Chapter 10
Nina Pov
Nawala lahat ng bigat na nararamdaman ko pag katapos ng maikling pag uusap namin ni Trent bago siya tuluyang pumwesto sa starting lane. This is the first time in a long time that I feel appreciated, at dahil pa yun kay Trent. Ewan ko ba pero yung bawat salitang lumalabas sakanya automatic na nakakapag pagaan ng loob ko and I'm thankful for him because of that.
Naka line up na si Trent at Gab, sobrang dami ng mga tao ang nasa gilid ng track na hindi na makapag hintay mag umpisa ang practice game ng dalawa. May mga nag hihiyawan na at nag papalakpakan. Ako naman tahimik lang at seryosong naka tingin sakanilang dalawa, parehas silang magaling pero at the back of my mind nasa rookie stage pa din ang level ni Gab kumpara kay Trent na talagang professional na. Hindi ko tuloy maiwasan mag-alala kay Gab. Bigla naman may tumabi sakin sa pag lingon ko si Earl pala...
"Sino sa tingin mo mananalo Princess?" seryosong tanong sakin ni Earl dahilan para mapa isip ako. "They're both good Earl pero aminin na natin mas malayo ang level ng capabilities ni Trent kumpara kay Gab... don't get me wrong magaling si Gab oo pero I don't feel good about this, lalo na hindi maayos ang results ng pag salang niya kanina mukhang wala pa din sa race yung focus ni Gab. I tried talking to him earlier para sana mg advice sakanya pero ending nasigawan pa ko." pag rarant ko kay Earl na seryoso lang na nakatingin sa dalawa na nag hihintay ng go signal sa pag start ng race. "Habaan mo lang pasensya mo kay Gab, Nina alam mo naman may pagka saltik at moody talaga yang lalaki na yan minsan. Kahit ako na best friend niya naguguluhan na din sa ugali na pinapakita niya lately." sagot niya sakin... "I'm trying Earl pero minsan sumosobra na din siya sa way niya ng pag sasalita..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kay Earl ng biglang tumunog ang siren hudiyat na mag uumpisa na sila.
Nasa loob ng track si Carl ang handler at assistant ni Trent siya ang may hawak ng flag sa kanang kamay niya pag baba niya nun yun na ang go signal nila Trent at Gab para umarangkada na.
"Okay Sir Trent and Mr. Gabrielle we all want a nice and friendly practice game, you will be finishing 5 laps both of your time will be recorded once you started. Okay! 3, 2, 1 GO!!!" kasabay nag pag go niya ang pag baba ng flag. Pakiramdam ko huminto ang pag hinga ko sa mga oras na to. Lahat ng tao naka tutok lang sa labanan ng dalawa. Nauuna si Trent as of this moment, grabe wala pa ding kupas yung galaw niya parang hindi siya nag pahinga ng dalawang taon sa pag kakarera parang walang nag bago. Naalala ko bigla hindi man lang siya nag practice run kanina para ikondisyon yung motor niya talagang natural na sakaniya yung pagiging karerista na lalong kina tingala ko sakanya. Pilit hinahabol ni Gab si Trent pero medyo malayo talaga ang pagitan nila, kitang kita sa galaw ni Gab na na-fufrustrate na siya. Naririnig ko ang hiyawan ng mga tao na puro...
"Go Trent!"
"Go Salvacion!"
"Grabe wala pa din kupas talagang bagay sakanya yung "The Legend" ng race track!"
Hindi ako nag chi-cheer kahit na yun pa yung naka sanayan ko dati tuwing may laro si Trent. Talagang nakikipag sabayan ako ng sigaw kasabay ng ibang fans niya pero ngayon di ko magawa lalo na si Gab na ka team ko pa yung ka one on one niya sa practice game na ito.
Natapos ang...
1st Lap....
2nd Lap....
3rd Lap....
Hanggang mag 4th Lap na si Trent pa din ang nangunguna, nakikita ko na pilit humahabol si Gab. Hindi ko alam pero parang may kung anong tension ang namumuo sakanilang dalawa sa mga oras na to, para bang may naka taya sa kung sino man ang mananalo. Pilit ko pinag wawalang bahala ang nararamdaman ko kahit na hindi lang ako ang nakakapansin sa namumuong tension ngayon sa loob ng track. Tahimik pa din ako na naka tuktok sa dalawa ng marinig ko ang usapan ng mga mechanic ng ibang team.
"Ako lang ba nakaka halata? bakit parang nag iiringan yung dalawa sa loob? para namang may mapapanalunan e practice game lang naman yan" sabi ni kuya France na mekaniko sa team nila Kyle. "Ikaw ba naman alukin ng practice game ni Trent Salvacion syempre talagang makikipag bakbakan ka na kaya siguro ganiyan ka gigil ngayon si Gab..." sabi naman ni Kuya Anjo na coach nila Kyle. Natigil naman ako sa biglang pag singit sa usapan ni Kyle "Baka naman may pinag pustahan yung dalawa, nakita ko na nilapitan kanina ni Gab si Trent bago mag umpisa yung karera at mukhang galit na galit ang Gabrielle Galvez kaya siguro ganiyan ang laro niya ngayon hahahaha" may pang uuyam niyang sabay sa usapan. Ewan ko ba pero bigla nag pantig yung tenga ko sa sinabi ng abnormal na to! Bakit ba siya nakikinig sa usapan ng iba! sinasabi ko na nga ba may something sa ugali ng lalake na to.
Hindi ko na inabala ang sarili ko na pinakinggan pa ang usapan nila dahil nag papantig lang ang tenga ko sa mga opinion nila. Napatingala ako sa malaking screen na naka lagay sa gilid ng race track kung saan lumalabas ang on going record ng speed standing ni Trent at Gab. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko...
Trent Salvacion
1st Lap - 58.9 sec
2nd Lap - 58.5 sec
3rd Lap - 58.0 sec
4th Lap - 57.8 sec
Gabrielle Galvez
1st Lap - 62.4 sec
2nd Lap - 61.3 sec
3rd Lap - 61.0 sec
4th Lap - 60.0 sec
"T-TOTOO BA TO?! Yung time ni Trent nakaka bilib ng sobra tapos... si Gab na kuha na yung goal time niya..." di ko makapaniwalang usal sa sarili ko. Nagising ang diwa ko sa hiyawan ng mga tao sa paligid ko, "Last lap..." di umaalis ang mga mata ko sa panunuod sa dalawa. Nasa 3rd curved na sila kitang kita namin lahat kung paano pilit hinahabol ni Gab si Trent nasa 2-3ft nalang ang distansiya niya kay Trent na ikina gulat ko.
Then the 5th and last curved came, nasa straight fast lane na sila pero kitang kita pa din kung gaano ayaw mag patalo ni Gab sa huli hanggang sa...
Sabay sabay na hiyawan nalang ng mga tao sa gilid ng track ang naririnig ko sa mga oras na to.
"That ends the practice game of Sir Trent Salvacion and Mr. Gabrielle Galvez. Sir Trent wins the 5 Laps practice game by finishing the 5th final lap by 56.7 sec which also breaks his original record 57.2 sec. While Mr. Galvez finish his 5th and final lap by 59.9 sec" pag a-announced ni Carl sa microphone.
Habang nag sisilapitan ang mga tao para batiin si Trent naka titig lang ako sakanya, ngayon ko lang dahan dahan na na-rerealize kung ano yung ibig niya sabihin sa sinabi niya sakin kanina sa bleachers "No specific reason, ayoko lang makita ka na malungkot that's why I decided to help him a little" now I understand what's he trying to tell me. "Thank you Trent..." usal ko sa sarili ko habang naka tingin pa din sakanya na napapalibutan ng mga tao. "He's really here, bumalik na talaga siya... My Trent, my #1 idol."