Chat

988 Words
Nang makauwi si Gelo ay tumulong lang akong mag-ayos sa ibaba bago naligo para makapag pahinga na para sa ayaw na ‘to. Masyadong maraming nangyari sa araw na ‘to kaya hindi lang katawang lupa ko ang pagod kundi pati ang isip ko. Nang matapos akong maligo at handa nang matulog ay napatingin ako sa phone ko at agad na naisip ang sinabi ni Gelo kanina. “Reply to my chats…” Natulala ako nang paulit-ulit kong maalala ang mga sinabi n’ya kanina. Tulala pa rin ako habang unti-unting inaabot ang phone ko sa ibabaw ng kama. Minemessage n’ya ba ako kahit na hindi ako nag-oopen ng f******k? At ano naman kayang mga sinasabi n’ya? Dahil sa sobrang curiousity ko ay agad na binuksan ko ang account ko na sa sobrang tagal na hindi ko na-open ay nakalimutan ko na ang password! Halos pagpawisan na ako sa kakarecover ng password ko kaya inabot ako nang halos hanggang alas onse ng gabi para lang mabuksan ‘yon! Sa sobrang daming chats doon ay agad na hinanap ko ang pangalan ni Gelo at inopen ang message n’ya. Napasapo pa ako sa bibig nang makitang lahat yata ng mga holidays ay binati n’ya ako! Ang pinakahuli n’yang message ay three days ago. Kier Angelo Lopez: I’m coming home. Congrats for getting the job at the foundation. Ilang beses pa akong natulala sa message n’ya bago tuluyang nagulat nang may bagong chat na nag-appear kaya nahigit ko ang hininga sa gulat. Kier Angelo Lopez: Why are you still up? Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mabasa ang chat n’ya. Inisip ko pa kung rereplyan ko pa o ano. Pero nireplayan ko na rin dahil nakita n’yang online ako! Alangan namang snobin ko pa? Maganda ba ko? Hmp! Me: Ah… kakahiga ko lang. Nag-ayos pa kasi sa baba. Nang ma-send ko ‘yon ay inisip ko pa kung tatanungin ko rin kung bakit gising pa s’ya. Pero baka isipin n’ya naman ang pakialamera ko! Ilang sandali lang ay nakita kong nagtatype na s’ya ng reply sa akin. Hindi ko maialis ang mga mata ko doon habang hindi lumalabas ang reply n’ya. Kier Angelo Lopez: Me too. Just laid down on my bed. Tumango-tango ako nang mabasa ang reply n’ya. Magrereply na sana ako para magsabing matutulog na pero muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko nang mag-send s’ya ng picture n’ya na nakahiga sa kama! Literal na napalaki ang mga mata ko at sunod-sunod na napalunok dahil kitang-kita ko ang dibdib n’ya na nakabalandra sa picture na sinend n’ya! Sa sobrang puti n’ya ay mahihiya talaga ang kahit na sino na tabihan s’ya! Kahit yata hindi maligo ang isang ito ay malinis at mabango pa rin tingnan! Agad na ibinaba ko ang phone at bumaba sa kama para lakasan ang electric fan dahil parang biglang naging maalinsangan ang paligid kahit na kakaligo ko lang! Nang mahimasmasan ay agad na kinuha ko ang phone at saka nagreply sa kanya. Me: Tulog ka na. Good night. Agad na ipinilig ko ang ulo ko dahil hindi mawala sa isip ko ang picture na sinend n’ya. At bakit naman kailangan n’ya pang magsend ng picture sa akin? Hindi naman ako humihingi ng ebidensya kung totoo ang sinabi n’yang nakahiga na s’ya sa kama ah? Bakit kailangan pang mag-send? Gano’n na ba talaga ngayon? Uso na ba ngayon ang mag-send ng pictures kapag matutulog? Magsesend din ba ako ng sa akin? Dapat ba mag-send din ako? Napakamot ako sa ulo at saka litong-litong tinitigan na naman ang panibagong reply n’ya. Kier Angelo Lopez: Do you usually sleep late? Napanguso ako nang mabasa ang reply n’ya at agad na nagreply. Me: Ah… ngayon lang naman. O kaya kapag may kailangang tapusin na projects. Pero dahil bakasyon na, maaga na siguro akong matutulog parati. Nang ma-send ko ang reply sa kanya ay humiga na rin ako sa kama. Saglit lang ay nagreply na kaagad s’ya kaya napapakunot ang noo ko. Wala bang ibang ka-chat ang lalaking ‘to? Napakabilis mag-reply! Kier Angelo Lopez: What time do you usually sleep? Napangiwi ako nang mabasa na naman ang reply n’ya. Bakit ba curious na curious s’ya sa oras ng pagtulog ko? Ako nga hindi ko alam kasi iba-iba ng oras! Nagreply ako ng mabilis. Me: Depende. Iba-iba ng oras. Depende sa trip ng mga mata ko? Hehe. Nakita kong nag-react s’ya sa huling message ko ng nakatawa na emoji kaya nakagat ko ang ibabang labi ko at inisip na hindi na s’ya magrereply ulit pero nagreply pa rin s’ya. Kier Angelo Lopez: If you sleep at around this hour, I’d be able to chat with you before you go to bed. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang reply n’ya. Nagloading pa ang utak ko kaya hindi ako nakareply kaagad. Ilang sandali lang ay may follow up message na s’ya. Kier Angelo Lopez: I mean, when I am already in England. Since the time here is 8 hours ahead. Umawang ang bibig ko nang mabasa ang huling message n’ya. Natulala ako at pilit na pinroseso sa isip kung bakit n’ya ‘yon sinasabi sa akin. Nang maisip ay nakagat ko ang kanang hinlalaki ko bago nag-type ng message sa kanya. Me: Magchachat ka kahit nasa England ka na? Ilang beses na napalunok ako bago lakas loob na pinindot ang send! Hindi ko alam kung bakit kabadong-kabado ako habang hinihintay ang reply n’ya. Kier Angelo Lopez: Why? You don’t want to? Napatanga ako sa screen ng phone nang mabasa ang reply n’ya. Hindi ko alam kung paanong sasagutin ‘yon! Diyos kong mahabagin! Dapat talaga hindi na ako nag-open ng f******k! Mukhang hindi ako makakatulog na naman sa kakaisip sa bwisit na usapan namin na ito! Ilang sandali lang ay nagchat ulit s’ya at muntik na akong atakihin sa puso nang mabasa iyon! Kier Angelo Lopez: Even if you don’t want to, I will still chat. That’s what boyfriends usually do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD