Chapter 3❤ Surprisingly surprise.

1765 Words
Hindi biro ang pinagdaanan ko sa mundong pinasukan ko. Which is modeling because dumaan muna ako sa mababa. Bago nila ako nilagay sa pg post ng camera. Simula ng pinasok ako ang pag modelo. Nagkaroon kami ng malaking discusyon ng ama ko. Tutol daw siya pag mo-modelo ko lasi ang gusto niya ay mag focus na ako sa kumpanya namin pagka graduate ko. Pero nagulat siya dahil isang araw sinabi ko sa kanila ni Mommy na natanggap ako as ramp model sa isang agency. Mababa lang daw ang sweldo pero sa tingin ko keri ko lang naman kasi ito naman ang gusto ko. "Ma'am? Di ba po malapit na birthday mo?" Naputol ang pag iisip ko dahil kay Lilet. Kasalukuyan kami na nandito sa isang resort sa Manila City. Gusto ko nga sana mag liwaliw dito kasi sabi marami daw dito bar pero nandito si Manager ko kaya hindi na muna. "Yeah, you are all invited, I already told my mom to invite you all." Mahinang sambit ko na tama lang na marinig ni Lilet. "Talaga, Ma'am?!" Her voice is very excited. I'm afraid it could happen on my birthday. If I used to be excited, now I'm nervous, because I haven't found someone to pretend to be my husband because maybe when I choose who I am, I might make a mistake. It's only two days until we celebrate my thirtieth year. But I'm not excited, most of it I was scared. I don't know why. Maybe it's because of the deal between me and my father. My birthday came…. Idinaos ang birthday ko mismo sa bahay namin, sa hardin na nilagyan ng magandang disenyo na pinili ni Mommy. Magagandang bulaklak na nakapalibot sa hardin, nilagyan din nila ng maliit na stage na merong design na mga bulaklak na kulay pink na rosas at nasisinagan ng maliliit na bombilya. Nakalagay din doon sa stage ang denesenyohan nilang pangalan ko pati ang happy birthday na pangalan. Pinalibot kung muli ang tingin ko sa mga ilaw na nilagay sa buong hardin para magsilbing ilaw sa gabi. I just wear a simple dress but very expensive dress, baby Blue colored dress and 5.6 inches glass high heels. Paired with baby blue necklace and earring. Marami ang namangha sa suot ko 'yong ibang crew na kasama sa food catering ay nakatingala sa akin kung tumingin. "Happy 30th birthday darling," nakangiting bati ng Mommy ko sa akin. Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil kay Mommy. "Kailangan ipaalala talaga sa 'kin 'My, na 30 na ako?" Napipikon kong tanong sa kanya. "It's not like that hija, I'm just happy today because it's your special day," nakangiting sabi niya sa 'kin. "Mommy naman eh, kinakabahan nga ako eh," ungot ko na lang sa kanya. "Huwag kang kabahan hindi ka pa ba nasasanay?" Ngumiti na lang ako sa tanong ni Mommy. "By the way, nagustuhan mo ba ang regalo ko sa 'yo?" "Yes, Mommy, thank you so much." Niregaluhan niya ako ng kotse nagulat na lang ako kahapon ng iabot niya ang susi sa akin ng bumisita siya sa condo ko. Iba naman kasi ang kinakabahan ko. Baka totohanin ni Daddy ang banta niya. Pero bahala siya paninindigan ko ang gusto ko. Ayaw ko pang mag asawa at wala siyang magagawa tungkol doon. Bahala na si batman! Lumipas ang oras at marami ang bisitang dumating pero halos lahat ay bigating bisita ay kilala ni Daddy at Mommy. Ako naman ay todo ngiti para hindi mahalata na kinakabahan ako. Kanina napapansin ko si Daddy na para bang may hinihintay na dumating dahil panay ang sulyap nito sa gate namin. "Darling, wala pa ba sila?" Tanong ni Mommy kay Daddy. Sino ang sila? "Wala pa Darling, hintay na lang tayo ng kaunti para pagdating nila aakyat na tayo ng stage" sagot naman ni Daddy. "Ma'am, Sir, nandito na po sina Mr. and Mrs. Gonzales." Sabi ng maid na lumapit sa kanilang dalawa. Ako naman ay nakimatyag lang sa pinag uusapan nilang dalawa. Sinalubong nila ang apat na taong pumasok sa hardin namin kung saan ginanap ang birthday ko. Sina Tito Erdan, Tita Jorlyne, Jordan, Danyle. "Wow, you're so beautiful in your gown hija." Puri ni Tita Jorlyne ng Lumapit ako sa kanila. "Thank you Tita, thank you for coming." Nagkatinginan sila ni Mommy na tila nag uusap gamit ang mata nila. "Halika ka na amega, sa mesa natin." Iginiya ni Mommy ang bagong dating. Ako naman ay nakadama ng konting kabog ulit sa dibdib. Parang may mali sa party na 'to eh. "Nice Gown, Tate." Puri ni Danyle sa akin ng magkasabay kami papunta sa mesa namin. "Buti na nakarating kayo, magpapamesa na sana ako mamaya kapag hindi ka dumating," asar ko sa kanya. "Hindi pwedeng hindi kami pupunta special ang araw na ito kaya kailangan nandito kami, Right bro?" Baling nito sa kapatid na seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa dinadaanan niya. Kunot ang noo nito ngunit hindi ito nagsasalita. Diretso lang ito sa upuan na nakareserve sa kaniya. Pagkalipas ng ilang minuto ay sumenyas si Daddy sa emcee na magsalita. Kaya tumango ito at lumapit sa gitna. "Ladies and Gentleman, tonight we celebrate the double occasions, but before that, let's welcome our birthday girl, Tatiana Maserio!" Anunsyo ng emcee sa stage. Malakas na palakpakan ang sumalubong. Umakyat ako ng stage saka ngumiti sa lahat ng tao. "Please Mr. And Mrs. Maserio joined your daughter here on stage." Agad naman na umakyat sina Mommy at Daddy. Kinuha ni daddy ang mic sa emcee. "Good evening everyone, hope you enjoy our party." Nag Palakpakan ulit ang mga bisita. "Hija, you are so beautiful in your gown tonight, happy birthday hija, thank you for coming in our life, also for being my inspiration in work." Pagpahid ng mata si Daddy ganun din si Mommy. Binigay ni Daddy ang microphone kay Mommy pero tumanggi itong magsalita kaya hinayaan na lang ni Daddy. "Tonight we will celebrate the birthday of our only daughter but also her engagement party," deklara ni Daddy sa madla. Sandaling huminto ang mundo ko sa anunsyo ni Daddy Engagement party? Nagulat ako sa sinabi ni Daddy, pinagmasdan ko ang mga bisita halos lahat ay kinikilig sa huling sinabi ni Daddy pero nakita kong napatayo sa upuan sina Jordan at Danyle, si Jordan ay matalim ang matang nakatingin sa aking ama habang si Danyle naman ay nakangiti habang pumapalakpak. "Let's welcome her fiance, Danyle Gonzales!" Napawi ang ngiti ni Danyle sa sinabi ni Daddy. Nag walk out naman si Jordan pagkatapos magsasalita ni Daddy. Hindi ako makapagsalita sa mabilis na mga pangyayari. Nang umakyat si Danyle sa stage ay tinapik niya ako ng bahagya sa balikat para mahimasmasan ako. Nagbeso siya sa mga magulang ko saka tumayo sa tabi ko. "Did you know about this?" Bulong niya sa 'kin. "No, I was surprise also," sagot ko naman sa kanya. "Hindi ko ini-expect na may ganitong pangyayari sa birthday mo." Dagdag pa niya. Natawa pa soya ng bahagya. Ang bigat sa dibdib ko ay mas lalong nadagdagan dahil sa ginawa ni Daddy. Gustuhin ko man mag walk out ay hindi ko magawa at ayaw kong maging bastos sa harapan ni Daddy at ng mga bisita niya. Nang bumaba kami ng stage ay marami ang bumati sa amin ni Danyle. Kaya kaming dalawa naman ay todo ngiti. "Congratulations, Ma'am." Nakangiting bati ni Lilet. Invited her yesterday together with Manager Jam. "Congrats din Tate, nakakagulat ikakasal ka na pala." Komento ni Manager Jam. Mas nagulat ako! Kung akala niyo lang. "Hi, you must be Lilet. Tatiana's assistant?" Biglang sabi ni Danyle kay Lilet. "Yes Sir, I'm her assistant." nakangiting sagot ni Lilet. Ngumiti naman si Danyle na akala mo si Lilet lang ang nakikita. Nagpaalam na si Lilet at si Manager Jam para kumain. Kaya naiwan kami ni Danyle kailangan na isa sa amin ni Danyle ang umatras sa engagement na 'to. "Ano na Danyle? Gumawa tayo ng paraan para hindi matuloy ang engagement na. 'to. Ayaw ko pang magpakasal." Pagkuha ko ng atensyon ni Danyle. "Neither I." Maikling sagot niya pero ang mata na kay Lilet na kumukuha na ng pagkain. Kaagad niya akong iniwan at pumunta sa gawi ni Lilet. God! Iniwan ako! Hating gabi na ng matapos ang party kaya nagmamadali akong pumanhik sa kwarto ko para magpalit ng damit. At sumakay ng kotse ko, hindi ko na pinag aksayahan ng panahon na magpaalam sa magulang ko, gusto kong magwala kanina pa pero hindi ko magawa. Pinaharorot ko ang sasakyan na regalo ni Mommy sa Akin kahapon pa. Dumeretso ako ng condo ko agad na dumeritso sa shower pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay padapa akong humiga sa kama. This birthday is draining all energy in my body. Maya-maya lang ay tumunog ang telepono sa living room. Nakailang tawag na pero wala akong gana na sumagot. Sigurado akong si Mommy ang tumatawag. Pati sa cellphone ko ay mag tumatawag pero hindi ko tiningnan kong sino. Kasi alam kong si Mommy lang 'yon. Nang matapos ang tawag ay katok naman sa pinto ang narinig ko. Kaya nagmamadali akong lumabas ng silid ko saka huminto sa pinto pero hindi ko sinilip o binuksan ang pinto. "Ano ba ang kailangan niyo! Pwede bang hayaan niyo muna ako! Nauubos na ang lahat na lakas na meron ako." Dumadausdos ko ako sa pinto. "Hey it's me Jordan," baritono na boses ang pumukaw sa puso ko. Si Jordan! Paano niya nalaman ang condo ko? "Please open your door." utos nito sa akin. "Paano mo nalaman ang condo ko?" Tanong ko sa kanya. "I'll answer your question, if you let me in." Sagot niya at hindi pinansin ang tanong ko. Soon I decided to open the door for him. He cleared his throat while looking at me. So I look at myself too. I gasp when I see what I am wearing, sleeveless and shorts. Dali-dali akong pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit. Nang desente na ang damit ko ay binalikan ko ang panauhin ko sa labas. "Sorry, ano kailangan mo?" Tanong ko sa kanya ng makaupo kami sa tag isahang couch. "I'm here to offer you something." Seryosong saad niya sa akin. Straight to the point huh! "Ano naman ang kapalit kapag pumayag ako sa ini-offer mo?" "You're free and you don't need to marry my brother." "Ok, sabihin mo kung ano ang offer mong sinasabi." "Be mine, and be my baby maker." "Babymaker? Are you insane? Get out! Before I could kill you, you bastard!" Sigaw ko sa kanya. Walang hiya siya, ako pa talaga ang gawin niyang tagagawa ng anak niya. Ano akala niya sa 'kin baboy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD