"Teka ate!!! bakit ako sasama? ano naman gagawin ko dun ate naman! tsaka may lakad ako ngayon mamaya pa kong gabi makakauwi"
"Kailangan mo sumama! Wala akung kasama na babae hindi daw papayag si kuya toinks kung ako lang mag isa! mag tatampo talaga ko sayo Nina!"
Napa buntong hininga nalang ako, Ewan ko ba bakit kasi kailangan pa na sumama ako doon e wala naman akong gagawin don kundi bumuntot sakanila ni Kuya toinks!
"Ate look madami ako naka schedule na lakad this coming week baka nakakalimutan mo 1st leg na sa race alam mo naman yan si Nica nalang isama mo"
"Ay basta! Ikaw ang gusto ko kasama!!! magagalit talaga sayo tong maganda mong ate pagka di mo ko sinamahan!" naiimagine ko na yung mataray niyang hitsura habang nag sasalita oh my paano ba gagawin ko sa babae na to! -_-
"Okay fine!!! titignan ko mamaya after ng coaching ko hayy ate kung di lang talaga kita kapatid nako!"
"Yehey!! kaya love na love kita sister e alam ko na di mo ko matitiis hihihi! So paano mamaya ha? mag prepare ka na ng mga gamit mo for 4 days okay? mamayang gabi alis natin mga 8pm tapos dadaanan natin si kuya toinks sa Sm north"
"K!" sabay baba ko ng tawag, napa sapo naman ako sa aking noo biglang stress na naramdaman ko.
Chapter 03
Hindi pa nag uumpisa araw ko puro stress na agad 'jusko bigyan niyo po ko ng mahabang pasensya ngayong araw' usal ko sa sarili ko...
Nag dadrive na ako papunta sa meeting place ng team namin sa Rizal which is NGK Shop, doon usually kami nag mi-meeting at nag ki-kita kita para pag usapan ang directives and goal ng team namin every season ng race.
Pag dating ko sa shop nakita ko agad sila Tito Tax pati na ibang kasamahan namin na nag aayos ng mga gamit, pag baba ko ng sasakyan binati agad ako ni Tito Tax.
"Uy nandito na pala ang prinsesa namin!" magiliw na bungad sakin ni tito.
"Ikaw talaga Tito ang aga aga ha" pag rereklamo ko sakanya.
Tumatayo ng pangalawang tatay ko si Tito Tax, siya ang Head and Owner ng NGK Team, bukod sa auto shop to ng mga motor, nag titinda din sila ng mga piyesa ng motor dito.
"Prinsesa/Princess" ang tawag nila sakin kasi nag iisang babae ako sa team, kaya ganun nila ako tratuhin na para bang ingat na ingat sila sakin.
"Nandon sa loob sila Gab puntahan mo muna, mag sasakay pa naman kami ng mga motor sa van" usal sakin ni Tito.
"Okay po Tito, Sige po pasok muna ko" pag papaalam ko sakanya.
Pag pasok ko sa shop bumungad sakin ang ubod ng sungit at seryoso sa buhay na si Gabrielle Galvez na anak ni Tito Tax at ka team din namin.
Na naging crush ko "NOON" yes noon hindi na ngayon! grabe naman kasi mood swings ng lalake na ito, di ko malaman kung bipolar ba to o ano e sobrang gwapo nga tagilid naman sa ugali.
Hindi ko lubos na ma-isip kung bakit laging napag kakamalan na boyfriend ko tong mokong na to e wala naman ka boyfriend boyfriend sa katawan.
Bukod sa lagi akong inaalaska e napaka antipatiko pa porket gwapo! hmp!
Hindi ko napansin na masiyado na pala napatagal ang titig ko kay Gab, bumalik lang ako sa ulirat ng tapikin ako ni Earl, na best friend naman ni Gab na kabaliktaran ng ugali niya kasi sobrang jolly at pala kwento ni Earl di ka talaga ma a-out of place pag ito ang kasama mo.
"Uy Nina! natulala ka na jan kay Gab baka matunaw yan! hahahaha" nakalimutan ko pala, malakas din siya mag asar at mambully sa akin.
"Tse! Earl tigil tigilan mo nga ako! bakit ko naman tit*gnan yan! may iniisip lang ako kaya ako natulala!" pag dedepensa ko sa sarili.
"Aysos! luma na yan princess hahahaha" maka hulugang usal niya sa akin.
"Ewan ko sayo! tumabi ka nga jan! lalabas muna ako kailangan ko mag yosi na iimbyerna ko sayo ang aga aga!" padarag ko na baling sakanya, sabay tabig sakanya para maka labas ako ng pinto.
Palabas na sana ko ng shop ng biglang nag salita si Gab with his deep baritone voice.
"Hindi bagay sayo mag yosi, tigilan mo na yan" seryosong pahayag niya sa akin.
Ilang segundo din bago nag sink-in sakin yung sinabi niya, bago ako naka bawi ng sasabihin.
"Just mind your own business Gabo!" kakaloka pati pag yoyosi ko pinapakialaman jusko!
Sabay labas ko ng shop at sindi ng yosi...
Natuto ako mag sigarilyo 2yrs ago, noong sobrang stress ko sa buhay, hanggang sa naging stress reliever ko na until now, ito lang ang laging nakakapag pa kalma sakin every time na sobrang stress ko na.
Maya maya tinawag na kaming lahat ni Tito Tax, dalawang sasakyan kami mag co-convoy, si Tito Tax mag dadrive ng van kasama ng mga mekaniko ng dalawang motor na gagamitin nila Gab at Earl.
Habang sa sasakyan ko naman naka sampa sa likod yung dalawang motor na gagamitin para sa practice nila Gab.
Nag desisyon kasi sila na si Gab at Earl yung ilalaban ng team para sa 1st leg this season kami naman ang support system at trainer nila ni Tito Tax.
After mag discuss ni Tito ng mga gagawin namin mamaya sa track, palakad na ko sa sasakyan ko ng mag salita si Earl.
"Princess sa sasakyan mo na kami sasakay ni Gab ah puro matanders kasi dun sa Van mabobored kami" pag sasalita ni Earl habang naka talikod ako.
"Bahala kayo" bored na sagot ko sakaniya.
Bigla naman may humawak sa braso ko habang palakad sa sasakyan, agad ako napa tingin doon, pag tingin ko si Gab pala.
"B-Bakit?" pag tataka kong tanong sakanya.
"Give me the keys I'll drive" ikina gulat ko na sabi ni Gab, wow ha! Once in a blue moon may pag ganon!
Hindi pa nag uumpisa araw ko pero pakiramdam ko ubos na agad ang energy ko, kaya di na ko nakipag talo pa, inabot ko na agad sakaniya yung susi sabay diretso sakay na ko sa passenger seat sa unahan.
Pag sakay ko nag patugtog agad ako sa playlist ko na naka connect sa Bluetooth ng sasakyan, I played (Hoodie by: Hey Violet) ang pinaka favorite song ko for My Trent.
Siya ang lagi ko naaalala every time na pinapatugtog ko yung kanta na yan hayy 'I really miss him' piping usal ko sa sarili.
Simula noong umalis siya sa pag kakarera, lagi na ko nag li-leave ng message sa account niya, as in every day walang araw na hindi ako nag iiwan ng message sakanya, kahit hindi man siya nag re-reply alam ko eventually mababasa niya din yon lahat.
At hanggang ngayon umaasa pa din ako na tupadin niya yung promise niya, na babalik siya.
Tahimik lang kami lahat sa loob ng sasakyan ng mag salita si Earl sa likod, napansin niya siguro yung pananahimik ko, usually kasi ako ang nag sisimula ng conversation pag nasa biyahe kami.
"Uy Nina! Okay ka lang ba? ano ba kasi iniisip mo jan ha? kanina ka pa tahimik hindi ka naman ganiyan, share mo na samin ni Gab yan" dire-diretso niyang salita sakin.
"May naalala lang ako Earl" may himig ng lungkot na sagot ko sakanya.
"Sino si Trent nanaman yan ano! Ano ka ba naman princess! kalimutan mo na yun, malay mo may isang tao jan sa tabi tabi na hinihintay lang na mapansin mo hahahaha" makahulugang usal niya sa akin.
Bigla naman akung napa kunot ng noo ko sa narinig sakanya.
'Sino tinutukoy netong kulokoy na to? napaka impossible namang si Gab?! wait di kaya?!' bulong ko sa isip ko.
Dahan dahan naman ako lumingon sa tabi ko, sa pwesto ni Gab, na ngayon ay naka focus lang sa pag mamaneho, late niya na siguro na realize yung sinabi ni Earl kaya bigla siya nag salita.
"Shut up Earl!!!" pabulyaw niyang baling dito.
"Ay late reaction si Kuya mo Gab HAHAHAHAHA" mapang asar naman na sagot ng mokong.
Sobrang lakas talaga mang bully netong lalaki na to hayy nako! Pero bakit naman niya inaasar sakin si Gab?
Naalala ko nga noong nalaman niya na may crush ako sakanya, halos i-trato niya ako na parang may sakit.
Todo distansiya siya sa akin noon, hay bipolar talaga! as if namang may gusto siya sakin? sobrang kabaliktaran naman iyon ng pinapakita niya, hindi talaga ko maniniwala napaka impossible!
After 3hrs naka dating din kami sa Carmona Racing Circuit dito sa Cavite.
Pag park ng sasakyan bumaba agad ako para mag unat unat at sobra akong nangalay sa pag kakaupo sa biyahe.
On the other hand, nag umpisa na yung dalawa mag unload ng mga gamit nila like mga race suits at helmets nila, tumulong na din ako agad para mapabilis kami.
Nag lalakad na kami papasok sa entrance ng track papunta sa paddock namin, which is doon mag ii-stay ang team namin for the practice. Naka hilera yung mga paddock sa gilid bago yung entrance sa mismong race track.
Habang nag lalakad may napansin akong van na pamilyar sa akin napahinto ako at tinitigan ko iyon maigi, agad ako napa tulala ng mapag tanto ko kung kaninong van iyon.
"No, it can't be..."