[Araw ng katutuhanan]

1557 Words
[Phina's Pov.] "Saan ka pupunta?" "Sa bahay..." " Sama ako, gusto ko din makita yung sabi nilang Flower garden ninyo." Pagpupumilit ko kay Zelan. Gusto ko lang talaga pumunta sa kanila at hindi ko alam bakit subrang excited ko para dito. "Wag kanang sumama." "Sige na naman, promise ko kapag sinama moko, hindi ako gagawa ng gulo soon. Sige." "Yun lang? hindi gagawa ng gulo?" Mukhang hindi pa siya kombinsido sa sinabi ko ah. "Aalis ako dito sa bahay kapag sinama moko!" confident na sabi ko. Ngumiti siya ng malapad. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukuti ko. Pagkatapos neto saan kaya ako tutuloy? Ah bahala na. "Good." Masiglang sagot niya. Ito naman talaga ang gusto niya kaya ganon nalang kasaya ang expression ng mukha niya ng marinig ang sinabi ko. "Malayo pa ba?" Panimula ko. Ang tahimik kasi. Concentrate lang ito sa pagmamaniho at walang balak na sagutin ang tanong ko. "Stay quiet, ok? Nakakadisturbo ka sa driver." Wala talaga akong aasahang matinong sagot mula sa kanya. "Pasensya na." Tumingin nalang ako sa bintana at nanahimik. Parang inaantok ako, pakiramdam ko sumasakay ako sa rainbow habang nag su-swing ito. Kailangan ko munang ipikit itong mata ko para mawala ang antok. "Aalis kaba talaga?" Naalimpungatan ako sa tanong niya, hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin kaya tinanong ko ito ulit. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi na talaga magbabago ang decision mo?" Bigla akong napalingon sa kanya na may pagtataka. Ano kaya ang Gusto niyang sabihin? " Hindi na. Yun ang usapan eh.B-bakit mo natanong?" "Pwede ka namang mag-stay at huwag nang umalis." Nagbibiro ba siya? Hindi. Hindi ako dapat nagpapadala sa trip niya pero kung totoo man yun, edi salamat naman hindi na ako palaboy sa daan. "Lasing kaba? o kaya pinagti-tripan mo lang ako." Panigurado lang kasi masakit mabigo. "Sa tingin mo nagbibiro lang ako? at isa pa kung gusto mong umalis, umalis ka! Pfft! bad trip 'to." Sana pala hindi ko nalang tinanong yan tuloy galit na naman. Hayyst. Ngumiti lang ako dahil hindi akp makapaniwala sa narinig ko. Nangibabaw na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "S-salamat nga pala" Nahihiya akong sabihin 'to. Ngayon ko lang napagtanto, mula noong tinulungan niya ako sa gubat hindi ko pa siya napapasalamatan, wala talaga akong utang na loob. "Tungkol saan?" Tanong niya pero nakatuon lang sa daan ang attention neto. "Noong niligtas mo ako sa gubat, utang ko sayo ang buhay ko." Ngayon nakatingin na siya sa akin pero muli ding binalik ang attention sa daan. "Tagal na non ngayon mo lang naisip magpasalamat? Huh! Talaga lang ha?" "Noong araw na yun..." Hindi ko na sinagot ang sinabi niya sa halip nagpatuloy pa ako sa pagku-kwento. Mukhang interesado naman ito kaya ipinark niya ang sasakyan sa gilid ng daan. "Anong nangyari?" Mahinang boses na tanong neto. Pakiramdam ko kailangan kong sabihin sa kanya ito at mukhang mapagkakatiwalaan naman siya. "Noong araw na yun... Hinabol ako ng isang matandang lalaki, Gustong-gusto niya akong patayin at kunin ang bagay na pagmamay-ari ko. Ang taong yun... galit na galit ako sa kanya dahil pinatay niya ang mga kasamahan ko pati narin ang mga magulang ko at hindi pa siya kuntento sa ginawa niya pati ako papatayin din niya." Arrgh nakakahiya naman, tumulo na ang mga luha ko, sinusukan ko itong pigilan ngunit mas lalo pa akong naiiyak. Hindi ko alam bakit pero hindi ako nalulungkot sa halip galit na galit pa ako sa tuwing naaalala kp ang matandang yun. "Bakit niya naman yun gagawin?" Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago sinagot ang tanong niya. " Dahil sa isang bagay na pagmamay-ari ng mga taong paru-paro kaya gusto niya kaming patayin." Nakita kong natulala siya. Wala naman akong sinabing mali. "Anong sabi mo? taong paru-paro? kayo?" Nako lagot! Nadulas ang dila ko. Anong gagawin ko kailangan makaisip ako ng rason. "Ha?! ah– Hindi yun ang ibig kong sabihin." Nauutal ako at hindi makapag-isip ng mabuti. " Ta-tara na, baka malayo pa yung bahay niyo." Palusot ko. Ang tanga ko talaga bakit ko nasabi ang bagay na'yon? Hindi na siya umimik at hindi narin nagtanong pa. Alam kong nagtataka at marami siyang tanong tungkol sa sinabi ko pero hindi ko yun dapat sabihin sa kanya ngayon , lalo pa't hindi ko pa nakikita yung singsing. "po-prutiktahan kita" "Gising na. Nandito na tayo." Naalimpungatan ako sa lakas ng boses ni Zelan. Grabe, wala talagang puso. Natutulog ang tao tapos sisigawan. "Kanina pa ba tayo nakarating?" Hindi siya sumagot kaya lumabas nalang ako. Wala talaga akong aasahan sa taong 'to. Mauna nalang ako sa loob pero pano ako makakapasok kung hindi ko kasama si Zelan tapos hindi nila ako kilala at isa pa galit sa'kin yung ina ni Zelan. "Hoy bumalik ka dito!" "Ha? bakit? Hindi ba tayo papasok?" "Sabing pasok na! May emergency akong pupuntahan. Kung ayaw mo, dito ka nalang." Pinaandar na neto ang sasakyan at paalis na sana. "Hoy! Zelan Huxley na apat ang mata!!" Tumigil ang sasakyan ng marinig niya iyon. Lumabas siya mula rito at lumapit sa'kin. 'Apat ang mata' yan ang tawag ko sa kanya kasi lagi nalang naka sunglass 'di naman bagay kala, mo kung sinong gwapo. "Anong sabi mo, iniinis mo ba talaga ako?" Palapit ng palapit siya sa'kin, paatras naman ako pero nabigla ako nong hinablot niya ang kamay ko papunta sa kanya. Nagkadikit ang aming katawan at halos naririnig ko na ang kanyang hininga pati narin ang pagtibok ng kanyang puso. "Huwag mo akong inisin dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Pagbabanta niya sa akin pero dikit parin ang aming katawan. Sinubukan kung kumawala pero ang higpit ng pagkakayakap niya sa'kin. Nakakainis, pinagbantaan pa ako Akala niya siguro takot ako sa kanya. " Sino ka para takutin ako, 4eyes?" Umiigting na ang mga ngipin niya dahil sa galit. Nakakatakot nga pala talaga magalit ang taong'to. "Sabing wag mo akong inisin!!" Hinawakan niya ang batok ko at inilapit sa akin ang mga labi niya. Pumikit nalang ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin niya at hindi ako nakapag handa. Ano 'to? Nyaaak!! nagkadikit narin ang mga labi namin? Anong ginagawa niya? Mga 30 segundo na ang nakalipas pero hindi niya parin kinuha ang labi niya at anong pakiramdam itong nararamdaman ko ngayon naguguluhan ako, ang lakas ng t***k ng puso ko. Pangalawang beses na ito, ganito din ang naramdaman ko nong unang halik namin. Anong ibig sabihin nito mamamatay na talaga ako. Naramdaman kong unti-unti nang kumawala ng halik si Zelan at nanatili lang akong walang kibo na parang statue. Nagulat lang ako sa ginawa niya at naguguluhan din ako sa nararamdaman ko. "Sabi ko sa'yo wag mo akong inisin." Nauna na siyang umalis at nanatili parin ako sa situation ko. Huhuhu! mamamatay naba ako? "Ano, hindi ka sasakay?" Ano ba? anong nangyari sa'kin? Teka hindi ako dapat maging ganito. " Syempre sasama!" "Saan tayo pupunta?" Tanong ko rito. Pansin ko kasing papunta ang sasakyan sa kagubatan. Ewan ko anong nasa isip niya bakit kami pumunta rito. " Akala ko ba may emergency?" "Tumahimik ka nga! Maghintay ka nalang pwede?" Hayst inis na naman siya. Hanggang kailan kaya ganito ang ugali niya. Tatahimik na nga lang. Nasa kalagitnaan na kami ng kagubatan nang huminto ang sasakyan namin. "Anong nangyari? Bakit huminto?" Abala siya sa paghahanap ng kung ano at parang natataranta din ito. "Mukhang wala nang battery" Sagot niya sakin habang abala parin sa ginagawa. "Pwede naman gamitin yang battery ng cellphone mo." seryuso ako sa sinabi ko pero tiningnan niya ako ng masama. "Pinagsasabi mo? Niloloko mo ba ako?" "Bakit hindi ba pwede?" "Nag-iisip kaba? Battery ng Cellphone at battery ng sasakyan? Umalis ka nga!" Wala na talaga akong silbi, lahat nalang ng sinabi ko walang silbi para sa kanya. Nagdidilim na ang kalangitan at wala man lang kaming dala kahit anong bagay na pwedeng gamitin pang-ilaw. Yung cellphone ko naiwan sa apartment at yung sa kanya naman dala niya pero wala ng buhay. "Bakit ba kasi tayo nandito?" Painis na tanong ko. "May tumawag sa'kin kanina, nanghihingi ng tulong, hindi ko kilala pero dito yung sinend niyang location." Ang hina ng boses niya ngayon at ang amo pa. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kakaibang enerhiya ang nararamdaman ko na para bang nasa totoong tahanan lang ako. Naaalala ko ang mundo namin, ang saya at kapag ganitong oras na nagtitipon kami at nag ku-kwentuhan. "Ang lamig..." wika niya. Nanginginig siya sa lamig at parang takot din siya sa dilim. Pakiramdam ko tuloy parang bata lang siya na kailangan alagaan. Lumapit ako sa kanya na naka- curve dahil sa lamig. Hinubad ko ang jacket ko at ibinigay iyon sa kanya. "Kunin mo nalang yan. Hindi ko yan kailangan." pagtanggi niya. Hindi daw kailangan pero nanginginig na sa lamig. Ang mga tao talaga pa kipot din minsan. "Kunin mo na, hindi naman ako nilalamig." Pinipilit ko siya ng paulit-ulit kaya kinuha din niya. "Lumapit kayo mga kaibigan at bigyan niyo kami ng ilaw." Utos ko sa mga alitaptap. Nagsilapit ang mga ito mula hilaga at kanlurang bahagi hanggang sa nagtipon ang mga ito at nakabuo ng mas maliwanag na ilaw. "Salamat mga kaibigan" Ang saya ko kasi sinusunod parin nila ang utos ko. Nakangiti akong pinapanood sila, ang saya ko talaga hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. "Sino kaba talaga?" "Ha?"Gulat na sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD