[First kiss]

2500 Words
[Phina's Pov.] Nanghihina ako dahil sa sakit ng likod ko. Isa ito sa mga senyalis na kailangan kong ilabas ang pakpak ko dahil hindi ito dapat itago ng matagal. Dapat nga malaya itong nakabukad at lumilipad sa himpapawid ngunit hindi ko iyon magawa dahil masyadong mapanganib ang mundo ng mga tao para sa isang tulad ko. Kailangan ko munang mag-ipon ng lakas upang palabasin ang pakpak ko. Medyo matagal na kasi akong naninirahan sa mundo ng mga tao kaya ganon narin katagal na nakatago itong pakpak ko. Sana mahanap ko na ang singsing na kinuha ng isang matandang lalaki sa akin, tanda ko pa ang Itsura niya kaya hindi malabong mahanap ko siya at nararamdaman ko na ring malapit na kaming magkita at sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya. Kung tutuusin kulang pa ang buhay niya bilang kabayaran sa buhay ng mga kasamahan ko. Pumwesto na ako sa salas kung saan malaki ang espasiyo. Inipon ko na ang lakas ko, siguro naman sapat na itong lakas ko para palabasin ang pakpak ko. Madali lang sanang palabasin ang pakpak namin kaso lang medyo matagal na itong nakatago kaya medyo mahihirapan din akong palabasin. "Kaya ko 'to." wika ko bago magsimula. Salamat nalang at wala rito si Zelan, pumunta daw sa bahay nila. Nasa kalagitnaan na ako ng pagco- concentrate ng bigla ko nalang naramdaman ang panghihina at nanginginig na ang katawan ko, hindi narin ako makapag-focus. "AHHHH!!" Sigaw ko sabay habol ng hininga ko pero walang lumabas na pakpak. Siguro hindi pa ito ang tamang oras at tamang lugar para gawin ko ito. "Pawis na pawis ka." nagulat ako ng biglang may nagsalita at hindi familiar sa'kin ang boses. "S-sino ka?" habol hinga kong tanong. Sana naman hindi niya nakita yung ginawa ko. "Ako dapat nagtanong niyan. Sino ka at anong ginagawa mo sa bahay ng anak ko?" Ano, anak niya pala si Zelan? medyo mataray ang dating niya at mukhang mayaman din basi sa pananamit nito. "She's my fiancee." Matapang na bungad ni Zelan. Gulat ako sa sinabi niya Hindi ko man alam kung anong ibig sabihin ng sinabi niya pero ramdam kong makatarungan iyon. "Niloloko mo ba ako, Zelan?" Mukhang hindi sila nagkakasundo. Arrgh! Nanghihina na ako epekto siguro 'to sa ginawa kong pagpilit na palabasin ang pakpak ko. "Totoong fiancee ko siya kaya hindi niyo dapat pagsalitaan ng hindi maganda ang babaeng'to." Seryuso si Zelan sa sinabi niya pero mukhang hindi natinag ang ina. "Okay. That was a good joke. Aaminin kong natawa ako." sarcastic na sabi neto. Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila kasi umiikot na ang paningin ko at pakiramdam ko nahihilo ako. "Mom. Hindi ako nagbibiro kaya itigil niyo na ang pagpupumilit na ipakasal ako sa babaeng hindi ko naman gusto!" Anong ibig niyang sabihin? Nako lagot! Parang nandilim na ang paningin ko. "Gising kana pala." Bungad sa'kin ni Rhitt. Bakit nandito silang tatlo? Pati si kurt bakas sa mukha ang pag-aalala. "Ilang oras akong nakahiga rito?" "5 hours. Akala ko nga sa kabilang mundo na kayo magpapakasal ni Zelan. Hahaha!!" Nagawa pa talaga ni Rhitt magbiro. Pero teka...Pakasal? kasal?! "Anong kasal?" "Sinabi na sa'min ni Zelan na inamin niyang mag-fiancee kayo sa harap ng Mommy niya." "Yun pala ang ibig sabihin ng fiancee?" naguguluhan ako akala ko ba... "bakit, akala mo kaibigan ang meaning ng fiancee?" tanong sa akin ni kurt. Nahiya tuloy ako feeling ko ang slow ko. "Siya nga pala, bakit ka nag collapse kanina?" nag-aalalang tanong ni kurt. Pansin kong kanina pa tahimik si Zelan. "Ahh, pagod lang siguro ako, hehe" nahihiya ako kaya yun nalang ginawa kong rason hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila yung totoo. "huwag mong pilitin ang sarili mo baka mabinat ka" Babangon na sana ako pero pinigilan ako ni Kurt. Hindi ko alam kung bakit ang bait niya sa akin pero salamat nalang at nakilala ko siya, para narin kasing kapatid ang tingin ko sa kanya kahit hindi ko pa siya gaanong kilala. Si Rhitt naman nakakaaliw siya palagi. Kahit medyo siraulo pero gusto ko yung ugali niya at si Zelan, hindi ko alam kung anong problema neto sa'kin. Palagi nalang mainitin ang ulo, hindi kami naguusap na hindi siya sumisigaw pero medyo nasasanay narin ako. "Bakit mo sinabi sa mama mo na fiancee mo'ko?" Biglaang tanong ko kay Zelan na kanina pa nakakunot ang noo. "Anong big deal don? at isa pa. Pwede ba wag kang assuming dahil wala naman yung meaning!" kita niyo? sumisigaw na naman. "Zelan. tinanong kalang naman at karapatan niyang malaman ang dahilan" pagtatanggol sa'kin ni kurt. Mas lalong nagkasalubong ang kilay ni Zelan. "Magsama kayong dalawa! Bwesit!" Galit na galit siyang umalis. Nagkatinginan naman kaming tatlo na may pagtataka sa mga mata. Hindi ko talaga alam bakit ganyan siya umasta. "Sorry. ako ang dahilan kung bakit nagalit siya." "Okay lang yun. Ganyan talaga yan kaya laging may kaaway sa bar kasi mainitin ang ulo." Paliwanag ni Rhitt na may lungkot sa boses. "Ganon ba?" Hindi ko akalaing Ganito pala si Zelan. Ang taong tumulong sa'kin sa gubat ay may pagka devil din pala. Ilang araw na ang nakalipas at okay narin ang lahat. Bati na sina Zelan at Kurt kaya panatag na ang loob ko, ayuko kasing nag aaway sila lalo pa't nakikita kong matalik silang magkaibigan. "Phina, bilisan mo naman!" inutusan niya akong mag luto ng omelette kaya lang hindi ko alam pano lutuin 'to. Wala talaga akong alam na lutuing bahay kasi naman hindi namin yan ginagawa sa mundo ng mga paru-paro. "Nandyan na!" Sagot ko sa kanya. Nandon kasi siya sa kwarto nanonood lang ng kung ano. Okay na siguro 'to. Teka kulay itim ba ang omelette? Ahh basta ihahatid ko na 'to sa kanya. kumatok ako ng ilang beses bago niya ako pinagbuksan. Ano kayang pingkakaabalahan ng dugyot na'to? "Ito na yung pinapaluto mo." "Ano 'to?" kalmadong tanong niya. Bobo ba siya? hindi niya alam na omelette 'to? "Omelette" Confident na sagot ko rito. "Hindi kaba marunong mag luto? ipapakain mo sa'kin yang mukhang pwet ng kalabaw?!" Sumisigaw siya sabay tapon ng omelette, galit na naman. Sasagot na talaga ako hindi pwedeng palagi niya akong sinisigawan. "Eh bakit ba kasi yan nasunog? kasalanan ko bang hindi ako marunong magluto?!" Ngumiti siya habang dahan-dahan lumalapit sa'kin. Wala namang mali sa sinabi ko pero bakit ganitong reaction niya, parang ewan. Habang papalapit siya sa'kin, paatras naman ako kaya nong wala na akong maatrasan tumigil nalang ako at hinintay na makarating siya sa kinaruruunan ko. Kinakabahan ako hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Bakit ganito? Siguro aatakihin ako ng sakit sa puso, ganito daw kasi ang pakiramdam kapag may sakit ka sa puso. Hala ang lapit na ng mukha niya sa'kin, anong gagawin ko? "Ang cute mo pala kapag titigan ng malapitan." Ang kalmado ng boses niya, tapos nakangiti pa siya habang sinasabi iyon. Ano ba, bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? mamamatay naba ako dito? hindi pwede maghihiganti pa'ko. "Umalis ka nga!" Matigas na sabi ko sabay tulak sa kanya. Ginamit ko na ang lakas ko pero hindi parin siya natinag. Hinila hinila niya ako papunta sa kaniya at hindi ko alam bakit nawalan ako ng balanse. Pumikit nalang ako at hinintay na tumama sa sahig ang mukha ko. Ano 'to? Ang lambot naman at ang sarap pa ng amoy... Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko nagbabakasakaling omelette yung nasa labi ko pero bakit parang may naririnig akong kabog ng puso at hindi lang naririnig, nararamdaman ko pa. "AHHHH!! Alis!!" Nako lagot bakit nagtama ang mga labi namin? langya ka Zelan, anong ginawa mo sa'kin? "Bakit ka sumisigaw? Ikaw nga 'tong nangahas na halikan ako tapos pinapalabas mong ako ang may kasalan? Pfft!" Galit na naman? Tumayo siya at umupo sa kama. "Eh ikaw kaya yung humila sa'kin, palibhasa perpektong tao." reklamo ko rito. Ang kapal din ng mukha ako pa talaga sinisi. "Lumabas kana!" Lalabas naman talaga ako baka kung ano pang gawin mo sa'kin. Nakakatakot na tao bigla-bigla nalang sumisigaw. [Zelan's Pov.] "Bakit ka nakangiti dyan?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Kurt. "Masaya lang ako kasi wala dito si Phina. Nakakairita ang pagmumukha ng babaeng yun." Nandito kami ngayon sa bahay namin madalas kaming nakatambay rito lalo na kung wala si Mom. Si Dad, ewan ko kung uuwi pa siya rito masyado kasi siyang busy. "Ano na palang plano mo sa kanya?" nakapamulsang tanong ni Rhitt. Alam kong si Phina ang tinutukoy niya. "Paalisin sa apartment ko, ayukong mabuhay kasama siya." Seryuso ako sa sinabi ko. Kung tatagal siyang kasama ako baka hindi ako aabot sa 30 years patay na'ko. "Bakit ba galit na galit ka sa kanya? wala naman siyang gainawang masama, diba?" –Rhitt. "Meron. Marami at siya din ang dahilan kung bakit minamalas ako ngayon. Hindi ako pinansin nung nililigawan ko." Nakita kung tumawa ngumiti si Kurt at tumawa naman ang malakas si Rhitt. " Anong nakakatawa don sa sinabi ko?" " Ang childish mo naman, parang yun lang sinisisi mo na si Phina." Sinusubukan talaga ako ni Rhitt, nakakainis. Kaibigan ko ba talaga 'to? " Totoo naman talaga, hindi ba malas yun?" "Ewan ko sayo, simula noon palagi ka naman iniiwasan ng mga babae kasi pinagtatabuyan mo sila." Mapang- asar ka talaga, Rhitt. "Diba, kurt" dinamay pa talaga si Kurt. "Oumm" tipid na sagot neto sabay ngiti. "At kailan kapa nagka- interesado sa mga girls?" dagdag pa ni Rhitt. "Basta. Tumigil na nga kayo? Mga kaibigan ko ba talaga kayo, huh?" "Hindi kaya may gusto ka kay Phina? HAHAHA" Ayan na naman yang Phina nakakainis na. "Pwede ba, Rhitt. Huwag mong babanggitin ang Phina na yan nakakabwesit na! At kahit kailan, hindi ako magkakagusto sa chubaka na yun." Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kapag naririnig ko ang pangalan ni Phina, naaalala ko agad ang mga Nangyari kasama siya lalo na yung First kiss namin. "Kung ganon pwede pa pala?" Natigilan kaming dalawa ni Rhitt nang biglang tinanong iyon ni Kurt. "Anong pwede pa?"–Ako. "Huwag mong sabihin... pwede mo purmahan si Phina?"– Rhitt. "Ganon na nga." Disididong sagot ni Kurt. Nong marinig ko iyon, pakiramdam ko biglang nandilim ang kalangitan at parang nanginginig ang kalamnan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pero nagalit ako sa sinabi niya. "Wala kaba talagang gusto sa kanya, Zelan?" Nadadagan pa nong tinanong niya ako. "Wala. Pakialam ko sa babaeng yun." Tama. wala akong gusto sa kanya, pabigat lang ang babaeng yun. "Thanks kung ganon, pwede niyo ba akong tulungan sa kanya? liligawan ko si Phina." Kumukulo na ang dugo ko na parang ewan. "Ano bang nagustuhan mo sa kanya? ang weird kaya ng babaeng yun."– Rhitt. "Ewan, basta kumpleto na araw ko kapag nakikita siya." Huh! kumpleto? naririnig mo ba sinasabi mo? "Oyy! Ano tutulong ka?" – Kurt. "Kulit. oo nga!" nakakainis paulit-ulit niya akong tinatanong. "Bakit ka nagagalit?" natatawang tanong ni Rhitt. "Wala. Bahala na nga kayo!" umalis na ako kasi pakiramdam ko sasabog na ulo ko sa subrang inis. "Hi, Zelan." Bati sa'kin ng isang babae. Hindi ko namalayan nakarating na pala ako sa bar. Tinignan ko lang siya at ngumiti ng hilaw. Wala ako sa mood ngayon kaya sorry nalang sa mapagtripan ko ngayon. "Zelan, you want some drinks?" Nilalandi na ako ng mga babae pero parang wala akong nararamdaman tanging nasa isip ko yung first kiss namin ni Phina at yung sinabi ni Kurt na liligawan niya ito. Kilala ako ng mga babae dito kasi palagi akong pumupunta dito sa tuwing nalulungkot ako o kaya nagha-hung out kami ng mga kaibigan ko. "Zelan, can i kiss you?" Gagi, ang landi... hindi pa nga ako nakasagot ginawa na niya. Kinuha ko yung isang glass of wine tapos tinapon sa ulo niya at ibinalik ang attention sa baso ko na parang walang nangyari. "Gago kaba?" isang lalaki na parang pinagtanggol niya yung malanding babae kanina. "Medyo" walang ganang sagot ko at sinubo ulit ang baso. "Tarantado 'to, ah" Sinuntok niya ako sa pisngi pero hinayaan ko lang yun. Mukhang wala kasi akong naramdamang sakit. "Ano, duwag ka naman pala." Naramdaman kong susuntuk na naman sana siya kaya sinalo ko ang kamao niya. "Ang hina ng suntok mo, pwede lakasan mo naman para exciting." Pagkatapos kong sabihin yun, kumawala ako ng isang malakas na suntok sa may bandang abdomen niya. May lumapit na isa at susuntok na sana pero binlocking ko siya at hinawakan ang kaliwang braso with a twist kaya sa sahig ang bagsak niya at mukhang nabali ata ang kamay niya. Bumangon yung unang lalaki at susuntok din sana pero inunahan ko siyang bigyan ng malakas na suntok sa mukha sabay sipa kaya nawalan siya ng malay. Susugod sana yung isa pa nilang kasama kaso natakot nung makitang walang malay yung isa at yung isa naman bali na ang kaliwang braso. Nakatingin sa amin ngayon ang lahat ng tao sa bar, pake ko sa kanila. Nilabas ko yung wallet ko at kumuha ng pera. "Pakidala sila sa hospital" sabi ko sa babaeng binuhusan ko ng wine sabay bigay sa kanya yung pera. Sa nangyari ngayon, medyo kumalma na ang pakiramdam ko. Uuwi na naman ako sa apartment at makikita ko na naman ang Chubaka na yun. Pagbukas ko ng pinto wala akong nakitang Phina, tulog na siguro. Hindi man lang pinatay ang ilaw. Hay... ang haba ng araw ko ngayon at buong araw din akong wala rito. "Saan na kaya yu–" Hayst bakit dito siya natulog sa mesa? At ano naman nangyari sa kamay niya bakit may bandage? "mmm? Andito kana pala" Nagising na ang chubaka sana pala hindi ko nalang hinawakan ang pisngi niya para hindi magising at hinayaang matulog sa mesa hanggang umaga. "Nyari sa kamay mo?" walang emotion na tanong ko. "Ahh... may nabasak kasi akong baso kanina at sinubukan kong iligpit kaya nasugatan 'tong kamay ko, buti nalang dumating si Kurt at tinulugan niya akong gamutin–" "Tama na!" "Ha? bakit? Ahhh sorry pala dahil na basag ko yung baso mo" "Sabing tama na! sa susunod huwag mong pakialaman ang mga gamit ko!" Okay na sana eh kasi binanggit pa niya ang pangalang kurt. Bwesit! "Pasensya na–" "Tamang na yang sorry mo! kainis. Sorry ka ng sorry tapos ulitin mo din naman." Hindi na siya sumagot sa halip yumuko nalang ito. " Matulog ka na nga." last words ko at nauna nang humiga. Speaking of tulog, magkatabi kaming matulog sa kama, ayaw niya kasi sa couch alangan naman ako ang matutulog doon. Pfft! Pinilit kong ipikit ang mga mata ko pero sumasakit lang ulo ko. Paiba-iba narin ang position ko pero hindi parin ako makatulog. Humarap ako sa likod ko at tumambad naman sa paningin ko ang magagandang labi ni Phina. Parang gusto ko siyang halikan ulit. Lumalakas narin ang t***k ng puso ko ano bang nangyayari sa'kin? "Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa maamo niyang mukha hanggang sa naaamoy ko na ang kanyang hininga. "Ang ganda mong tingnan kahit tulog ka"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD