"Sino kaba talaga?" Nagulat ako sa tanong niya, hindi ko alam kung Anong ibig niyang sabihin.
"Sino kaba, at anong klasi kang nilalang?" tumaas na ang boses niya. Nakalimutan ko kasing may kasama pala akong ordinariyong tao kaya nawili akong kausapin ang mga alitaptap na alam kung bihira itong mangyari para sa kanila.
"Hindi mo gugustuhing malaman." Tiningnan ko siya saglit at ibinalik ang attention sa harap.
"Phina, ano ba talaga ang tinatago mo?" Ang kulit niya. Siguro pwede kong sabihin sa kanya ang sekreto ko pero natatakot ako baka may mangyaring masama kapag sinabi ko.
"Wala. wala akong tinatago."
" Diba ang pangalan mo nag mula sa paru-paro? at paano mo maipaliwanag ang nangyari ngayon, pati na yung mabilisang paggaling ng sugat mo? Sabihin mo nga sa'kin, sino kaba talaga?" Natulala ako sa mga tanong niya, at paano niya nalaman ang tungkol sa pangalan ko? siguro matagal na niyang alam ang tungkol dito pero hindi niya sinabi kahit kanino.
"Isa akong... isa akong paru-paro."
"Ano?!" Nagkasalubong ang mga kilay niya. "Nagbibiro ka ba?"
"Kung ayaw mong maniwala bakit kapa nagtanong?" Nagalit ako sa inasta nya, totoo naman ah kung ayaw niya pala maniwala bakit pa siya nagtanong? kainis!
"Maniniwala ako!" Totoo bang narinig ko? pinagloloko niya? "Kung may ipapakita kang ebedinsya sa'kin na isa ka ngang paru-paro." Tssk isip bata. Kala niya talaga nagbibiro lang ako.
Ang malas nga naman hindi ko mailabas ang pakpak ko tsaka ang pangit kaya ng pakpak ko kapag nakita niya yun baka matawa lang siya. Pero teka, bakit ko naman inaalala ang mararamdaman niya?
"Kulang paba ang mga nakita mong patunay? Hindi ako bata para magpauto sayo." Ngumiti lang siya. Anong balak niya, bakit siya nakangiti? seryuso naman ang sinabi ko. Nakakainis na talaga 'tong 4eyes na'to.
"Kasama ako sa grupo ng taong pumatay sa mga kasamahan mo." Napalingon ako sa kanya at tiningnan siya ng masama. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon basta bigla nalang kumulo ang dugo ko na parang gusto ko siyang sakalin pero pinipigilan ko lang ito.
"Anong sabi mo?" Naramdaman kong sumakit ang likod ko na parang may gumagalaw sa loob. Hindi! Hindi pwede 'to. Nangyari na ito dati noong sumalakay ang isang grupo ng masasamang tao na pinamumunuan ng matandang lalaki na yun. Kapag naalala ko yun, may nararamdaman akong kakaiba pero ibang-iba itong nararamdaman ko ngayon.
"Pinaslang ko ang mga magulang mo!"
"AHHH! SINUNGALING!!" Hindi ko na maramdaman ang kamay ko pati isip ko nawawala na sa lugar. Nakita kung natakot siya at paatras-atras na ito.
"P-phina?!"
"AHHHH!!"
[Zelan's Pov.]
Nagulat ako nung sumigaw siya at bigla nalang umilaw ang buo niyang katawan.
Hindi talaga ako ang pumatay sa mga magulang niya, paano ko yun magagawa eh hindi ko nga alam ang tungkol sa kanila at hindi ko rin kilala kung sino at anong klasing tao yang mga tinutukoy ko. Nagbabakasakali lang naman ako na sabihin yun para lumabas ang totoo niyang ugali. Naalala ko kasi yung sabi niya sakin tungkol sa pagkamatay ng mga kasamahan niya pati narin ng mga magulang neto kaya ginawa ko yung paraan para magalit siya. Hindi ko akalaing ito ang masasaksihan ko.
"P-phina?!"
"AHHHH!!" Sigaw niya. Ramdam ko ang sakit sa tuno ng pagsigaw niya. Lumiliyad din siya at parang hindi maipinta ang mukha niya. Napapaatras ako sa takot.
"Phina! anong nangyari sayo?!" nagaalala na'ko sa kanya pero hindi ko magawang lumapit.
"AHHHH! ZELAN!! Huwag kang lumapit!"
Nako. May gumagalaw sa likod niya. Nakakatakot, kailangan kong makaalis dito baka patayin niya ako. Gusto ko pang mag-asawa at magkaroon ng anak na bente.
Hindi na ako lumingon pa at mas binilisan ang pagtakbo. Natatakot kasi ako pano kung hindi siya paru-paro at isa pala siyang halimaw na kumakain ng lamang tao.
"Tumigil ka!" Lagot kailangan ko pang bilisan ang pagtakbo. Bakit ba kasi nakilala pa kita,Phina? isa ka palang halimaw.
"Sabing tumigil ka!!" Napatigil ako dahil sa lakas ng sigaw niya, pero parang nag iba ang boses niya. Baka kasamahan niya yun at gusto akong pagtulungan. Hindi ako lumingon sa kanya para hindi ko makita ang Itsura niya, natatakot kasi talaga ako.
"Lumingon ka." Utos niya sa'kin. Ayuko. Ayukong lumingon. Kinakabahan ako at nanginginig na ang kalamnan ko.
"Lumingon ka sabi!!" Sumisigaw na siya lalo tuloy ako kinabahan. Dahan-dahan akong lumingon pero nakatingin lang ako sa baba. " Totoo ba ang sinabi mo? Totoo ba?!" Napilitan akong tumingin sa kanya at...
Wow! Ang ganda niya... M-may pakpak din siya? Totoo ba ang nakita ko? Ang ganda ng mga pakpak niya at ang blooming pa niya... At... "AHHHH!" Napasigaw ako sa nakita ko at napatakip sa mata.
Anong gagawin? Mag-isip ka, Zelan! Pero paano ba? Naiilang ako at hindi ko rin alam ang gagawin. Teka... Tama! Yung jacket! Lalapit ba ako sa kanya? baka kung anong gawin niya sa'kin pero hindi ko siya dapat hayaan na ganyan. Lalakasan ko ang loob ko, ipikit ko nalang itong mga mata ko.
"Tinatanong kita, Zelan!" Ang lapit ko na sa kanya at nanginginig na ang mga tuhod ko. Kailangan ko itong gawin bahala na.
"P-Phina..." Nauutal na sabi ko sabay bigay sa kanya yung jacket. Nakapikit parin ang mga mata ko. "Ta-ta... Ta-tabunan mo!" Nakakahiya itong ginagawa ko.
"Anong ginagawa mo? Sagutin mo yung tanong ko! Totoo ba ang sinabi mo?" Totoong galit na nga siya. Nangangalay na ang braso ko pero hindi parin niya kinuha ang jacket. Lumulutang siya sa hangin at parang walang pakialam sa...
"Phina, pwede ba tabunan mo yang harap mo!" Sabi ko sabay talikod na hinahabol ang hininga. OO. Wala siyang damit pang itaas. Dahil siguro sa nangyari kanina kaya nagkawatak-watak ang damit niya pang-itaas. Bigla niya na realize na kitang-kita yung d*d* niya kaya dali niyang hinablot sa'kin yung jacket at ginamit ito panakip sa harap. Nakapalda siya kanina kulay pink na nasa itaas lang ng tuhod at naka long sleeve kulay puti tapos naka insert ito. Dahil sa pakpak niya natanggal ang pang-itaas pati bra. Ang laswa tingnan. Bakit ako naiilang sa kanya? kapag ibang babae ang lalapit sa'kin hindi naman ganito nararamdaman ko kahit labas cleavage pa yan.
"Ang bastos mo!!" Lumipad pa ito paitaas at nang humugpa na siya sa lupa ginawa niyang takip ang kanyang pakpak. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko. Sa totoo lang, parang gusto ko nang yakapin at panggigilan si Phina. Ang lakas at ang bilis ng t***k ng puso ko. Nababaliw na nga ata ako.
"Phina..." akmang hawakan ko na sana ang balikat niya pero natatakot ako at nahihiya narin.
"Wag kang lumapit sa'kin..." Naka- curve siya na nakaupo sa lupa. Ang hina ng boses niya, siguro nahiya din siya sa nangyari. Hindi ko alam bakit parang tanggap ko ang totoong pagkatao ni Phina, kanina na shock lang ako kunti at ngayon nawala na yun.
"Phina... Sorry..."
"Wag kang lumapit sa'kin, Zelan."
"Tanggap kita kahit ano kapa. Phina, patawarin mo'ko nagsinungaling ako sa'yo. Hindi totoo yung sinabi ko sayo kanina." Hindi siya umimik. Di bale na, susuyuin ko siya hanggang sa mapatawad niya ako. Gabeng-gabi na at nanatili parin kaming gising.
(chirp, chirp, chirp...")
Nagising ako dahil sa huni ng mga ibon. Hindi ko akalaing makakatulog ako sa damuhan. Nakaka-relax ang huni ng mga ibon at pakiramdam ko tuloy nasa magical world ako ngayon. Sumasayaw ang mga bulaklak, umaawit ang mga ibon at ang gaganda ng mga puno. Lahat sila parang buhay na tao na ginagampanan ang mga tungkulin.
"Gising kana pala."
"Ha?" Sino yung nagsalita? ang ganda ng boses at parang narinig ko na yun...?
"Tumayo kana at uuwi na tayo. Gutom na ako." Reklamo pa neto. Lumingon ako at nakita si Phina lang pala. Teka? saan na yung pakpak niya?
"P-Phina, Saan yung pakpak mo?" Para akong ignorant sa ginagawa ko.
"Anong pakpak pinagsasabi mo jan?" Bakit niya dini-deny presko kaya sa utak ko yung lahat ng nakita ko kagabe pati na yung... haha kalimutan ko nalang.
"Nasaan na yung pakpak mo? Pinutol mo ba?"
"Tinago ko. At wag mo akong kausapin, galit parin ako sa'yo." wow! may ganon pala, itinago ang pakpak sa likod? pano kakasya yun?
"Sorry na nga" Pa hard to get din ang chubaka na'to.
"Yung nangyari kagabe... Tayo lang ang nakakaalam nun." Seryuso siya, nagbago ang ugali niya hindi tulad ng dati bago mangyari yung kagabe, hindi pa siya non marunong magalit. Baka panandalian lang 'to at babalik din siya sa dati.
Marami pa akong Gustong malaman tungkol sa kanya at gusto ko rin tumulong sa kanyang paghihiganti. Bakit ang saya ko ata ngayon, baka gutom lang 'to.
"Wag kang mag-alala, mananatiling sekreto ang mga sekreto mo." Tama, dito ako magsisimula, tutulungan ko siyang itago ang sekreto niya ng sa ganon maging safe siya at mapanatag din ang loob ko.
"Kapag hindi ka tutupad sa sinabi mo, papatayin kita kasama ang matandang lalaki na yun." Grabe nakakatakot siya.
"Pangako. Tutuparin ko ang pangako ko."
"Tulad ng... hindi mo na ako papaalisin sa bahay mo? at yung sinabi mong po-prutiktahan mo'ko?" Teka? kailan ko naman sinabi sa kanya na po-prutiktahan ko siya? sandali nga lang...? Sa sasakyan yun! Akala ko ba tulog siya? Tssk! Ang sakit ng ulo ko kakaisip kung kailan ko sinabi ang tungkol sa bagay na iyon.
"Akala ko ba tulog kang chubaka ka!" Naiinis ako sa kanya kasi napaka-pretender niyang tao.
"Kakagising ko lang non! Mag-isip ka nga kung paano tayo makakauwi?" oo nga pala, na stock kami rito kasi walang buhay yung battery ng sasakyan.
"Gamitin mo kaya yang pakpak mo para makauwi na tayo."
"Hindi pwede!"
"Anong hindi pwede? dali na!" matigas na utos ko sa kanya.
"Sabing hindi pwede! Kapag nakita ako ng mga tao na may pakpak ako, kaya mo ba akong protektahan laban sa kanila? alam kung iisipin nilang halimaw ako. Mag-isip ka nga!!"
"Kaya naman kitang protektahan...Kahit ikamatay ko pa yan, kaya kong gawin ang lahat mapanatili kalang na ligtas. Dahil mahal na ata kita, Phina." Sabi ko sa mahinang boses. Siguro hindi niya yun narinig kasi may pagka bingi ang chubaka na'to.
" Anong sabi mo?" kita mo, bingi talaga. haha. " mahal mo na ata ako? totoo ba ang narinig ko?" Gagi! Narinig niya! Anong gagawin ko natatakot ako umamin ngayon.
"Ahh...Ahahaha mali yung narinig mo."
"Gusto mo ulitin ko lahat-lahat ng sinabi mo pati kama at tuldok?" Patay ang lupit naman ng babaeng'to pero nakaka in love siya kapag nagagalit tuloy nakalimutan ko ang totoo niyang pagkatao.
"AHH" speechless talaga ako pakiramdam ko ayaw lumabas ng mga words sa bibig ko.
"Alam mo, Zelan. Kung totoo man yung sinabi mo na mahal mo'ko, ngayon palang lumayo kana sa'kin. Ngayon palang lubayan mo na ako at wag kanang magpapakita." Nong marinig ko yun pakiramdam ko natabunan ako ng langit at lupa. Hindi pa nga ako nagtapat, binastid na ako. Ang sakit naman sa lahat ng babaeng binastid ko dati at nambastid sakin, ngayon ko lang naramdaman ang ganito ka sakit.
"H-hindi naman yun totoo, at kahit kailan hindi ako magkakagusto sa'yo!" Pagsisinungaling ko. No choice na ako eh ang sakit talaga parang may tumutusok sa puso ko na para bang naiiyak ako.
"Mabuti naman kung ganon, dahil ayaw kung may sagabal sa paghihiganti ko." Kung ako din ang nasa situation niya ayuko din ng sagabal sa plano ko pero grabe naman ata yung ginawa niya sa'kin ang sakit. Ayuko ko siyang makita sa bahay dahil baka maalala ko lang ang araw na'to pero may binitawan na akong pangako sa kanya at kailangan ko yung tuparin.
Ako nalang ang aalis. Mas mabuti nalang siguro kung ganon, ako nalang ang aalis. Napaka childish ko naman ata kung susuko ako agad, at kapag nangyari yun baka maagaw pa ni Kurt si Phina at yun ang pinaka-ayaw ko ang mapunta si Phina sa kaibigan ko o kahit kanino pa.
"Tara na" aya ko sa kaniya.
"Oum, kain muna tayo, gutom na ako eh." Kailangan niya ngayon ng karamay na nakakaintindi sa kanya at ako yun kaya isantabi ko muna ang personal kung nararamdaman. Kahit masakit titiisin ko dahil...
"Mahal kita"
"Ha?"–Phina.
" W-wala. mali yung narinig mo" bwesit naman kasi... bakit ko nabanggit yun at nakakainis din ang tenga niya. Ang talas ng pandinig!
"Okay."
(phew) Muntik na naman ako don. Grabe ang talas talaga ng pandinig. Bilib na ako sa kanya. Kapag naging asawa ko siya... ako na talaga ang pinaka- swerteng lalaki sa buong mundo. May asawa akong hindi ordinariyo at napaka-ganda pa.
"Ngiti-ngiti mo dyan?"
" Ha?" Anong bang nangyayari sa'kin? Hayst!