Later

1765 Words

“What’s wrong?” Kunot ang noong tanong ni Gelo nang bumitaw ako sa hawak n’ya nang palapit na kami sa gitnang bungalow kung saan nandoon na rin sina Vaughan. Mukhang naghahanda na kasi ang mga staff para sa dinner kaya siguro tumigil na sila sa pag-inom. Tiningala ko s’ya at saka umiling. “Ahm, nandyan na kasi sila…” sagot ko at nginuso ang gawi ng mga kainuman n’ya kanina. Tumingin din s’ya doon at saka ibinalik ang tingin sa akin. Nag-init ang pisngi ko nang nagtagal ang titig n’ya sa akin. “You’re not used to people seeing you with someone?” tanong n’ya kaya lalong nag-init ang mga pisngi ko at hindi nakasagot. “Or you aren’t just comfortable because it’s me?” dagdag n’ya kaya agad na umiling ako. Tumaas ang kilay n’ya. “H-hindi,” sagot ko. “Hindi lang ako sanay na may… ka-holding

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD