Hope

2288 Words

“Mitz, puntahan mo muna si Gelo sa conference room sa baba. Kumuha ka ng minutes para sa meeting n’ya,” utos ni Ma’am Claudette sa akin pagkadating na pagkadating pa lang n’ya sa opisina. Mukhang nagmamadali s’ya kaya agad na napatayo ako at kumuha ng mga gamit para sa gagawin kong pagsusulat ng minutes. “Ngayon na po ba?” tanong ko pa. Nakita kong napatingin s’ya sa wall clock at agad na tumango sa akin. “Oo sana. Okay lang ba? Ako sana ang pupunta, kaso pinapatawag ako ng asawa ni Chairman kaya walang kukuha ng minutes sa meeting ni Gelo. Kayang-kaya mo ‘yon. Isusulat mo lang ‘yung mga mahalagang pag-uusapan sa meeting nila tapos ibigay mo kay Gelo mamaya pagkatapos,” mabilisang sabi n’ya habang may kung anong documents na hinahanap sa table. Tumango ako kahit di naman s’ya nakatingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD