bc

APPRENTICE TO LOVE YOU

book_age18+
16.3K
FOLLOW
73.3K
READ
billionaire
CEO
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
office/work place
sassy
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Lopez Engineering Firm Series #1

Gelo and Mitz story.

They are my side characters in The Player's Fallback.

Dahil isa s'yang menopausal baby, itinatak ni Mitz sa isip na hindi na lang s’ya mag-aasawa para may kasamang tumanda ang Mama n’ya. Marami s'yang crush. At lahat sila ay pantay-pantay sa puso n'ya dahil hanggang doon na lang naman ‘yon. Hanggang crush lang dahil nga wala s’yang balak magboyfriend at mas lalo na ang mag-asawa. But everything changed when she met Engineer Gelo Lopez, ang kaisa-isang Kuya ng matalik n'yang kaibigang si Kira. Hindi n'ya ito crush pero hindi rin ito maalis sa isip n'ya. Kung hindi crush, ano nga kaya si Gelo para sa kanya?

chap-preview
Free preview
SIMULA
PROLOGUE December 07, 2015. 10:30 PM Dear Diary, Alam mo ba kung ano ‘yung nakakainis? Ikaw! Kasi kahit anong sulat ang gawin ko sa'yo, hindi mo naman ako pwedeng bigyan ng advice tungkol dito sa nararamdaman ko! Nakakasawa ka na! Sawang-sawa na akong makipag-usap sa isang notebook na bukod sa mahirap na ngang itago sa bag dahil sobrang laki, tapos masyado pang pansinin ang cover! Nakakasawa, sa totoo lang! Nakakasawa na talaga! PS. Joke lang, Diary. Hindi ako galit sa'yo. Galit ako sa tadhana! Alam mo kung bakit? Kasi may kapatid pala si Kira, ‘yung bago kong kaibigan! Tanda mo pa s'ya? Iyong babae na sa sobrang ganda at kinis, parang gugustuhin mo na lang magbigti kasi feeling mo masyadong unfair ang mundo para sa isang kagaya mong kahit magkulong yata sa bahay ay hindi pa rin puputi at kikinis katulad n'ya! At oo, Diary! Tama ka sa iniisip mo kung meron ka man ‘non! May Kuya s'ya! May Kuya si Kira! At imaginin mo na lang kung gaano kagwapo! Sige! Bahala ka d'yan mabaliw! Damayan mo akong mabaliw dito! PPS. Matutulog na talaga ako, Diary. Totoong-totoo na talaga ito! Goodnight! *** December 07, 2015 11:45 PM Hi, Diary! Nagising lang ako para umihi. Hindi ko iniisip iyong Kuya ni Kira. ‘Wag mo ‘kong husgahan! Naiihi lang talaga ako. Hindi ako napupuyat dahil sa kakaisip kung anong shampoo ang ginamit n’ya sa buhok n’ya kaya sobrang bango! PS. Goodnight, Diary. Matutulog na talaga ako, este, tapos na akong umihi kaya babalik na ako sa pagtulog. *** December 08, 2015 01:15 AM Hello, Diary! Umihi ulit ako kaya ako nagising ulit. Hindi ko alam kung bakit ako ihi ng ihi ngayong gabi. Sa susunod nga hindi na lang ako iinom ng tubig bago matulog! Ang hassle! Grrr! *** December 08, 2015 04:30 AM Good morning, Diary! Haaay! Ang sarap ng tulog ko kagabi! PS. Joke lang, Diary. Ang totoo, hindi talaga ako nakatulog. Birthday kasi ngayon ni Kira at ininvite n’ya ako sa bahay nila. Ibig bang sabihin ‘non makikita ko ulit ‘yung Kuya n’ya?????? *** December 08, 2015 01:15 PM Dear Diary, Mamayang 4:00 PM pa ang party pero nakaligo na ako. Hindi ako excited, ‘wag kang magulo! Baka lang makatulog pa kasi ako ngayon! Maganda ‘yon para fresh na fresh ako mamaya ‘di ba? Hindi ako magmumukhang panda sa harapan ni Gelo. PS. s**t, Diary! Mukhang iba ang tama ko sa Gelo na ‘yon. Hindi naman s’ya nalalayo kay Triton Aldana kaya baka crush ko lang din? Sa tingin mo, Diary? Crush ko o crush ko? Pero bakit hindi ko s’ya matingnan sa mga mata?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook