Wala akong nagawa sa kakulitan ng dalawang dugyot na'yon kaya pinatira ko nalang si Phina sa apartment ko. Hindi rin ako makauwi sa bahay dahil ayuko munang makita si Mom baka pag-uusapan na naman yung tungkol sa pagpapakasal ko.
"Hoy, Phina. Iisang kama lang ang nandito kaya sa couch ka matulog." nakita kong napanganga siya at parang magrereklamo pa.
"Ako? diba dapat ako ang hihiga sa kama tapos ikaw sa sofa?" Ang lakas ng angas mo ah.
"Naririnig mo ba ang sinabi mo? Ako ang may-ari neto kaya ako ang masusunod at isa pa sino ka para magsalita ng ganyan?" tssk kapal talaga. kung hindi lang dahil sa mga dugyot kung kaibigan hindi kita patitirahin dito.
"Okay Sige. Salamat nalang sa pagka-gentleman mo na appreciate ko talaga." sarcastic na sabi niya. Aba nag dadabog pa kapal.
Ayuko sa mga babaeng walang modo at hindi marunong mahiya, tulad niya.
Siya na nga tinutulungan. Pumunta na ako sa kama at naghubad.
"Ahhhh! Manyak!" ha? nyari don? bigla nalang kumaripas ng takbo papuntang kusina. Akala mo naman may gagawin ako sa kanya tssk assuming din pala. Sino ba mangangahas sa isang tulad niyang hindi naman kagandahan.
"Hoy! 'wag ka nga maingay" Natahimik na siya. Baliw talaga ano naman kayang ginagawa niya? Hayst pake ko ba sa ginagawa niya? makapag- shower na nga.
Mga Half hour akong nasa loob ng banyo dahil feel ko lang maligo sa mga ganitong oras ng gabe. Mga 9:41 pm na at siguro naman tulog na ang chubaka na'yon. Hay... ang haba ng araw ngayon at halos nakalimutan kong isipin ang mga Nangyari kanina.
Patungo na ako sa kama ng mapako ang paningin ko kay Phina na mahimbing ang tulog sa Couch. Mukhang nahihirapan siya doon kaya binuhat ko nalang siya at inihiga sa kama. Medyo gentleman din kaya 'di tulad ng iniisip niya. tssk.
(kring...׳)
nagising ako sa ingay ng phone ko. Tinignan ko iyon at nakitang si Rhitt ang nasa caller id.
"Zelan, may pupuntahan tayong party mamaya. Hintayin ka namin ni Kurt. Send ko nalang sayo yung address." Nagmadaling sabi ni Rhitt. Ang aga-aga yun talaga ang bungad.
"okay, sige."
"One more thing. Isama mo si Phina, bye."
"Ano? h-hello!" pfft binabaan ako ng phone.
nagpumilit na akong bumangon at mas nasira pa ang araw ko ng makita ang chubakang tulog pa. Akala ko ba magtatrabaho siya para sa'kin? Hayst ako pa ba ang magluluto? I guess.
Patapos na ako sa pagluluto pero tulog parin siya. Masisiraan na ako ng bait sa babaeng 'to.
"Yown..." oh gising na siya. "Sorry ang haba ng tulog ko."
"Okay lang, next time agahan mo naman para makapagluto ka." Walang gana niyang tiningnan ang mga luto ko. Pambihira naman.
"pwedeng tinapay lang kainin ko?"
"Ano? Ang dami kong niluto tapos tinapay lang kainin mo? Pfft pambihira naman. Sana pala hindi nako nagluto." At sa dami ng sinabi ko parang wala man lang siyang narinig. Pumunta na siya sa refrigerator at binuksan iyon, kinuha ang slice bread at hinanap ang mantikilya. Nakasunod lang ang mga mata ko sa kanya at nanunuod kung anong ginagawa niya. Nilagyan neto ng mantikilya ang slice bread tsaka nilagay sa oven.
"Hindi ka pa ba kakain?" tanong niya sa'kin. Nakanganga lang ako simula pa kanina. Hndi ko lubusang maisip na ipagpapalit niya ang mga luto ko sa iisang slice bread na may mantikilya, ang weird...
"wala akong gana" padabog akong umalis sa mesa at pumunta sa living room, pero bago yun. "linisin mo lahat yan" tinuro ko ang mga ulam na niluto ko.
"Walang problema." nakangiting sabi neto. Iniinis niya talaga ako.
"Saan ka pupunta?"
"party" Tipid na sagot ko.
"Sama ako."
"Wag na baka magalit sina Kurt at Rhitt." palusot ko pa pero nagpupumilit talaga.
"Narinig kong sinabi ni Rhitt na isama moko"
"Ano. kailan at paano?" ang oa ko sa part na'to.
"hehe hindi na mahalaga yun. Hintayin moko magbihis lang ako." AHHHHH!! Bakit pa kasi dumating sa buhay ko ang babaeng 'to? nakakairita na.
Ayuko sa lahat ang pinaghintay ako ng matagal at yun ang ginagawa niya ngayon, paghintayin ako hanggang mawala na'tong covid-19. Hayst!
pumasok ako sa kwarto upang tingnan kung ano nang lagay ng Chubaka na yun.
"Hoy, Chubaka! kanina kapa pero–" ano ba naman yan!
"Maganda ba?"
"T-shirt at pantalon ko yang suot mo! nag-iisip kaba?" Teka wala nga pala siyang damit na masusuot. Arrgh! masisiraan ako ng bait. "Halika na nga, bibili nalang tayo sa mall." hinila ko na siya at isinakay na sa kotse. Kung kasama ko siya lagi baka mauna pa akong mamatay.
Nakabili na kami ng damit niya dumeretso narin kami sa Bar kung saan yung party.
"Ganda mo ngayon, Phina" bungad ni kurt. Maganda naba yan?
"Zelan, ang gwapo mo rin"
"ul*l" sagot ko kay Rhitt. Napalunok lang siya ng laway.
Pumasok na kami sa loob. Ang ingay ng music, andaming tao at andami ring magagandang babae. Ito ang gusto ko haha.
"Ang ingay pala dito" Halatang hindi sanay sa ganitong lugar si Phina kasi nanginginig siya at hindi ito comfortable.
"okay kalang ba, Phina?" tanong ni kurt rito. Tumango lang ito bilang sagot.
"Hayaan mo na siya. Sagabal ang babaeng yan."
"Ano kaba, Zelan. Dahan-dahan ka naman sa pananalita mo kay Phina." awat pa ni Rhitt. Nakita ko namang walang pasabing sinamahan ni Kurt si Phina na umupo sa may couch.
"Paki ko sa kanya."
Naghahanap ako ng magagandang babae para maisayaw and tulad ng inaasahan, maraming babae ang lumapit sa akin para yayain akong sumayaw pero tinanggihan ko sila.
"Kurt, halika dito." tawag ko sa kanya pero tinanggihan ako para lang samahan si Phina. Ano bang special sa babaeng yan? Bakit ganon nalang ang pag care niya rito.
"Baka matunaw. Hahaha!" – Rhitt
"Ha?!" sh*t 'di ko namalayan kanina pa pala ako nakatingin sa kanila. Ano bang pakialam ko sa kaniya bakit hindi ko matanggap na si Kurt ang kasama niya?
Nasa Kabilang couch kasi ako kasama si Rhitt at ang mga babae. Si Phina naman nasa kabila din silang dalawa lang ni Kurt.
"Saan ka pupunta?" hindi ko na pinakinggan pa si Rhitt at nagpatuloy lang ako sa paglakad papunta kina Kurt.
"Kala ko ba sasayaw ka ngayon?"– Kurt.
"Wala akong gana." umupo ako sa tabi ni Phina at pasimpleng inabot ang glass na may wine.
"Kailan kapa nawalan ng gana sa ganitong lugar?" sambat ni Rhitt. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya. Kung nasaan ako nandon din siya, parang buntot.
"Cr lang ako." – Phina.
" Samahan na kita." Aba kung makaasta naman itong si kurt parang magjowa lang. Hindi mapaghiwalay.
"Huwag na. Enjoy ka nalang dyan." tanggi pa niya. Nakikinig lang ako sa kanila habang sinusubo ng paunti-unti ang wine. Teka, bakit naman ako makikinig sa usapan nila? Baliw na talaga ako.
"Alam mo ba kung saan ang daan papuntang Cr?" Kita kung napaisip si Phina at hindi nagtagal pumayag ding samahan siya ni kurt.
Ang sweet nila huh? Samantalang ako hindi niya pinapansin. Kakaiba talaga ang babaeng yun.
"Zelan, marami kanang nainom. Tama na yan" kanina pa ako sinusubukang awatin ni Kurt pero nagmamatigas ako. Hindi ko rin alam bakit ako nagpapakalasing ngayon.
(chirp, chirp, chirp...)
Nagising ako sa ingay ng mga langgam at sikat ng araw. Ang taas na pala ng araw bakit hindi niya ako ginising?
"Gising kana pala" Papunta sa kinaruruunan ko si Phina na may dalang isang baso ng tubig. Nakakahiya, ano kayang Itsura ko kagabe? Nakita niya kaya akong sumuka? may nasabi kaya akong nakakatawa? Hayyst! Bakit naman ako mahihiya sa kanya, sino ba siya?
"Zelan? may dumi ba sa mukha ko?" Na realize kong kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.
"W-wala! akin na nga yan!" kinuha ko na ang baso at ininom ang tubig. "May sasabihin ka?" tanong ko rito, nakatingin kasi sa'kin.
"Sino yung tinutukoy mo kagabe?" Patay baka may nasabi akong nakakatawa.
"Alin? wala akong maalala."
" sabi mo kasi 'Palagi silang magkasama pero ako hindi niya pinapansin. Magsama kayo hanggang kamatayan' ilang beses mo pa nga inulit. HAHAHA"
"UMALIS KA NGA!!" Nahihiya na ako kaya sinigawan ko nalang siya para umalis na sa harapan ko.
"Sorry" Hingi niya ng tawad at umalis na pero tumatawa parin siya rinig ko mula dito sa loob.
Teka, sino naman nagbihis sakin? Natatandaan ko kasi... white t-shirt at pantalon ang suot ko kagabe. Bakit nakabihis na ako pantulog? Hindi! Baka si Phina ang nagbihis sa'kin.
Dali-dali akong lumabas at hinanap siya para tanungin ko sana kung ano ba talaga ang nangyari kagabe pero iba ang nakita at naabutan ko
"Phina?" gulat niyang tinabunan ang likod at dali-daling humarap sa'kin.
"Z-zelan, anong ginagawa mo dito?" Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip lumapit pa ako ng kunti sa kanya at tinanong ito pabalik.
" Anong nangyari sa likod mo?" may piklat kasi sa magkabilang banda ng likod niya, mahaba iyon siguro mga 6 inches long. Kaya siguro ayaw niyang mag-suot ng mga naked dress kasi tinatago niya ito.
"W-wala lang 'to." akmang aalis na siya ng hawakan ko ang pulsohan neto.
"May nangyari ba kagabe na... "
"Wala naman. Bakit may dapat bang mangyari?" binalik pa talaga sa'kin yung tanong. Kapal.
Nagmamakaawang tiningnan niya ako sa mata na para bang nanghihingi ng tulong. Ano na naman kayang ibig sabihin niya? Ang weird talaga.
"Yung kamay ko" Aww! napahigpit pala ang hawak ko sa kamay niya. Binitawan ko na iyon at tumakbo naman siya sa loob.
Ano kayang nangyari sa likod niya? Kailangan kong malaman kung anong nangyari baka makatulong pa ako at isa pa baka may kinalaman ito sa nangyari sa kanya doon sa kagubatan.