CHAPTER 20 ❤ GOODBYE JORDAN.
Gising sa umaga, tulog sa tanghali, at gising hanggang madaling araw ang ginagawa ko palagi. Sino ba naman kasi ang nagsabi na buntis dapat iwanan mag isa sa ganitong malaking bahay. Makakahanap ka lang ng kausap tuwing umaga. Si Lilet naman ay naawa naman akong kulitin kahit sa tawag kasi pagod sigurado siya sa trabaho niya.
While Jordan, I don't know where he is.
Kahit anong tawag at text ko sa kanya, hindi siya nagrereply o kahit sagot ng isang tawag wala din. Kapag sa social media account naman niya ay palagi rin siyang offline. Hindi rin ako makakuha ng balita kay Danyle kasi wala siyang binibigkas tungkol kay Jordan. Kahit sa check up ako lang mag isa habang ang iba kong kasabayan sa pagpapa check up ay may kasama kung hindi asawa ay kapatid o di kaya nanay nila. Sinusuportahan sila. Habang ako? Wala ni isa mag isa lang ako. Tatlong buwan na akong nagpapacheck pero kahit anino ni Jordan hindi ko nakita. Nakakalungkot lang na kung sino pa ang inaasahan mo na sasamahan ka ay nawala bigla.
Minsan si Danyle ang bumisita at lagi akong dinadalhan ng pagkain na hinahanap ko. Katulad ng paksiw at pakbet. Mabuti pa anak ko, mas gusto ang simple lang na pagkain. Sana ganun din siya paglabas niya. Kapag papaalis na siya ay palagi niya akong kinukuhanan ng picture. Souvenir daw sabi niya.
Manang Eura naman ay palagi kong naririnig na may kausap sa phone pero kapag nandiyan na ako ay binababa kaagad ang telepono.
Uuwi na lang siguro ako kay Lilet mas ok doon kesa dito na ako lang mag isa sa gabi. Magpapaalam na muna ako kay manang.
"Hindi po kayong pwede umalis dito, Ma'am." Ito ang naging sagot ni Manang ng magpaalam ako sa kanya. Tungkol sa gusto ko na uuwi sa bahay ni Lilet.
"Manang sabihin niyo sa amo niyo kapag hindi pa siya babalik dito. Lalayasan ko siya." Panakot ko kay Manang Eura. Bumadha sa mukha niya ang takot na kaagad ding naglaho saka ito ngumiti sa kin ng alanganin.
"Sabihin ko po sa kanya ang gusto niyo, sa ngayon po hindi po talaga papayagan na umalis." Pinal na sabi niya. Nagpaalam na ito na umalis saka tumungo ng kusina.
Ako naman ay nag desisyon na bumalik ng kwarto pero narinig kong may nag doorbell kaya ako na lang ang nagbukas ng gate. Pagkabukas ko ng gate ay isang babaeng may magandang hubog ng katawan ang bumungad sa akin.
"Is he here?" Tanong niya kaagad sa akin.
"Sino hinahanap mo?" Tanong ko pabalik dito.
"Si Jordan." Maikling sagot niya dito.
"Jordan are you looking for? he's not here." walang gana kong sabi sa kanya.
"Tate, you can't hide Jordan from me. because until the end Jordan is still mine." Ma awra niyang sabi sa akin.
"You know me?" takang tanong ko sa kanya.
Tumawa ito na akala mo baliw. "Who doesn't know you? even if you are not an actress, you are known."
You know what we can talk about inside if you allow me to get inside." Pangungumbinsi Niya sa akin.
"Who are you?" Tanong ko sa kanya.
Natawa ulit siya sa akin, ang pangit ng dating niya sa akin. "I am Amyvaile cailey Postacio, fiancee of Jordan." Pakilala niya sa akin.
So ito pala ang ex niyang modelo? How come na hindi ko to kilala?
"How can you not recognize such a beautiful face?" Sabi niya sa akin.
"Well, I don't care who you are, you are not allowed to get inside." Matigas na sabi ko kanya.
"I will call Jordan, sabihin ko sa kanya na hindi mo 'ko pinapasok." Panakot niya sa akin.
"Wooh, I'm scared." Natatawa kong sagot sa kanya.
Hindi na maipinta ang mukha niya. Naghahalo na siguro ang iritasyon at init sa balat niya. Sino ba naman kasi ang nagsabi sa kanya na huwag na magdala ng payong. Sa sobrang init ngayon kapag nagbilad ka para ka ng mamatay.
"Will you let me in or not?." Matapang na sabi niya sa akin.
"No, now called Jordan so I can talk to him about how ugly you are." Taas kilay kong sagot sa kanya.
"Do you know that my skin is very hurt? If something bad happens to me here you will be responsible." Matapang na sagot niya.
Bakit kasi hindi na lang siya mag mamakaawa papayagan ko pa siya sigurong pumasok.
"I'm pregnant with a Jordan child, if something happens to my baby, mananagot ka." Sabi niya.
"You're pregnant with Jordan? How come?" Takang tanong ko sa kanya.
"I'll stay with him for the last two months in state. When we are on the same roof. We spend a lot of time together including steamy moments." Proud na sabi niya sa akin.
My god! Hindi ako na inform sa ganitong usapan. Tinulak niya ako sabay pasok sa loob ng gate. Tuloy tuloy siya hanggang sala saka umupo na parang reyna. Ako naman nagmamadaling pumasok sa loob. Nagulat si Manang ng lumabas siya galing sa kusina.
"Manang gusto ko uminom ng juice." utos niya kay manang akala mo naman na siya ang
nagpapasweldo dito.
"Nandito po pala kayo, Ma'am Vaile." Sabi niya.
"Dali juice Manang, naiinitan kami ng anak ko!" Sigaw niya kay Manang Eura.
"Hoy, babaeng labanos na kulang sa kamatis, mag dahan dahan ka sa pagsigaw hindi mo yan katulong!" Sigaw kong pabalik sa kanya.
Nagulat pa sa akin si Manang , nasanay kasi niya na palagi akong kalmado at mababa ang boses.
"Bakit ano ka ba dito? Taga gawa ka lang naman ng anak ni Jordan." ganti niya sa akin. "Ngayong buntis ako sa anak namin ni Jordan pwede ka ng lumayas ng bahay niya. Dahil mula ngayon ako na ang titira dito." saad pa niya.
Nagulat pa ako sa sinabi niya dahil alam niya ang tungkol sa kalagayan ko at sa kasunduan namin ni Jordan.
"Nagulat ka ba kasi alam ko ang sikreto mo? Well sorry to say this to you ng magkasama kami ni Jordan nabanggit niya sa akin na kaya ka lang niya pinaki samahan kasi gusto ng ama mo. Gusto niyang mabuntis ako para may rason daw siya na umalis ka na dito sa bahay niya." sabi niya sa akin.
Kusang tumulo ang luha ko at nakaramdam ako ng hapdi sa puso ko. Sana pala hindi ako umasa sa ugali na pinapakita sa akin ni Jordan. Sana hindi na ako pumayag sa kagustuhan niya. Sana pala tiniis ko na lang ang pagpapakasal kay Danyle. Sana ngayon hindi ako nasaktan ng ganito.
"Ano pa ginagawa mo dito? Layas na para lag uwi ni Jordan dito masaya siya kasi magkasama na kaming tatlo ng magiging anak niya." Matapang na sabi niya.
Si Manang naman hindi makakilos sa kanyang kinatatayuan niya dahil sa mga sinabi ni Vaile the r****h.
"Ano manang 'yong juice ko saan niya!" Sigaw niyang muli kay Manang.
Nabigla si manang pero kaagad din itong bumalik sa katinuan at nagmamadaling pumunta ng kusina. Nang bumalik ito ay may bitbit na itong isang baso ng juice. Ngunit ng dumaan ito sa aking gilid ay kinuha ko ang juice saka ito tinapon sa mukha ng labanos na babae.
Napaawang ang bibig niya sa gulat at galit na tumayo kasabay ng panlilisik ng mata nito sa akin.
"Juice ang gusto mo 'di ba? Sinaboy ko na sa 'yo para magkakulay naman ang mukha mo. Ang putla mo kasi babaeng kulang sa kamatis." Mataray na sabi ko sa kanya. Saka umakyat ng hagdan at hindi na lumingon pa sa kanya.
"Gagawin ko ang lahat, mapalayas lang kita dito Tatiana Maserio!" Sigaw pa niya.
Pake ko ba, lalayas na naman ako ngayon dito. bahala sila sa buhay nila.
Pumunta ako ng wardrobe, saka kinuha lahat ng damit kong dala ng pumunta ako dito. Iniwan ko lahat ng binili niya. pumunta ako sa mga damit niya saka ko kinuha ang ilang polo niya saka ito isinilid sa bag ko.
Hinanap ko rin ang cellphone ko saka tinawagan si Lilet.
"Yes beshy?" Sagot niya kaagad.
"Gusto kong pumunta ng Iloilo doon ko na isisilang si Baby." Pinal na sabi ko sa kanya.
"Teka Tate, may problema ba?" naguguluhan niyang tanong.
"Wala naman, na bobore lang siguro ako dito. Please samahan mo ako sa inyo. Ako na bahala sa pamasahe." Nagmamakaawang sabi ko sa kanya.
"S-sige, Hintayin kita sa bahay uwi ako ngayon." sagot niya.
Kaagad kong pinatay ang tawag saka tinago ang cellphone ko sa bag ko.
Pagkababa ko wala ng tao sa sala, malinis na rin. Kaya nagmamadali akong lumabas. Pero naabutan ako ni Manang sa gate.
"Ma'am mahigpit na pinagbilin po ni Sir. Bawal po kayong umalis." Sabi ni manang sa akin.
"Manang nandiyan na ang tunay na reyna niya. May anak na sila kaya ano pa ang silbi ko dito?" Sagot ko sa kanya.
Umawang bibig niya ngunit wala siyang sinabi. Lumabas ako ng gate saka sinara ito. Tamang tama naman na may taxi na dumaan kaya pinara ko kaagad ito.
Nagpahatid ko sa boarding house ni Lilet. Pagkababa ko ay siyang pagbukas ng pinto ng bahay ni Lilet. Hilam ng luha ay sinugod ko ng yakap si Lilet. Hinapuhap niya ang likod ko hanggang sa tumahan ako sa pag iyak.
"Iyak mo lang 'yan besh. Kasi nandito lang ako lagi para sa 'yo."
Ngumiti ako sa kanya kahit mabigat ang loob ko.
Goodbye for now Jordan.
See when I see you.