Kabanata 1

1060 Words
The night ended so fast. Well, at least for me. Ako lang naman yata ang saling pusa sa dinner na 'yon. After we ate, mabilis akong nagtungo sa aking kwarto. Nahiga agad ako sa aking kama. Napaisip ako. Masakit parin pala. Dala ko pa rin sa puso ko ang sakit. Bakit hindi ako naging katulad ng iba? Mabilis makalimot. I admired those kind of people. Taking everything as a challenge and new beginnings kahit pa nasaktan na sila ng sobra.  Ngunit iba ako sa kanila. People were different. Maybe I am still stuck to those memories  because it was special to me. Pero pagod na ako.  Pagod na pagod.  Kanina habang tinitingnan ko siya parang balewala lang sa kanya ang presensya ko. Parang wala lang sa kanya ang lahat. I want to know why. Bakit niya ako sinaktan? Bakit niya ako iniwan? Nalulungkot ako. Naaawa ako sa sarili ko. Bakit ako humantong sa ganito? Why I am still hurting?  If only I could bring back time. If only I could be the same girl as before. Pero impossible. Hindi ko na mababalikan ang nakaraan. Hanggang ala-ala na lamang ako. Ala-alang nagdulot ng sakit sa puso ko.  ------------------------------------------------------ Disyembre 2013 "Jusko kang bata ka. Bakit ang dungis mo?" bungad sa akin ng nanay-nanayan kong si Nanay Belen.  Nag-aayos na siya ng kanyang lulutuin sa araw na 'yon. May bisita ang Hacienda Fausto. Ang sabi ay anak daw ng Don na uuwi galing pang America. Napalabi ako at tiningnan si Nanay. Masakit pa ang tagiliran ko sa kaniyang kurot. Pumasok ako sa loob ng kusina at naupo roon.  Hindi naman kasi ako magiging madungis kong hindi ako nakipagsabunutan kay Helga. Nakakainis kasi ang babaeng  'yon. Jowa niya nanligaw sa akin kasi break na daw sila tapos ako pa ang may kasalanan. Hay! Naiinis pa rin ako hanggang ngayon. Sa sobrang pikon ko, sinapak ko rin si Joshua-ang jowa ni Helga. "Nanay kasi may umaway sa akin sa school." sabi ko kay Nanay. Ginawa ko pang kaawa-awa ang aking mukha para kapani-paniwala.  Minsan kasi ang hirap na mag-explain.  Napakamot ako sa ulo ko. Alam kong hindi naniniwala si Nanay sa akin. Tiningnan niya lang ako at inirapan.  Kahit ganon, alam kong mahal ako ni Nanay. Spoiled ako sa kanya mula nang mamatay ang totoo kong nanay sa sakit na cancer.  "Hindi ko alam sa iyong bata ka kung saan mo nakuha ang pagiging amazona. Ehh, ang bait-bait nang nanay mo. Hindi makabasag pinggan." sabi niya pa sa akin.  I roll my eyes. Habit ko talaga iyon.  "Eh, bakit po ako pinanganak ng walang tatay Nay? Ano po 'yon, divine gift from heaven." sabi ko kay Nanay. Ngumisi ako sabay alis sa upuan at takbo. Galit na naman si Nanay,  panigurado. Sigurado akong palo ang aabutin ko sa kanya mamaya.  Humihangal ako ng huminto. Disi-syete anyos na ako, at medyo pilya sabi nga ni Nanay. Maganda ako. May lahing German ang tatay ko. Umikot ako sa likod bahay para magtungo sa aming barn. Dito kami nakatira ni Nanay sa loob mismo ng bakuran ni Don Fausto. Mabait ang Don. Pinapa-aral niya ako ng libre sa bayan. Minsan creepy lang siya para sa akin.  Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago nakarating sa mismong bahay namin. Nagulat pa ako ng may makasalubong akong lalaki. Nakakunot ang noo nito,  habang nakatingin sa akin.  Marahil hindi siya makapaniwala sa hitsura ko.  Wala naman akong pakialam.  Nalapitan ko siya at tinanong. "Anong tinitingin mo?" sabi ko sa kanya.  Napangisi siya. Gwapo ang lalaking ito. Matangos ang ilong na hindi gaanong kaputian ang balat. Slim lang din ang katawan niya pero alam kong hindi siya payat. "What are you saying?" sabi niya sa akin habang titig na titig. Ngiting-ngiti siya habang ako ay nakikipagtitigan din sa kanya. Akala siguro ng mokong na 'to madadaan niya ako sa pa-English. Neknek niya.  Lalo pa siyang natawa nang pasadahan niya ako ng tingin. Ni-head to foot pa ako ng mokong.  "You look gross. But you're still cute." sabi pa niya. He patted my head tapos ay umalis na sa harapan ko.  Inambaan ko siya ng suntok. Syempre hindi niya nakita dahil nakatalikod siya sa akin. Totoo nga yata ang sabi ni nanay. Amazona nga yata ako. Sino kaya ang hambog na 'yon? I shrugged my thought off and continued to our house. Naligo muna ako at nag-ayos bago ako bumalik sa mansion para tulungan si Nanay. Nadatnan ko siyang naghahanda na sa mesa. Marami ang niluto niya ngayon. "Nay, dumating na po ba ang anak ni Don?" tanong ko kay nanay habang tinutulungan ko siyang maglagay nang pinggan sa mesa.  Nilingon niya ako at tinanguan.  Minsan nakakainis si nanay kausap. In short, hindi siya chismosa.  Saktong alas sais nang gabi ng dumating ang Don. As usual,  mukhang pagod na naman ito. Nasa may pinto kami ni nanay ng pasadahan niya ng tingin ang buong paligid. At nang dumako ang tingin niya sa akin, I'm sure nakita kong kumislap ang mga mata niya. Ngumiti siya sa akin. Ang creepy talaga ng Don. "Dumating na ba ang anak ko manang?" tanong niya habang pumapasok sa loob ng bahay.  "Opo, Don. Kanina lang pong umaga." sagot nito. Tumango ang Don at umalis. Pero bago pa siya makaakyat sa hagdan ay nilingon niya muna ako. "Sofia, ang ganda mo talagang bata.  Kumusta ang pag-aaral mo?" tanong niya. Kinabahan ako.  Kakaibang kaba.  Sinagot ko siya at tiningnan kahit medyo kinakabahan sa klase ng titig niya sa akin. "Ayos lang naman po." "Mabuti." sabi niya habang paakyat sa hagdan.  Bakit ganoon ang Don sa akin?  Minsan natatakot ako sa kanya.  Kakaiba ang kilos niya kapag kaharap ako.  I shrugged the thought off. Wala lang siguro 'yon. Marahil iniisip niya lang na isa akong anak na kailangan ingatan.  Nakakailang hakbang pa lang ang Don ng may pumanaog sa hagdanan. Napakunot ang noo ko. Marahil ito na ang kaniyang anak na lalaki galing America.  Nang tuluyan ko itong makita ay siya na mang panlalaki ng aking mga mata. Ang hambog na lalaki kanina ay siyang anak ng Don.  Bakit hindi ko naisip 'yon? Minsan talaga slow ako sa mga bagay-bagay sa paligid ko. Napakislot ko ng bigla akong kurutin ni Nanay sa gilid. Tiningnan ko siya. Pinanlakihan niya naman ako ng mga mata at ginaya paalis doon. "Naku kang bata ka. Bakit ganun ka makatingin sa anak ng Don? May galit ka ba do'n? " Iling lang ang sinagot ko sa kanya.  Nakakapagtaka na hindi ko naman kilala ang anak ng Don ng personal pero naiinis na ako sa kaniya.  They said first impression lasts. Totoo kaya 'yon? @SheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD