RACE TRACK
Chapter 01
Napabalikwas ako ng bangon pagka rinig ko ng alarm sa phone ko. Pag tingin ko ng oras 6:00am na pala, kaya dali dali ako bumangon para mag prepare ng mga dadalhin ko at mag-ayos na din sa sarili.
Ngayong araw ang unang practice ng SGK Team na ka grupo ko para sa 1st Leg ng Race ngayong taon na gaganapin sa Linggo sa Carmona Cavite Race Track.
I'm Nina Cruz, 22 years old a not so typical teenager na mahilig sa sasakyan at motor. Well it's in our blood sikat na drifter at motor racer ng Daddy ko noong kabataan niya at ngayong retired na siya may sarili na siyang Auto shop at Automotive Parts shop na mommy ko ang nag hahandle.
I grew up loving the sounds of screeching wheels that builds up the adrenaline rush through my veins. Sumubok din ako kumarera sa circuit race 4yrs ago dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob at determinasyon noong isang araw ng makilala ko ang "mysterious racer" na si Trent Salvacion.
(Flash Back 4yrs Ago)
Nagkaka gulo at nag uunahan ang mga tao ng marinig nila na padating na si Trent Salvacion sa loob ng race track. Kaya siya nagkaroon ng alyas na "mysterious racer" sa race track kasi never niya pinakita ang mukha niya sa mga tao.
Tuwing dadating siya sa mga race events automatically naka suot na siya ng race suit, boots, gloves at most especially ang iconic na helmet niya na never pinakita ang kahit na mga mata niya pa. heavily tinted ang helmet niya sa pagkaka alam ko magic tint yun which is malinaw niya nakikita lahat pag nakasuot na sakanya pero sa labas ni anino ng mata niya di nakikita.
Naririnig ko lang sa mga ka team ko kung gaano kagaling yung Trent. Dahil tuwing events walang ibang bukambibig ang mga tao sa paligid ko kundi pangalan niya. Sa sobrang curious ko tinanong ko si Tito Tax ang handler ng aming team at coach din namin kung bakit ganun nalang siya ka sikat.
"Tito bakit ba grabe nalang pagka guluhan yang Trent Salvacion? ano ba meron sakanya?"
"Hay nako, Ikaw talaga Nina sabi ko sayo mag research ka tungkol sa mga Senior racers diba para pag naka harap mo sila may idea ka sa mga capabilities at weaknesses nila sa loob ng track."
pero di naman niya sinagot tanong ko kaya inulit ko nalang ulit hayy...
"Pero Tito sino nga po siya bat po parang sobrang sikat na sikat siya sa mga tao?"
"Trent Salvacion pangalan niya, back to back champion siya taon taon never siya naging 2nd place he always take home the trophy.
Tinagurian din siyang The Legend kasi ni minsan wala pang nakakatalo sakanya at Mysterious Racer ang bansag sakanya kasi ni minsan wala pang nakaka kita kung ano hitsura niya o kung sino talaga siya sa likod ng helmet na suot niya"
Napa nga nga naman ako ng malala sa nalaman ko grabe imagine back to back champion? OMG!! tapos never pa naging 2nd place?? JUSKO totoo ba yun? sobrang galing naman niya kung ganun...
Lalo ako naging interesado sa nalaman ko mula kay Tito Tax kaya habang nandon kami sa track hindi ko inaalis yung mata ko sa titig sakanya...
Ewan ko ba siguro naramdaman niya na may naka tigtig sakanya, dahan dahan siya lumingon kung nasaan ako. Magka harap lang Ang paddock namin sakanila kaya malaya ko tinitignan ang kilos niya.
Di ko alam ang nararamdaman ko sa mga oras na to pero alam ko kahit na di ko nakikita ang mga mata niya na naka tingin din siya sakin. Kakaibang kaba yung nararamdaman ko sa mga oras na yun na unang beses ko naramdaman sa tanang buhay ko.
Ako na ang unang umiwas ng tingin kasi di ko kinaya "paano pa kaya kung wala siyang suot na helmet?" sabi ko sa isip ko...
Eventually nag start ang race events ng araw na yun at totoo nga... sobrang galing niya sobrang smooth ng kilos at bangking niya na parang kabisado na talaga niya at alam na alam kung anong strategy ang dapat niyang gawin sa loob ng race track.
After ng event mag uuwian na isa isa na namin dinadala ang mga gamit at motor papunta sa parking lot ng maalala ko na yung phone ko pala iniwan ko na naka charge sa paddock namin.
Dali dali ako tumakbo pabalik sa loob na di ko na tinitignan yung dinadaanan ko ang nasa isip ko lang nung mga panahon na yun ay yung phone ko... hanggang sa...
BLAGGG!!
Aww!!
Ramdam na ramdam ko yung matigas na bagay na nabangga ko. Pakiramdam ko nayanig saglit ang mundo ko sa lakas ng pag-kaka banggaan namin. Sapo sapo ko ang ulo ko habang dahan dahan umaangat ang tingin ko sa taong naka banggaan ko...
"T-trent" mahinang usal ko.
"Okay ka lang ba?" sabay abot niya ng kamay sakin para tulungan ako tumayo sa pagkaka bagsak ko.
Dahan dahan ko inabot yung kamay niya hanggang sa makatayo na din ako. pero may napansin ako bigla, yung boses niya bakit parang iba may gamit ba siyang voice changer?
"A-ano oo okay lang ako, pasensya ka na sorry nag mamadali kasi ako di kita napansin sorry talaga..." naka yuko kong sabi di ako makatingin sakanya sa sobrang hiya tingin ko pulang pula na din ang mukha ko sa sobrang hiya jusko sana lamunin na ko ng lupa.
tumawa siya ng ng bahagya, na ikina-tingin ko sakanya. Grabe kahit alam ko na di niya totoong boses yun bakit iba pa din epekto sakin. Oh my! impit na tili ko sa isip ko.
"It's okay, sorry din hindi din kasi kita napansin"
"A-aahh sige, u-una na ko ha nag mamadali kasi ako, ano uhmm congrats nga pala ang galing mo kanina"
Patalikod na ko ng mag salita siya ulit...
"Wait! may I know your name?"
Haaa? ano daw? tinatanong niya pangalan ko?! Pakiramdam ko mahihimatay na ko any moment now! O-M-G!
"N-nina, Nina Cruz"
This time sigurado na kong para ng kamatis yung mukha ko sa sobrang pula at hiya ko. Hindi ko alam kung ano na nararamdaman ko parang sasabog na yata yung puso ko sa kaba. Pero di ko ma gets, ngayong araw ko palang siya nakilala pero bakit ganito na yung epekto niya sakin.
"Nice to meet you Nina"
Dun nag simula ang pag hanga ko sakanya hanggang sa di ko namamalayan na nagpapaka "Fan Girl" na ko sakanya.
Palagi ko na siya iniistalk sa social media accounts niya, Kahit obvious naman na hindi yun ang real account niya kasi puro tungkol sa sponsors lang halos lahat ng post niya.
Kaya ako naman si Fan Girl todo share sa mga pinopost niya at comment na din kahit alam ko naman na hindi niya ko mapapansin dahil lang dun. Dumating din sa point na pinapanuod ko ang mga race niya kahit hindi kasi sa event na yun yung team namin, naka suporta pa din ako sakanya.
Ever since the day that I've met him sakanya na umikot yung mundo ko. He became my number 1 inspiration sa mga race sa sinasalihan ko, lagi ko pinupush manalo kasi I'm hoping na pag lagi ako nananalo mapansin niya din ako eventually.
Hanggang sa after a couple of months later bigla nalang nag announced sa social media yung handler and team niya.
"We are saddened to announce that Trent Salvacion decided to do an early retirement for this season, He decided that he wants to go through a new path in his life and put more focus on his new journey. We hope that you'll understand him and still support him even though he'll finish early this season."
My world suddenly falls apart that moment. Biglang parang di ako makahinga naninikip yung dibdib ko. Iyak ako ng iyak di ko matanggap na yung taong nag bigay sakin ng lakas ng loob sumubok, yung taong binigyan ako ng kakayahan maniwala sa sarili ko bigla nalang hihinto sa pangarap niya.
Kaya nakaisip ako ng dapat kong gawin out of my surge of emotions and adrenaline chinat ko yung account na ginagamit niya for posting his sponsors.
Kahit na hindi ako sigurado kung siya ba o hindi yung makakabasa non wala na kong pakialam that time. Basta ang gusto ko lang masabi ko sakanya yung nararamdaman ko sa mga oras na yun.
"Hi Trent, Si Nina to hindi ko alam kung naaalala mo pa ba ko pero ako yung babae na naka banggaan mo a couple of months ago sa Repsol Event sa BRC. I just read the news na mag early retirement ka na daw sa race. PLEASE WAG! (with crying emoji)
You've been my inspiration ever since I started to race, that day na nakilala kita and nakita ko kung gaano ka kagaling at kung gaano mo kamahal ang race track dun ko din na realize na gusto ko din subukan na gusto ko din makita yung perspective mo sa race. Bukod sa daddy ko na nag rerace din dati ikaw yung isa sa mga tao na nilu-look up ko sa race. Please please don't stop yet, wag muna ngayon please Trent. Hindi ko alam kung may pinag dadaanan ka ba na mabigat ngayon pero sana don't let it get in the way of what your heart truly wants. I may not know you personally but I know that deep inside you na ayaw mo pa talaga huminto. KAYA PLEASE PLEASE TRENT DON'T GIVE UP NOT NOW PLEASE!! (crying emoji) I promise I'll be your #1 Fan, I'll Cheer for you every race. Basta wag ka lang umalis please, Trent.
After I press sent naka tulog ako kakaiyak kasi hindi ko talaga tanggap na ganun ganun nalang. Hanggang nagising ako kinabukasan una ko chineck yung phone ko and to my shock!
NAG REPLY SIYA 5HRS AGO!
Trent: Thank you Nina for giving me hope, I'll treasure what you said to me. it's funny how you said you don't personally know me but how I feel is different. I feel that I've known you long enough. Please wait for me. I'll come back,
I promise.
(End Of Flash Back)
Chapter 02
Pagkatapos ko masiguro na kompleto na lahat ng gamit dali ako bumaba para kunin ang susi ng 4x4 na sasakyan ko.
"Dad I have to go hinihintay na ko nila Tito Tax" sabay halik sa pisngi niya. Hinahanap ng mga mata ko si mommy sa kusina ng di ko siya makita nag tanong na ko kay dad
"Where's Mom?"
"Maaga umalis ang mommy mo para mamalengke, mag ingat ka sa pag dadrive okay? lalaro ka na ba ulit?"
"Hindi ko pa alam dad, baka mag coach muna ko ulit this season" walang gana kong sagot sakanya.
"Hay nako anak hanggang ngayon ba hinihintay mo pa din bumalik si Salvacion? ilang taon na baka naka focus na yun sa ibang career sa buhay niya."
"Dad he promised me that he'll come back alam ko tutupadin niya yon. Kaya maghihintay ako kahit gaano ka-tagal pa yan. And besides na eenjoy ko naman yung coaching and pagiging trainer sa mga bagong member ng team dad tapos sabay pa na okay yung flow ng pag buy and sell ko ng sasakyan kaya nalilibang pa din ako." Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya kaya lumapit ako sakanya at yumakap.
"You don't have to worry about me daddy, I'm really okay." sabay titig ko sakanya ng nakangiti. Ganito talaga sila ka concern sakin palagi lalo na pag dating kay Trent, nakita kasi nila kung gaano ako na-apektuhan nung pag alis niya noon.
"Alright alright, sige na hindi na kita kukulitin tungkol jan. Basta ang gusto ko lang ginagawa mo yung nakakapag pa-saya sayo okay anak?"
habang tinatapik tapik ang likod ko.
"Yes daddy, I promise thank you! kaya love na love ko kayo ni mom e sobrang supportive niyo sakin"
"Asus at nag lambing pa ang bunso namin." sabay halik sa noo ko, nasanay na ko na ganito kasi simula bata ako ganito na sila sakin ni mom sobrang maalaga at ramdam na ramdam ko talaga kung gaano nila ko ka-mahal.
"Oo nga pala nak, nag message daw sayo ang ate Queen mo hindi ka daw sumasagot kaya ang sabi sakin pagka gising mo daw tawagan mo daw siya ka agad."
"Yes dad I'll call her habang pinapainit ko yung sasakyan, sige na alis na po ko."
Pag labas ko ng bahay dumiretso na ko sa tabing bahay na ginawa na din namin parkingan ng mga sasakyan namin at mga sasakyan na bina-buy and sell ko.
Yes nag Ba-Buy and sell ako ng mga second hand na kotse isa sa mga libangan ko ngayon simula ng mag stop ako sa pag aaral at mag decide na mag focus sa buy and sell ng kotse habang nag ti-train ng mga baguhang members sa team namin.
I decided to stop going to school nung mag 4th year college na ko, yes nakaka pang hinayang pero I have my reasons gusto ko maging independent kahit na kaya naman tustusan ng parents ko yung pag-aaral ko. I decided na gusto ko mag explore sa mga capabilities ko sa buhay and hindi naman ako nag sisisi kasi eventually tatapusin ko pa din naman yung pag-aaral ko when I feel na kaya ko na talaga.
Pag pasok ko sa sasakyan ko naisipan ko na agad tawagan yung half sister ko s***h best friend na si Ate Queen, kapatid ko siya sa father side ko tatlo silang anak ni daddy sa una niyang asawa, yung dalawa kong kapatid na lalaki may sarili ng mga pamilya and mga seaman din kaya fully settled na sila sa life.
Ang ate Queen ko naman ang bunso sakanilang tatlo at pinaka close ko na din halos parang mag best friend na ang turingan namin sa sobrang close namin sa isa't isa.
Tourism graduate siya pero hindi niya pinursue yon. Kaya ngayon ang work niya is driver siya ng mga van na pina pa arkila ng tita ko. Cool right? Babae kami pero lalaki kung kumilos sa mga hilig namin gawin. Wala e nasa dugo na talaga namin ang hilig sa pag dadrive at mga sasakyan.
Hindi pa nakaka ilang ring pero agad ding sinagot ng ate ko yung tawag.
"Hello ate, hinahanap mo daw ako sabi ni dad?" usal ko sakanya habang inii-start ang sasakyan.
"OMG NINAAAA!!!" sabay tili niya na sobrang sakit sa tenga. Halos mabitawan ko yung cellphone ko sa sobrang gulat ko sa tili niya. Grabe talaga tong babae na to hayy!
"Ano ba yan ate!! bat ka tumitili ang aga aga hoy baka magising mga kapit bahay jan!"
"E keshe nemen e tinawagan ako ni Kuya toinks (pinsan namin sa father side) inaarkila niya bukas hanggang Monday yung van papunta ng Baguio sa PMA (Philippine Military Academy) and mag ra-ride tayo papunta ng sagada. Isasama niya daw tayo lumaboy Nina!!!"
"Ha?! Anong tayo? Anong pinag sasabi mo jan at bakit parang kinikilig ka aber?" masungit kong tanong sakanya habang nakataas ang kilay ko na para bang harap harapan ko siya kausap.
"Hoy babaita ka! Hindi pwedeng hindi ka sumama!!! e keshe nemen makikita ko na si Kuya Kyl mo JUSKO di na yata ako makakatulog Nina!"