CHAPTER 6❤ FALL IN LOVE WITH ME
I'm feeling exhausted, this day was a mess. When I reached my condo I directly jumped in my bed and thought about what to do next. After a minute I heard some knock at my door. Well I never expected visitors today. So I ignored it, I took my towel instead and headed to the bathroom. Under the shower I felt relief of what happened today. Maybe that work is not for me. I will find another job, Lilet told me once she sees something I can work with, she will tell me immediately. After taking a bath I left the room and went to the kitchen to find food. But I heard someone knocking outside my door. So I look at the peephole to find who is knocking on my door. I found out there is a delivery boy carrying some boxes. I decided to open up my door to ask him.
"Ma'am, good day this is your order from Cuisine dine in." Sabi niya sabay abot ng mga hawak niyang box sa akin.
"A-akin to? But I never ordered food online today." Sagot ko naman sa kanya.
"Yes Ma'am, sa pangalan at address niyo ang nakalagay kaya sa inyo po talaga 'yan." Pinakita niya sa akin ang resibo. "Saka bayad na po lahat Ma'am." Ngumiti na sa akin.
Nag alangan man ako, and I guess I don't have a choice but to accept those foods. Sayang lang din naman. Nang mailapag ko lahat ang pagkain sa mesa ay binalikan ko ang nag deliver saka kinuha ang resibo. Nagpasalamat ako dito pero mukhang may kailangan pa ito.
"May nakalimutan pa po ba kayong ibigay." Tanong ko dito.
"Ma'am pwede po bang makahingi ng selfie sa inyo?" Tanong niya sa akin.
"Sure, akin na po cellphone niyo." Sabi ko na kaagad naman niyang binigay sa akin.
Pinindot ko ang camera at inakbayan siya. Ngumiti ako sa harap ng camera niya, ganoon din ang ginawa niya. Hindi ako sikat tulad ng artista pero masaya akong may nakakilala sa akin kahit papano.
Pipindutin ko pa sana muli click button ng mawala ang katabi ko.
"Enough taking pictures."
It's jordan!
Kinuha niya ang cellphone na hawak ko saka ito binalik sa delivery boy.
Nagmamadaling umalis ang lalaki hindi na rin ito nagpaalam sa akin.
"Why are you here?" Takang tanong ko sa kanya.
"I just looked at what you were doing. Flirting with the delivery boy is not good, Honey." he stepped closer and smelled my scent.
"What flirting? That boy asked me if he could just take some selfies from me." Sagot ko.
I moved backward and stepped inside my door. But he quickly blocks with his shoes when I'm about to close the door.
Then he stepped inside and closed the door. Pinabayaan ko siya, ako naman ay pumunta ng mesa kung saan nakalagay ang mga naka balot na pagkain. Mukhang masarap ang mga ito, amoy pa lang masarap na. Mayaman man ako pero hindi ko naman makakain lahat ng pagkain dati kasi mini maintain ko ang maganda kong katawan. Ngayong wala na ako sa harap ng camera, I can eat whatever I want. I prepared one spoon and fork and then plate. I didn't mind my visitor, I'm so hungry to entertain him.
"Hungry much huh?" He said and sat in front of me.
Tiningnan ko lang ito saka muling sumubo ng pagkain. Bahala siya sa sasabihin niya basta ako gutom ako. Pansin kong tumayo ito saka tiningnan isa isa ang cabinet at refrigerator ko. Nang makitang walang laman ay tumingin ito sa akin.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"You don't have any food here." Saad niya saka niya ako sinalinan ng tubig sa isang baso at binigay ito sa akin. Nakita niya siguro ng tapos na ako kumain.
Nagpa thank you ako dito saka ko naman ininum ang tubig na binigay niya.
"Nakakain ka pa ba? Noong nakaraang araw?" Tanong sa akin.
"Oo naman." Sagot ko.
Niligpit ko ang plato saka ito nilagay sa lababo. Ang natirang pagkain naman ay niligpit ko saka nilagay sa mesa at nilagyan na lang ito ng takip..
Sinadya ko talagang huwag ubusin ang pagkain ko. Para may mamaya pa akong kakainin. Nagtitipid ako ngayon baka hindi na naman ako makakain muli kapag inubos ko pa.
"Why don't you move into my house?" He said while cleaning the plate in my sink.
"Move into your house? Are nuts?" Napatingin ito sa akin.
"Magsasama tayo sa isang bahay tapos ano iisipin ng ibang taong makakita sa atin? Na kaya pala nawala ako a pagmomodel dahil nag asawa ako. O tamang sabihin na nakipag live in na ako?" Dagdag ko pa.
"Hindi naman tayo magkatabi sa kama kung 'yan ang iniisip mo." Sagot niya sa akin.
"Duh, ayokong makasama ka sa isang bahay." Tumalikod ako dito.
Pumunta ako ng sala ko saka umupo ng sofa. Masaya naman sa condo ko. Tuwing hapon makikita mo ang sunset na masarap tingnan tuwing palubog na ang araw. Lalong lalo na malayo ito sa mga toxic na tao. Saka bakit ako papayag na sasama sa kanya? Hindi kami close katulad ng kapatid niyang si Danyle. Si Jordan kasi naririnig ko lang na nagsasalita dati kapag tinanong about business. Ngayon nagtataka ako kung bakit ang daldal niya. Ano kaya nakain nito?
"Bakit ayaw mong makasama ako? Hindi naman ako nangangain ng tao?" Sabi niya sa tapat ng tenga ko.
Nak ng! Tumindig balahibo ko sa ginawa niya.
Iniwas ko ang tenga ko sa bibig kaya umupo na lang ito sa tabi ko. Umusod ako ng konti para magkaroon
Ng space sa pagitan namin.
Ngumisi ito sa akin na tila aliw na aliw na kulitin ako.
"Magbigay ka nga ng space!" Sigaw ko dito ng makita kong umusud ito palapit sa akin.
"Ayaw mo bang close tayo?" His green eyes lingered on me. My god!
"Close ba tayo? Kung si Danyle ka sana e di mabuti! Kaso si Jordan ka kaya ayokong makipag close sa 'yo." Tumayo ako pero hinablot ako nito sa kamay kaya bumagsak ako sa kandungan niya. Kaya pinalibot niya ang mga braso niya sa bewang ko na ikana singhap ko.
"Don't you ever mention his name again. I saw you first, not him." He had a serious tone that made me tremble.
"Why? Danyle is my friend, your brother. Sa inyong dalawa si Danyle ang nagustuhan ko." Pinipilit kong makawala sa hawak niya. Pero mahigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko.
"Then, I will make you fall in love with me." he whisper in my ears .
My world stopped and I couldn't figure out what to do next.
Fall in love with him?
No!
I managed to get out of his grip then I ran into my room.
My God! This is insane!