CHAPTER 9❤ACCEPTING OFFER
Today I had a schedule at one of the model agencies. Located in Taguig Metro Manila, medyo malaki ang agency na ito unlike sa dati kong agency na maliit lang. I walk with confidence, with an angelic face. Halos lahat ng nasa loob ng agency ay napapa tanga sa akin. Merong nakabuka ang bibig at meron namang nagbubulungan maybe because they are curious if where am I this past few months. I'm a Runaway model, just like what I do in camera. I will run away too. Sila lang ba ang kayang tumakbo ako din naman kaya ko.
"Miss good morning, I am Tate Maserio. The one who called you yesterday." True binigyan ako ng calling card ng manager ko ng pumunta siya sa boarding house ni Lilet.
She even told me maybe this is my chance to shine again. After what happened, I deserve to be blessed again.
"About that Ma'am, I am so sorry to inform you Ma'am, that we can't accept it." Sabi agad ng babaeng nakaupo sa isang mesa.
Grabe siya wala man lang pasakalye ha!
I Step back without saying goodbye.My tears won't stop from falling because of my situation. Hay sana all na lang marami ang hadlang sa buhay ko.
Nakauwi ng boarding house, mukha agad ni Lilet ang nakita ko. Day off nito tuwing tuesday kaya nandito siya ngayon.
"Kamusta sis? natanggap ka ba?" Tumingin lang ako sa kanya saka umupo sa kahoy na upuan niya.
"Ano sis? Mag cecelebrate na ba tayo?" Tumabi siya sa akin.
"Walang mag didiwang dahil hindi ako natanggap." Nalukot ang mukha nito sa sinabi ko.
"Bakit naman? Sa ganda mong 'yan?" Sabi pa nito.
"Lilet wala sa ganda ko ang problema, nasa apelyido ko. Mukhang ayaw talaga akong tantanan ng ama ko kaya hinding hindi na ako makakahanap pa ng trabaho." Naawa ito sa akin.
"I guess, I don't have a choice but to accept the offer." Mahinang sambit saka ako pumunta ng bintana tumingin sa labas. Sigurado akong ma mi miss ko na ang ingay ng lugar ni Lilet na kahit sa dalawang buwan lang ay nasanay na ako.
Mga batang naglalaro sa kalsada. Tapos tatabi lang kapag may dadaan na sasakyan. Tapos ang mga magkakapitbahay na nakatayo sa tindahan at nagkukwentuhan. Minsan nga ako ang lumabas para bumili ng napkin at shampoo. Naka cheka ko ang isang nanay na buntis. Sobrang nagandahan sa akin na sana raw kasing puti at kasing tangkad ko ang magiging anak niya. Tinanong pa ako kung kaano ano ako ni Lilet. Sinagot ko naman na pinsan, nagtaka kasi hindi naman daw kami magkaparehas ng kulay ng balat ni Lilet. Natatawa na lang ako.
"Sis, ano ba nasa isip mo?" Sumunod ito sa akin at tumabi sa akin sa bintana. Akala mo naman kalakihan e dikit na dikit kami sa pagtingin sa bintana.
"Let, aalis na lang siguro ako dito, dagdag pasanin mo pa ako dito e." Sabi ko.
"Hindi naman kita pinapaalis a, ok lang naman na nandito ka, at least may kasama ako." Tumingin ako sa kanya. Nakita kong nangingilid ang luha nito.
"Sorry to make you sad, Let." Ngumiti kahit may luha sa mata ni Lilet. Niyakap ako ng mahigpit kaya yumakap na rin ako sa kanya.
"Dito ka na lang Tate, nasanay na ako na nandito ka. Saka natatakot akong mag isa ulit kasi meron na sumisilip sa akin dito." Sabi pa nito.
"Sumisilip? Sino?" takang tanong ko sa kanya.
"Y-yung kapatid ni Jordan, si Danyle ba 'yon?"
Lumikot ang mata nito at hindi ito makatingin ng diretso sa akin.
"Danyle? Paano kayo magkakilala?" I smell something fishy.
May ganitong pa lang nangyayari sa buhay ni Lilet pero hindi ko alam.
"Noong birthday mo, nakita ko siyang nakatingin sa akin. Tapos tinanong ako ng pangalan ko, para naman akong na hipnotismo sa karisma niya kaya binigay ko naman pati address ko." My God!
"So, bakit ngayon hindi ko nakikita si Danyle dito?" Tanong ko sa kanya.
"Kaya nga nagpasalamat ako kasi ng dumating ka tumigil na rin siya sa pasilip silip dito." Sagot naman niya sa akin.
"Kapag ba iniwan kita ulit dito, babalik na naman siya ng pasilip silip sa 'yo dito?" Tumangi ito sa akin.
Lagot ka ngayon sa akin Danyle kapag nagkita tayong muli.
Pagkatapos naming pag usapan tungkol kay Danyle. Naging magaan ang loob ko. Oras na rin siguro para tanggapin ko ang pagiging talonan ko. Si Jordan na lang ang pag asa ko.
May calling card ako ni Jordan tatawagan ko na lang siya siguro para sa mga kondisyon ko. Sigurado naman ako na nandyan pa ang offer nito e.
******
Kinagabihan ay napag usapan namin ni Lilet ang mga pwede gawin ko dito sa boarding house niya. Pero sa isip ko ay baka hindi na niya ako makikita sa mga susunod na mga araw. Iiwanan ko na ang itinuturing kong kapatid s***h bestfriend ko. Ihahabilin ko na rin siya sa kanyang stalker para kahit paano may bantay siya.
Hindi ako makatulog iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ng Daddy kapag malalaman niya ang ginagawa ko sa buhay ko. Lalong lalo na si Mommy for sure malulungkot ito. Bumangon ako ng higaan saka ako himakbang palabas ng kwarto. Hindi na gaanong malakas ang nagkakantahan sa labas. Wala na rin masyadong dumadaan sa labas. I breathed and felt the cold air. Kagandahan lang sa lugar na napili ni Lilet ay marunong ang tao na makisama kaya alam na nila na kapag workdays ay alas nuwebe pa lang ng gabi hindi na maingay.
Hindi ka rin matatakot kasi ang mga lasinggo ay marunong umuwi ng bahay nila pagkatapos ng inuman sa tindahan. Masaya rin tingnan na kahit august pa lang ay may nakasabit ng christmas light ang ibang bahay.
Nang nakaramdam ako ng pagod sa pagtayo ay napag pasayahan kong bumalik na baka magising si Lilet at magtaka itong wala ako sa tabi niya. Nakatalikod na ako sa kalsada ng may humablot sa aking kamay.
"What are you doing here outside?" Nawala ang aking kaba ng marinig ko ang boses nito. Naka jacket na itim na nasa ulo ang hood nito. Naka Pantalon at naka rubber shoes.
Si Jordan!
Hot!
"Who did you go out with? Are you with someone?." supladong tanong nito sa akin kaya tumaas ang kilay ko dito.
"Let's talk about your offer tomorrow, but for now I want to rest. So goodnight." Simpleng sabi ko dito.
Nakita ko pang kumislap ng bahagya ang mata nito saka ngumisi.