[Panunuyo]

2688 Words
"Phina! bakit ang bilis mo maglakad?" Tanong ni Zelan kay Phina. Kanina pa kasi ito nakasunod rito at parang wala rin ito sa mood magsalita. "Tinatanong mo'ko kung bakit?" Huminto ito at hinarap si Zelan na nagkasalubong ang mga kilay. "Ano ba kasi ang problema mo?" medyo mahina na tanong niya rito. Nasa labas sila ngayon at nakasunod din sa kanila sina kurt and Rhitt. "Anong problema ko? ako dapat mag tanong niyan! ikaw anong problema mo at bakit basta-basta ka nalang nanghalik? Anong tingin mo sakin bagay na walang pakiramdam na hindi mo na kailangan magpaalam kung gagamitin mo?" Halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Phina habang si kurt naman mukhang natauhan sa narinig at hindi narin ito makapagsalita. "So... sorry, Phina. Wala lang talaga akong choice kanina kundi halikan ka" Namumuo ang galit sa puso at isip ni Phina kaya hindi niya magawang pakinggan ang paliwanag ni Zelan. "Ang galing mo naman mag rason." sarcastic na sabi nito." Noong first kiss natin, pinalampas ko yun dahil hindi naman yun sadya, tapos yung pangalawang kiss natin wala akong magawa dahil nagalit ka at kasalanan ko yun kaya mo'ko hinalikan at yung kanina sa harap ng mama mo at sa mga kaibigan mo, alam kong sadya mo talaga yun at ang malala pa doon, wala iyon sa usapan natin. Tutulungan kita na magpanggap na may tayo sa harap lang ng mga magulang mo pero wala sa usapan na hahalikan mo'ko! Ano nalang iisipin nila?" galit at halos mapasigaw na ito. Nagulat ang dalawa sa narinig at nagsimula na itong magbulungan. "Narinig mo ba yung sinabi ni Phina? Pangatlong kiss na nila yun? haha grabe nakakagulat!" Bulong pa ni Rhitt pero narinig iyon ni Phina kaya nakatuon ngayon sa kanya ang attention nito. Napalunok lang ng laway si Kurt ng makitang maluha ang babae. Hindi alam ni Kurt kung anong gagawin niya dahil gulat parin ito sa nakita kanina. Masakit para sa kanya ang ginawa ni Zelan pero wala itong nagawa dahil alam niya sa sarili niya na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ni Phina rito. "Oo. Pangatlong kiss na namin iyon, gusto mo dagdagan ko pa?" Sarcastic na sabi ni Phina. Napayuko bigla si Rhitt dahil sa sinabi ng babae. Si Zelan naman na kanina pa pinapawisan dahil sa kaba na baka kung anong magawa ni Phina sa kanya lalo pa't nakita niya ito kung paano magalit noong magkasama pa sila sa gubat. "Phi-phina. Sorry." "Wag na wag mokong kausapin, Zelan! At ito ang tatandaan mo, kahit ganito lang ang Itsura ko, may respeto din ako sa sarili ko. Sana maintindihan mo ang sinabi ko." Matigas na sabi niya habang nakatutok ang daliri kay Zelan. Napabuntong hininga nalang ito habang iniisip kung bakit nga ba nito nagawa ang bagay ganoong bagay. "Grabe ang lupit talaga ni Phina! Siya pa ata ang babaeng nagpatumba sa pride ni Zelan! HAHAHA!" proud na sabi ni Rhitt. Nakakatakot namang tiningnan siya ni Zelan dahil sa sinabi nito kaya biglang nanahimik ito. kapag gano'n kasi ang tingin ni Zelan sa kanya, senyales na iyon na dapat kanang manahimik. Napangiti naman si Kurt dahil sa sinabi ng kaibigan. "kaya mas lalong nagugustuhan ko siya." bulong ni kurt. "Nakakatawa yun?" Dagdag pa ni Zelan. Napalunok nalang ng laway si Rhitt habang si kurt patagong tinawanan ang dalawa. "Sorry sadya" pang-aasar pa neto at tumawa ulit habang naka- peace sign. "Hey, tama na nga yan. Ang mabuti pa, pumunta nalang tayo sa restaurant mo Rhitt para makapag-isip ng paraan kung paano mapatawad ni Phina si Zelan." Tumango si Rhitt mukhang nakuha niya ang punto ni Kurt. Natahimik si Zelan at nagkasalubong na naman ang mga kilay. "Zelan, Nyari na naman sayo?" Nilapitan ito ni kurt at inakbayan. Tumingin lang siya sa mga mata ni kurt pero ganon parin ang mukha niya. "Sino ba yang Phina nayan at bakit kailangan ko talaga magpakahirap para mapatawad niya ako?!" Napalakas ang boses niya dahilan ng pagkagulat ni Rhitt. "Ano? bakit parang ikaw pa yung galit ngayon? Kung ako naman talaga sa situation ni Phina, magagalit talaga ako." confident na sabi pa ni Rhitt. "Ako din." Pagsang-ayon din ni Kurt sa kanya. Tumingin si Zelan sa kanilang dalawa at naunang maglakad. Wala ito sa mood upang kuntrahin ang sinabi ng dalawa kaya minabuti nalang nito na umalis. "Hoy! Zelan! Ayaw mo ba makipag ayos kay Phina?" Ang lakas ng sigaw ni Rhitt kaya napatigil ito. Hinintay niyang maabutan siya ng dalawa at nanatili sa kinatatayuan niya. "Alam niyo, kung gusto niyong makipag ayos sa kanya, go ahead! Wag kayong mandamay ng iba." galit at halos mapasigaw na sabi nito. "Bakit kasi palagi ka nalang ganyan kapag si Phina ang pinag-uusapan?" Tanong ni Rhitt. "Obvious naman, may gusto siya kay Phina." Napalingon si Zelan kay kurt at akmang babatukan niya ito. "Hey! Bakit ka galit? Totoo naman ah." dagdag pa nito. Naiinis si Kurt kay Zelan dahil sa inasta nito. Napakunot ang mga kilay nito habang nakatingin kay kurt. "ewan ko sa inyo!" halatang pinipigilan niya ang sarili na huwag saktan ang kaibigang si kurt. Tumalikod ito at pinag-patuloy ang paglalakad. "Kung ayaw mo talaga makipag-ayus kay Phina at aminin na may gusto ka sa kanya... liligawan ko na talaga siya." Matapang na sabi ni Kurt. Napatigil ito, tinikom nito ang kamao at huminga ng malalim. "Ligawan mo kung gusto mo! tsaka wala akong feelings sa chubaka na iyon!" pasigaw na sabi nito. "Chubaka? ganoon nalang ba talaga ka baba ang tingin mo kay Phina? Eh sa pinapakita mong attitude ngayon, halatang may gusto ka sa kaniya." Seryuso ang tuno ng pagka-sabi ni kurt na siyang ikinagulat ng mga kaibigan nito. "Maganda si Phina at wala nang mas gaganda pa sa kaniya." dagdag pa nito. "Maganda na yan sayo? Pfft! Palibhasa ang weird ng taste niyo sa babae! Same vibes talaga kayo ni Rhitt, mga werdo!" Umalis siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Yung dalawa naman, mukhang nasisiyahan sa pang-iinis kay Zelan. "grabe ang tigas talaga ng puso ni Zelan, halatang kinulang sa aruga. BWAHAHAHA!" sabi ni Rhitt na kung tumawa parang halimaw. " Maganda naman talaga si Phina, sa tuwing naiisip ko nga siya mas lalo akong kinikilig." dag pa ni Rhitt na abot hanggang tenga ang ngiti. "Teka, may Gusto kana rin kay Phina?" Napatigil sa pag-ngiti si Rhitt at itinuon ang attention kay Kurt. kinakabahan ito at hindi mapakali "kilala mo naman ako, diba? hindi ko type ang mga kagaya ni Phina, kaya don't worry hindi ako magiging ka rival niyo ni Zelan." Matinong sabi nito at tinapik-tapik pa ang balikat ni Kurt. "So... wala ka talagang gusto kay Phina?" Panigurado ni kurt. Tumingin si Rhitt sa mga mata niya at walang pag-aatubiling sumagot. "Syempre meron!" proud na sagot niya. "Sabi na eh. Kahit kailan talaga hindi ka mapagkakatiwalaan." Malalim na ang gabi at gising parin si Zelan. Hindi ito makatulog dahil sa kakaisip kung paano siya mapatawad ni Phina. Nakaupo si Zelan ngayon sa swivel chair habang may hawak na phone at kanina pa ito umiinom ng kape, siguro pangatlong baso na niya iyon. "Tulog na kaya siya?" "Tssk anong gagawin ko? bakit ko ba kasi ginawa iyon?" "Siguro matulog nalang ako at bukas ko nalang siya suyuin." " Tama! Matulog nalang ako." Parang baliw na kinakausap nito ang sarili. Pabalik-balik niyang ginagawa iyon. May tatayo at uupo na naman tapos palakad-lakad. kahit siya hindi nito maintindihan ang sarili kung bakit siya nagkakaganon. [Zelan's Pov] " Zelan, gising na. Samahan mo'ko, may pupuntahan tayo." nakangiting sabi ni Phina. Ugh, mabuti sana kung ganito palagi ka-sweet ng baby Phina ko. Teka, hindi na siya galit sa'kin? Baka nga hindi na siya galit. Ano ba....? Ang ganda ng boses niya parang Angel na nakaka in love... "Zelan! Tumayo ka na nga!" Napabalikwas ako ng tayu ng ma-realize na ang buang na Rhitt pala yung nagsasalita. Puta panaginip lang pala iyon. Awkala ko si Phina! Hayst ano bang nangyayari sa'kin? bakit Kahit sa panaginip ko mukha niya parin ang nakikita ko? "Tangena, Rhitt. Gusto ko pa matulog!" Nagdadabog ako dahil ang hapdi pa ng mata ko. Siguro mga 15 minutes palang ako nakatulog. Hala! 15 minutes lang ang tulog ko? hayst baka pumangit na ako nito at mas lalong aayawan ako ni baby Phina! "Hoy! Bumangon kana! Kanina kapa namin hinihintay ni kurt!" Puta! ang lakas ng boses. Gusto ko na talagang itapon sa basurahan ang buang na Rhitt na'to nakaka-umay na. "Bakit at Saan tayo pupunta, tsaka anong occasion?" Tumayo na ako at pumunta sa cr. By the way sa sofa ako natulog kasi naman hindi kami bati ni baby Phina kaya nahihiya akong matulog sa kwarto kasama siya. Bwesit, bakit kasi iisang kwarto lang ang meron sa apartment na'to! poor. Pero teka, ang kapal! Ako yung may ari pero ako pa yung natutulog sa sofa tapos siya sa kama ko natutulog? Tssk. "Basta, may pupuntahan ka" Ani Rhitt. Hindi ko alam kung anong balak nila basta susunod nalang ako sa kung ano man ang sasabihin nila para wala nang gulo. Tapos na akong mag ayos kaya lumabas na ako. Kanina pa ata sila naghihintay sa labas pero wala akong pake hindi ko naman sinabi na pumunta sila dito. "Zelan, ang gwapo mo ngayon" Mahinang sabi ni Cendy. Nakatingin din sa akin sina Kurt and Rhitt pati narin si Phina. Ano ba kasi ang plano ng dalawang 'to at bakit nandito din ang bwesit na Cendy na ito? Hindi ko pinansin ang sinabi ni Cendy. Nilampasan ko ito at dumeritso sa kinatatayuan ni Phina. "Gwapo mo ngayon, Lan." Nakangiting sabi ni Kurt. Parang bakla! "Wow! purmado ah!" Bwesit ka Rhitt, nakakaasar kana! Tumingin ako kay Phina na parang hinihintay ko ang komento nito sa akin. Ewan ko pero umaasa akong mapansin nito ang suot ko. Hayst Huwag ka nang umasa Zelan. "Ano ba kasing gagawin? At bakit ka nandito?" Si Cendy ang tinutukoy ko. Humarap ako sa kanyan na nakakunot ang noo, nakaka-bad trip lang! "Ahmm..." "May date kayong dalawa!" Biglaang sagot ni Phina. Nanlaki ang mga mata ko at parang hindi ako makagalaw dahil naninigas ang mga benti at kamay ko nang dahil sa galit. Nagulat ako don, akala ko ba tutulungan niya akong maiwasang mangyari ito pero bakit parang tinulak pa niya ako papalapit kay Cendy? "Ha? Anong date?" Balik na tanong ko. Pakiramdam ko natabunan na ako ng langit at lupa sa narinig ko at mula pa talaga kay Phina. Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit nadismaya ako? "Date! Hindi mo alam iyon?" Pilosopong sabi ni Rhitt. "Syempre alam! Pero bakit ako makikipag date sa kanya? Ni hindi ko nga kilala ang babaeng 'to! At isa pa, hindi kayo ang dapat magdedesiyion para sa akin kung sino ang i de-date ko!" Nakita kung namumuo ang luha sa mga mata ni Cendy. Pakiramdam ko tuloy masama akong tao. Hindi ko naman ugali ang magpaiyak ng babae, oo iniiwasan ko sila para hindi ko masaktan ang feelings nila. "Sige na, Zelan. Ano bang problema sa pakikipag-date? Kakain lang naman kayo sa labas at manonood ng movie, yun lang!" Pamimilit ni Rhitt sa akin. Hindi ko na alam kung kaibigan ko parin ba sila, alam naman nila na ayuko kay Cendy pero bakit nila ako tinutulak papalapit sa babaeng'to? Bumuntong hininga lang ako at tumingin kay Phina na kanina pa tahimik. Hinihintay ko na pagilan niya ako pero parang mas gusto pa talaga niyang sumama ako. Wala naman akong magagawa kasi wala naman kaming connection at isa pa hindi ko naman alam kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. "Enjoy." Sabi ni Phina sa malakas na boses. Mas lalo akong nasaktan dahil don pero wala na akong magawa, sa kanya na mismo nanggaling na wala na talaga akong pag-asa. Bumuntong hininga nalang ako. "Hindi kana galit kay Zelan?" Tanong naman ni Kurt kay Phina. Mahina ang boses niya, tama lang upang marinig ko. "Hindi. Bakit naman ako magagalit sa kanya." Medyo mahina pero rinig ko parin ito. Nakangiti ang puso ko ng marinig ko ang mga salitang iyon, hindi ko alam bakit pero masaya akong malaman na hindi na siya galit sakin, pero totoo ba? mukhang napilitan lang siya na sabihin iyon. "Sorry... Nabigla lang ako sa nangyari kaya kung ano-ano nasabi ko." Sa akin ba siya nanghihingi ng sorry? Grabe ako na nga may kasalanan pero siya pa nagpakumbaba. "Enjoy kayo sa date niyo, pasok lang muna ako." dagdag pa nito. Tssk anong nangyari don? totoo bang hindi na siya galit sa akin, o baka naman pinipilit lang nito ang sarili? Hayst bahala na nga, pake ko ba sa babaeng iyon? Bwesit! Ang boring naman! Kanina pa kami palibot-libot dito sa plaza, ang sakit na ng mga paa ko! Ito lang ba ang alam ng babaeng 'to? Maglakad at kumain? Date na ba ito para sa kaniya? Tssk, buti pa kasama si... Phina. "Huh?" "W-wala." Puta muntik na 'yon ah. Nabanggit ko pala ng malakas ang pangalan niya. Ano bang iniisip ko. "Zelan! Nood tayo Movie."yaya nito sa akin. Nagpapa-cute, hindi naman cute! "Ayuko." Walang ganang sagot ko. Pagod na kasi ako kakalakad buong maghapon tapos manonood pa kami ng movie? Hayst gusto kona nga matulog muna dahil sa subrang pagod. "okay" Nakasimangot na sabi niya. Hindi na kita pagbibigyan, kanina kapa nakakainis na! Halos maga-alas seyete traenta y saes (7:36) na nang gabe ng makauwi kami. Hinatid ko narin si Cendy sa bahay nila bago ako umuwi. Malayo pa man, rinig ko na ang tawanan nina kurt and Rhitt mula dito sa labas ng apartment. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi nila ako mapansin. Puta ang kakapal ng mga mukha nila, nagsasaya sila habang ako sumasakit ang ulo dahil sa bwesit na Cendy na iyon at dito pa talaga sa apartment ko mismo. "...alam mo kung anong nangyari?" Narinig kong sabi ni Kurt. Nasa Sofa silang tatlo ngayon kasama si Phina at magkatabi pa talaga sila ni Kurt huh?! Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at napatigil ako ng makitang inilapit ni Kurt ang bibig niya sa mukha ni Phina. "Phina!" sigaw ko sabay hablot ng kamay nito at hinila papunta sa akin, Mukhang nagulat naman si Kurt dahil sa ginawa ko. "Zelan, nandito kana pala!"– Rhitt "Musta ang date niyo ni Cendy?" tanong ni Kurt na para bang walang nangyari. "Anong balak mo?" Tanong ko pabalik kay kurt. Napanganga lang ito at mukhang hindi niya na gets ang tanong ko. "Anong ibig mong..." Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita pa. "Plano mo bang pagsamahin kami ni Cendy buong araw para masulo mo si Phina? Akala mo ba hindi ko nakita yung ginawa mo?" Galit na tanong ko, pansin ko namang pinipigilan ni Rhitt ang hindi matawa kaya tinakpan nito ang bibig gamit ang kamay nito. "Bakit anong ginawa ko?" medyo natatawa na tanong ni kurt, nakakainis! Siguro plano talaga nila 'to! "Yung muntik mo nang halikan si Phina! Huwag ka ngang mag maang-maangan!?" "Ha?!" tanong nila na halos sabay pa talaga. Tumawa nang malakas si Rhitt at natulala naman si Phina habang natatawa si Kurt pero pinigilan niya ito. "Huwag mong sabihin... Nagseselos ka?" Tanong ni Rhitt na may halong pang-aasar. Lumunok ako ng laway ng makailang beses bago sinagot ang tanong ni Rhitt. "Ba-bakit naman ako magseselos?" "tssk." rinig kong sabi ni Phina. Nakangiti ito at hindi ko alam kung bakit. Pinag-kakaisahan ba ako ng mga baliw na ito? "Nag-lalaro lang kami." Dagdag pa nito. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako no'ng marinig na nagpaliwanag si Phina, ibig sabihin ba nito may gusto rin siya sa akin? aasa na naman ako nito. " oii Nakangiti oh." asar ni Kurt and Rhitt sa akin. Hindi ko namalayang abot hanggang tenga na pala ang ngiti ko. "Gago, sasaya lang ako kung mapapatawad na ako ni Baby Phina." "Hoy! Baby daw BWAHAHAHA!" Sabay asar nina Kurt and Rhitt sa akin. "hindi naman ako galit." Sabi naman ni Phina na mas lalong kinalaki ng ngiti ko. Grabe ang saya ko ngayon, nawala lahat ng pagod at sakit ko sa katawan at napalitan iyon ng ngiti. "Alam kong masakit pero kailangan kong maging masaya para sa inyo ni Phina dahil kaibigan kita." –kurt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD