya kapag kaming lang dalawa ang magkasama. Makatulog na nga..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD