Entry: December 08, 2015

222 Words
December 08, 2015 10:45 PM Dear Diary, Kanina pa ako nakauwi galing sa party ni Kira, Diary… pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa nangyari kanina! Hindi na kasi tumigil si Gelo sa kakatingin sa akin simula noong nahuli n’ya akong nagsasalamin sa kotse n’ya! Ano bang problema ng Gelo na ‘yon, Diary? Halata namang natatawa lang s’ya sa nangyari kanina pero bakit buong party tingin s’ya ng tingin sa akin? Hindi tuloy ako nakapag-uwi ng paborito kong lumpiang shanghai, Diary! Kasi baka mahuli n’ya ako at sabihin n’yang ang patay-gutom ko! Nakakainis! Sana bumalik na ulit s’ya sa England bago pa magkaroon ng susunod na party sa bahay nila Kira! PS. Nahuli ko s’yang may kausap na magandang babae sa tabi ng pool. Girlfriend n’ya kaya ‘yon, Diary? Sa tingin mo ba may pakialam ako kung girlfriend n’ya man ‘yon? Ahh basta! Sana bumalik na ulit s’ya sa England. Hindi ako makakilos ng maayos kapag nasa paligid s’ya. *** December 08, 2015 11:11 PM HOY, DIARY!!!!     In-add lang naman ako ni Gelo sa f******k, Diary!!!!!!!!!!!!! I-aacept ko ba o magpapanggap na lang ako na inaamag na ang f******k account ko dahil hindi ko nabubuksan??? PS. Napindot ko ‘yung ignore button kaya sa sobrang taranta ko, na-sendan ko s’ya ng friend request at in-accept n’ya kaagad, Diary!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD