JERICHO
Kanina pa akong nakababa ng sinakyan kong jeep mula sa amin. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga pangyayare kanina. Nakipagtalo at nakipagbangayan lang naman ako sa babae. Bihira iyon pero pag-alam kong nasa tama ako ay pumapatol talaga ako. Wala akong pinapalampas. Kahit sabihin na bastos ako at walang modo basta ipaglalaban ko pa rin ang karapatan ko. Lahat naman tayo ay may karapatan na ipagtanggol ang ating mga sarili lalo pa kung inaagrabyado tayo.
No'ng nakasabay ko siya uli ay masaya akong makita siya. Sinadya ko uling magkatabi kami. At sa part na binabasa ko ang mga text niya ay aminado akong mali iyon. It was a wrong move. Siguro ay naging desperado lang ako ng mga oras na 'yon.
Chance ko na sana iyon para makilala ang babaeng nakasabay ko sa jeep kagabi at naging interesado ako. But it turn out to be disaster. Nasundan pa ng nasa jeep ulit kami. Paano pa ako makakalapit sa kanya? Paano pa ako makaka-iskor? Eh, halos kumota na ako sa isang araw. As in twice in a row. Minuto lang ang pagitan. Mukhang bad shot na ako sa kanya.
But one thing I have discover about her is palaban din ito. Hindi rin ito nagpapatalo. Ang layo nito sa babaeng mala-anghel at mahimbing na natutulog sa tabi ko kagabi. Kung gaano ikina-amo ang mukha nito ay siyang kabaliktaran naman ng personalidad nito. Kahit parang hindi ito makabasag ng pinggan. She has this strong personality na hindi mo aakalain.
Hindi ko alam kung magkikita o magkakasabay pa kami. She already had me on the night that I first meet her. Pero gusto ko pa rin siyang makilala. I want to know her more. Kahit alam kong may nabuo ng bad impressions tungkol sa akin.
JERICHO
Lulan na ako ng MRT papuntang Ortigas kung saan ako nagtatrabaho bilang isang Consultant sa isang Advertising firm doon. Medyo pressure at stressful ang trabaho minsan pero kaya naman. Ang mahirap lang ay pag-nagkasabay-sabay ang mga hinahawakan kong mga projects na kailangan ng consultation ko. Pero so far ay manageable naman at nakakaya ko pa. And the same time ay nag-eenjoy naman ako sa trabaho ko.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa nang maramdaman kong nag-vibrate iyon. May tumatawag. Medyo maluwag na sa MRT kaya agad kong nasagot ang tawag.
Si Gio!
Ang isa sa kasama ko sa trabaho. Isa rin itong Consultant pero ibang firm naman ang hawak nito.
"Oh, brad napatawag ka," sabi ko nang marinig kong nagsalita ito sa kabilang linya.
"Asan ka na?" tanong nito.
"I'm on my way na. Nasa Santolan Station na ako. Why?" tanong ko.
"Kakadaan lang ni Mr. Chan at biglang nag-aya ng lunch mamaya. Libre niya raw." Inform nito sa akin.
"Himala? Anong nakain no'n ba't biglang nag-aya?" tanong ko pa.
Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi ni Gio. Eh, sa sobrang kunat ni Mr. Chan ay never itong mag-aaksaya at gagastos ng walang dahilan. Ni hindi nga ito mahiritan sa sobrang kuripot nito. Akala mo milyon na ang mawawala pag gumastos ito. Palagi na lang nagtitipid na parang andaming utang na binabayaran. First time itong mangyayare. Mukhang may nangyare kaya nag-aya ito ng lunch at treat pa nito. Iba rin.
"Ewan ko ba do'n. 'Wag na nating isipin. Go na lang tayo at baka magbago pa ang isip," ani Gio.
"Kunsabagay minsan lang 'to," sang-ayon ko.
"Sino ba tayo para tumanggi? Eh, grasya na 'yan."
"Basta magpaka-busog tayo mamaya," saad ko. Medyo na-excite ako ng konti dahil do'n.
"Tompak! Sige."
"Okay malapit na rin ako. Bye!" At tuluyan ng naputol ang usapan namin.
Binalik ko muli ang cellphone ko sa bulsa. Napatingin ako bigla sa unahan nang mapansin kong may komosyon na nagaganap. Napangiwi pa ako sa lakas at lutong ng saktong makita kong pinadapuan ng sampal ng babae ang lalaking nakaupo sa tabi nito. Hindi ko kilala ang mga ito at hindi ko rin alam kung magkakilala ang dalawa. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit umabot sa gano'n ang mga eksena. Pero kung pagbabasehan ay parang away mag-jowa lang ang nagyayare. Lovers quarrel lang kumbaga. Hindi ko na inintindi pa iyon. Sakto namang huminto na rin ang tren sa Ortigas Station. Nagmadali na akong lumabas.
MONIQUE
Kakababa ko lang ng MRT at kasalukuyan kong nilalakad ang daan papuntang The Podium kung saan nandoon ang chinese restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Wala na ako sa mood dahil sa lalaking naka-engkwentro ko mula sa amin hanggang Cubao. Parang hinang-hina at lutang akong naglalakad. Buset kasi ang lalaking iyon. Sinira niya ang araw ko. At hindi pa talaga nakontento sa sagutan namin sa shuttle at nasundan pa talaga sa jeep.
Wala akong kamalay-malay na ito rin pala ang katabi ko sa jeep. Kaya pala hindi talaga ako naging gano'n kakomportable at mapakali sa byahe. May demonyo pala akong katabi.
Nangigigil talaga ako pag naaalala ko 'yon. Sarap tadyakan sa mukha. Sinipa ko ang pader sa inis ko. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko.
"Miss, okay ka lang?" Narinig kong tanong ng isang boses pero hindi ako nag-abalang lingunin ito. Sumenyas lang ako ng OK sign para iparating na ayos lang ako.
Nang makabawi ako ay saka ako nagtuloy sa paglalakad. Meron pa naman akong ilang minuto bago ako ma-late. Sakto lang talaga ang dating ko.
MONIQUE
Naka-bihis na ako ng uniform ko. Kahit anong ganda ng make up ko ay hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo ko. Badtrip pa rin talaga ako. Naghahanda na ako pumasok para dumuty.
"Oh, ba't naka-busangot ka diyan?" pansin sa akin ni Samuel ang kapalitan kong visor din.
"Wala," walang gana kong sagot. Nasira na talaga totally ang mood ko. Nawalan ako ng gana na magtrabaho.
"Sus wala raw. Tignan mo nga 'yang mukha mo para kang papatay ng tao," sabi pa nito sa akin.
Napatingin ulit ako sa salamin. Totoo nga ang sinasabi nito. Parang hindi ako 'to. Ibang tao ang nakikita ko. Hindi ganito ang aura ko pag sa trabaho. Nawala ang happy at jolly personality ko.
"Oh, siya break na muna ako," paalam ni Samuel sa akin. Tapos na ang kalahati ng duty nito. At ako naman ang papalit sa kanya sa dining.
Pinilit kong ngumiti at iwaglit ang gumugulo sa akin. Sa trabaho ko bawal ang nakasimangot. Dapat laging nakangiti. Dapat masaya. Dapat positive energy at bawal ang bad vibes. Sabi nga nila sa hospitality industry smile means money. The more you smile the more you attract customer. Marami ang ma-eenganyo kumain pag masayahin ang mga nagtatrabaho. Pumasok na ako sa dining area. Binati pa ako ng mga waiter ko. Tumango lamang ako. May ilang table na rin ang okupado ng mga puro chinese customer. Sigurado madadagan pa iyon dahil almost lunch time na.
Lumapit ako sa may entrance kung saan nandoon ang tumatayong receptionist na si Tyra. Binati niya rin ako ng makita ako.
"Marami bang reservation mo?" tanong ko sa kanya.
"Lima po, ma'am pero dumating na po 'yong dalawa. Nasa table 3 at 7. Tatlo na lang po at lahat naman po confirm reservation. On the way na rin daw po lahat," sagot nito.
Tumango lang din ako. Bumalik ulit ako sa loob at nag-ikot sa dining. Kailangan kong masigurado na lahat ng customer ay nag-eenjoy. Kuntodo ngiti akong lumapit sa bawat lamesa para mag-check kung kamusta ang eating experience nila. At nag-alok ng pwede pang mga kailangan nila. So far so good naman. Maganda ang response ng mga customers lalo na ang chinese.
Aside sa masarap na pagkain at relaxing ambience ay dapat maganda rin ang service. Hindi lang good, dapat excellent para bumalik ang mga customer. At para na rin sa malaking tip. Gusto kong ipakita at makita ng mga tao ko how I entertain and treat customer. Para gayahin nila at maging role model sa may mga pangarap na maging katulad ng posisyon ko.
Nang masigurong okay na ang lahat ay bumalik muli ako sa may entrance. Pero bago pa ako tuluyang makarating do'n ay tinawag ko ang isa sa mga busboy kong si Jomar. Napansin ko kasing nakikipag-usap ito sa isa pang busboy na si Louie. Bawal na bawal ang pakikipag-chismisan while on duty. Lumapit ito sa akin.
"Andaming basong kailangan i-buss out. Warning Jomar, ha?" seryoso kong sabi. Na-gets naman nito ang ibig kong sabihin. Umalis din agad ito at sinunod ang sinabi ko.
Hindi ako gano'n kahigpit at ka-strikto pagdating sa tao ko pero pag work-related na ay ayoko ang tatamad-tamad. 'Yong nag-uusap habang naka-duty. 'Yon talaga ang pinaka-hate ko. Mabait naman ako. Madaling pakisamahan at madaling malapitan sa ibang bagay. Pero professional ako pag sa trabaho. I take it seriously. Ito ang trabahong bumubuhay sa akin so dapat lang na seryoshin at mahalin ko ito. I gave my one hundred and one percent dedication in this job because I love my job.
Tuluyan na akong tumuloy sa entrance. Isang grupo ng mga kalalakihan ang nakita kong nasa bungad. Nag-uusap-usap pa ang mga ito kung kakain.
"Huan Ying!" bati ko sa mga ito sa wikang Mandarin na ang ibig kong sabihin ay welcome. Nakangiti pa ako habang naka-harap sa mga ito. Kaso nawala rin agad ang pagkakangiti ko ng makilala ko ang isa sa mga ito.
Ang lalaking sumira ng araw ko!