[Unexpected kiss]

2135 Words
[Kurt Hilton's Pov.] Kanina ko pa tinawagan si Zelan na dalhin dito si Phina sa venue ng date namin pero bakit hanggang ngayon wala parin sila? Ano kayang nangyari sa kanila? " Siguro hindi na yun dadating." "Wag ka ngang negative dyan." Kanina pa napipikon si Rhitt. About 9 hours na kaming naghihintay dito at maga-alas 10 na ng gabe pero wala ni anino ng dalawa ang nakita ko. "Kurt, uwi na tayo. Bukas mo nalang sila tanungin kung saan sila galing." May punto siya, ano kaya nangyari hindi rin sinasagot ni Zelan yung Phone niya tapos yung kay Phina, nagri-ring lang. "Siguro sa susunod nalang. Sayang yung effort natin para pagandahin itong gubat." Walang gana kong sabi. Pakiramdam ko wala ng lakas ang katawan ko at parang na tabunan ako ng langit at lupa. Ang sakit kaya umasa. Pagkatapos ng nangyari kagabe, parang nagkaroon pa ako ng pag-asang i pursue si Phina. Hindi ko alam kung bakit basta pakiramdam ko lang. Ano namang nangyari kay Zelan, bakit parang ang tamlay niya? Tatanungin ko sana kung anong nangyari sa kanila kagabe pero mukhang wag nalang, wrong timing. "Cheers!!" (insert cricket sound) Mukhang napahiya si Rhitt sa ginawa niya, wala man lang nakipag-cheers sa kanya. Nasa bar kasi kami, tulad ng nakasanayan. Araw-araw kaming nakatambay dito. " May nagugustuhan ka na bang babae, Rhitt?" Nagulat kaming dalawa ng itanong iyon ni Zelan. Love sick ata 'to. "A-ako? M-meron." Tanga. Bakit siya nauutal? "Kung ganon, wag na wag kang aamin sa kanya kasi masasaktan kalang. Yung iba nga hindi pa inaamin ang nararamdaman, bastid na." Nagkatinginan kami ni Rhitt. Parang may experience ah. "Bakit sino bang nabastid?" Nagtanong pa talaga si Rhitt eh halata namang si Zelan ang nabastid. Ang nakapagtataka lang, sino naman ang nambastid sa kanya? Ang pagkakaalam ko kasi, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya tinatanggihan niya. Kung sino man ang babaeng yun sigurado akong siya na ang makapagpabago sa kaibigan kung si Zelan. "Ahh, Lan. Payong kaibigan lang ha. Kung binastid ka niya ngayon, huwag mong sukuan, malay mo sa huli, ma in love siya sa'yo. Tutulungan ka namin ni Rhitt tulad ng pagtulong mo sa'kin." Tinapik-tapik ko pa ang balikat niya para ma-convince. Hindi talaga ako marunong sa mga ganto at wala din akong experience. "Pano ka naman?" Anong ibig niyang sabihin? Paano naman ako? Hayst kapag broken hearted ka nga naman. "Wag mo akong alalahanin, maghihintay lang ako ng tamang panahon para umamin kay Phina." Napatingin siya sa'kin ng masama. Anong ibig sabihin ng tingin na yun? "Good luck nalang sa'yo." Matigas na sabi niya. Naguguluhan na ako, anong nangyari sa kaibigan namin? No choice ako kaya binigyan ko nalang siya ng matamis na ngiti. "Teka, tumawag si tita Agatha. Sagutin ko lang." Bakit naman kaya napatawag ang mommy ni Zelan.? "Hello, tita?" "Na miss ko kayong tatlo, medyo matagal-tagal naring hindi kayo pumupunta rito kaya dito kayo mag dinner mamaya isama niyo narin yung fiancee ng anak ko." Ano naman kaya ang binabalak niya? By the way, parang second mother na namin siya, mula pag-kabata si tita Agatha na yung tumayong magulang ko kasi matagal ng patay sina mama at papa dahil sa isang car accident. "Mas na miss ka namin, Tita. Pupunta kami mamaya, miss narin namin yung specialty mong chicken adobo." Tumawa lang siya. Sa totoo lang mabait naman talaga si tita kaso kapag may gusto siya, dapat yun ang masusunod. "Oh, sige aasahan ko yan." Last words niya at pinatay na neto ang call sa kabilang linya. "Ano sabi?" Pang-uusisa ni Rhitt. "Zelan, dinner daw sa bahay niyo at isama mo daw yung Fiancee mong si Phina." "Pfft. Plastic!" Nagkasalubong ang kilay niya at parang nangangagat sa subrang galit. Alam namin yung tungkol sa pagpapakasal niya kaya naiintindihan namin kung bakit siya galit sa mommy niya. "Lan, pupunta ka?" Tanong ko rito. "Hindi!" "Ano bang nangyayari sa'yo? Dapat gamitin mo itong chance na'to para ipakita sa mommy mo na hindi siya ang dapat mag decision para sa'yo." Wow kagulat si Rhitt, kailan pa siya nag mature? "Deretsuhin mo nalang kasi ako! hindi ko gets yung mga pinagsasabi mo!" Ang init talaga ng ulo, siguro may nangyari na kababalaghan. "Ang ibig kong sabihin... suyuin mo si Phina na magpanggap kayo bilang tunay na mag asawa." Napanganga ako sa sinabi niya, ang sakit sa tenga pati sa puso. " Anong tingin mo kay Phina, Shield na pwede mong gamitin kapag nasa kalagitnaan ka ng laban?" Galit na sabi Zelan. Nanahimik lang ako habang pinapanood sila. Hindi ko alam kung magseselos ba ako o magagalit sa sinabi ni Rhitt. "Hindi yun ang ibig kong sabihin." "Tssk." Natahimik si Rhitt dahil bigla nalang umalis si Zelan. "Hoy! punta ka mamaya ha, Hintayin ka namin!" Pahabol pa ni Rhitt pero hindi na lumingon si Zelan. Napabuntong hininga nalang ako. "Hayaan mo na. Kilala naman natin yan, kahit gaano pa yan kainit ang ulo niya pupunta parin yan." Positive na sabi ko rito, tumango naman siya bilang sagot. "Ano, itutuloy mo parin ba yung Plano?" Napalingon ako sa kanya na seryuso naman ang mukha. "Oo naman. Tingnan nalang natin kung anong magagawa ni Zelan." "Basta siguraduhin mong hindi ito malalaman ni Phina." Ngumiti lang ako at tinapik ang balikat niya. Mag-aalas 7:21pm na pero wala parin si Zelan at Phina, nag-aalala na ako baka hindi talaga pupunta si Zelan. "Oh, mga ijo. Pasok na kayo." Malayo pa yun na agad ang bungad ni tita Agatha. Makikita ang saya sa kanyang ngiti at teka sino naman yang kasama niyang babae? Ang ganda. "Ah. Maya ko nalang siya ipakikilala sa inyo." Sabi ni tita. Na gets niya ata ang ibig sabihin ng tingin ko. "S-sige po. Mas mabuti kung sa loob nalang natin hintayin sina Zelan." sabi ni Rhitt at ngumiti naman ng mapanlinlang ang babaeng kasama ni tita. Ngayon ko lang siya nakita rito, baka anak siya ng isa sa mga close friends ni tita. "Kurt!" "Ha?" Halos mapatalon ako sa gulat. Ngayon ko lang na realize kanina pa pala ako natutulala buti nalang tinawag ako ni tita. "May problema ba?" "Ahh, wala po, tita." "Come in" Ano bang iniisip ko? Bakit iba ang kutob ko sa babaeng yun? Ahh bahala na kailangan kong malaman kung anong sadya niya rito. Anong oras na bakit wala parin sila? Kanina ko pa tinatawagan si Phina pero hindi niya ito sinasagot pati narin si Zelan. "Kurt, na contact mo?" pang-uusisa ni Rhitt sa'kin. Katulad ko, kanina pa niya tinatawagan ang dalawa pero ganon din ang resulta, hindi sumasagot. "Wala eh." "Okay, as expected. Hindi darating ngayon si Zelan kaya sasabihin ko nalang ang dapat kung sabihin." Kinakabahan ako sa sinabi ni tita, kung ano man yun dapat hintayin niya muna ang anak niya at si tito. "Teka lang, tita. Bakit wala si tito?" Yun din sana itatanong ko kaya lang na unahan ako ni Rhitt. "Ahh... Nasa Thailand pa siya for business at sa susunod na buwan pa ang balik niya." Nakangiting sabi niya. "So... ano yung sasabihin niyo?" – Rhitt. "Ipakikilala ko siya sa inyo." Tumayo si tita at itinuro ang babaeng nasa tabi niya. "Siya nga pala si Cendy Sandoval, ang mapapangasawa ni Zelan." Lumapad pa ang ngiti ni tita. "Ano?!" Halos sabay na tanong namin ni Rhitt. Hindi ako makapaniwala na itutuloy niya talaga ang balak niya kahit alam pa netong may fiancee na si Zelan. Pangiti-ngiti lang si... Sino nga ba itong babaeng'to? Siguro mga magulang nila ang nagkakasundo tungkol sa kasal. "Tita, totoo ba ang narinig namin?" Hindi talaga ako mapakali sa narinig ko kaya tinanong ko siya ulit. Kapag nalaman ito ni Zelan, ewan ko nalang. "Huh. Tingin niyo ba nagbibiro lang ako? Hindi ko naman ipapakasal ang anak sa taong hindi niya gusto. Nagmahalan silang dalawa kaya walang mali don." Tumango lang ang babae at ngumiti ng mapang-akit na ngiti. "Matagal na kaming may relation ni Zelan pero tinago lang namin iyon dahil ayaw naming may makaalam." Hindi ako naniniwala sa babaeng 'to kung totoo nga ang sinabi niya dapat alam namin yun ni isang beses nga hindi ko siya nakitang kasama si Zelan. "Sinungaling!" Napalingon kaming lahat sa may pinto kung saan nag mula ang boses. "Zelan!" Halos mapatalon si Cendy ng makitang papalapit na si Zelan sa mesa kasama si Phina. Speaking of devil... Ang ganda ni Phina~ Bagay sa kanya yung formal dress na kulay Skyblue at yung mukha niya... ang innocent. Hindi ko talaga mapigilan ang puso ko parang sasabog na. Ngumiti pa siya... ano ba parang nag slow motion ang paligid na para bang kaming dalawa lang ang tao dito. "Anak. Buti dumating ka." Si tita. Ang plastic ng ngiti niya. "Buti nga dumating ako kasi kung hindi baka tuluyan niyo nang nauto itong dalawang dugyot na'to." Ano? kami ni Rhitt, dugyot? Huh! Ibang klase ka talaga Zelan. "Zelan, tama na"Awat ni Phina. Nagkagalit na naman ba sila? Dama ko kasi ang awkward sa pagitan nila. "Huh. Kasama mo pala ang fake fiancee mo? Maaari mo bang ipakilala sa akin yang kasama mong basura?" Hala grabe naman ata si tita. Nag sakit magsalita. Ramdam ko ang tension sa loob ng bahay. Ano kayang mangyayari kapag sumabog na ang galit nilang dalawa? "Mom, ang totoong basura yung mga taong sinungaling at kayong dalawa yun." Tita and Cendy ang tinutukoy niya. Napasinghap silang dawala dahil don. Si Zelan naman mukhang nawawalan na ng respeto sa kanyang ina. Ewan ko nalang kung magkakaayos pa ba sila. "Ganyan mo ba talaga ako kausapin? Pagkatapos ng lahat ng sacrifice ko for you, yan lang igaganti mo?" Wala na. Nagdadrama na yung mag-ina. "Huh. bakit? anak parin ba ang turing niyo sakin? Sa loob ng 15 years na trabaho lang ang inuuna niyo... kapag uuwi kayo rito sa bahay ni hindi niyo man lang ako matanong kung okay lang ba ako. Ni hindi ko man lang naramdaman na may mga magulang pa pala ako." Galit na siya at halos nagkasalubong na ang mga kilay niya. Si Phina naman nakatayo lang sa tabi ni Zelan, Nakikinig siya kahit alam kong hindi niya gets ang pinag-aawayan ng mag-ina."Tapos ngayon, ipapakasal mo ako sa babaeng hindi ko gusto at kahit kailan hindi ako magkakagusto, ipapakasal niyo ako nang dahil parin sa trabaho?" Ngayon mas naiintindihan ko na si Zelan. Kaya pala ganon nalang ang galit niya. Hindi kasi kami sabay lumaki kaya hindi ko alam ang tungkol don. "Zelan, ang sakit mo naman magsalita." Reklamo ni Cendy. Halos mangiyak-ngiyak na ito. Nakuha niya ang attention ni Zelan kaya sa kanya ngayon nakatuon ang attention neto at nilapitan siya. Sana wala siyang gagawing masama. "Sana pala hindi nalang tayo pumunta" Natatakot ata si Rhitt. Haha duwag talaga. "Tumigil ka nga. Hintayin natin kung anong gagawin ni Zelan." Kumalma naman ito. "At ikaw... Narinig ko ang mga sinabi mo. Kung matagal na tayong may relation... Pwede mo bang sabihin kung ano ang favorite color ko?" Napalaki ang mata ni Cendy. Hindi niya alam kung saan ibaling ang attention kaya yumuko nalang ito. "Zelan, pumunta ka lang ba dito para insultuhin ako?" Napatigil si Zelan at ibinaling ang attention sa ina. "Hindi." Walang pagdadalawang isip na sagot niya. Hayst bakit kasi nangyari ang lahat ng ito? "Kung ganon, bakit hindi ka muna kumain. Masasarap ang inihanda kong pagkain." Tatalikod na sana si tita para ihanda ang upuan ni Zelan. "Wag na. Naparito ako para sabihin na... Hindi ako magpapakasal sa babaeng yan." "Zelan!" ayon na naman, nagalit na si tita. "Mas gugustuhin ko pang mamuhay na walang ka pera-pera kesa ipakasal ako sa taong hindi ko gusto." Hayyst mag-ina nga talaga. Ang taas ng pride at ang init ng temper. Walang nagpapatalo sa kanilang dalawa. "Zelan tama na." Si Phina kanina pa niya inaawat si Zelan pero hindi nagpatinag. "Tumahimik ka." "Ganyan mo ba tratuhin ang Fiancee mo, Zelan?" Mataray na tanong ni tita. Kailan pa ba matatapos itong gulo na'to? Sadali na ba ako para matapos na? Tssk wag na nga. Ngumiti lang si Zelan ng plastic at humarap kay Phina. Anong balak niya? Anong ginagawa niya?! Hayst tama ba naman na halikan niya si Phina sa harap namin? hindi niya man lang naisip ang mararamdaman ko. "Ganyan ko siya tratuhin, mom." Ngumiti siya ng pilyo. "Anong ginawa mo?!" Tumaas ang boses ni Phina at si sabay tulak kay Zelan. "Markahan ko lang naman ang territory ko." Nakangiting pilyo na sinabi niya iyon at hinila si phina sa labas ng dining. "Wala ka talagang modo! Bumalik ka dito! akala mo dito lang matatapos ang lahat! Zelan!" Kahit ano pang sigaw ang gawin ni tita hindi parin lumilingon yung dalawa at mas binilisan pa ang paglalakad. Sa ginawa ni Zelan, nagulat talaga kaming lahat pero mas nagulat ako at nasaktan dahil sa nakita kong harap-harapan niyang hinalikan si Phina. "Okay kalang, Kurt?" "Hindi." Walang ganang sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD