RESENTMENT

1345 Words
Chapter 12 3rd Person Pov Natapos na ang Practice game ni Trent at Gab sa huli si Trent pa din ang nanguna at nakakuha ng fastest time sa lahat ng Lap. Hindi ito lubusang matanggap ni Gab sobrang galit at pag sisisi ang nararamdaman niya sa mga oras na to. Halos lahat ng ibang team pinag kakaguluhan ngayon si Trent upang batiin, napakuyom ng kamao niya si Gab bigla niya naalala ang pustahan na siya mismo ang nag hain kay Trent. "I really F**king messed up" usal niya sa sarili niya habang naka yuko nasa gilit pa din siya ng fast lane at hindi pa din kumikilos doon. Maya maya napansin niyang nag pulasan na ang mga tao, hinahanap ng mata niya si Trent. Nakita niya na palakad sa isang direksyon ang binata at doon nalang siya lalong pinag sakluban ng langit at lupa na kay Nina pala papunta ito. Kitang kita niya kung paano mag titigan ang dalawa, kung paano ngumiti si Nina Kay Trent na ni minsan hindi niya pa nakitang ginawa ni Nina sa iba. Pakiramdam niya libo libong karayom ang tumutusok sa dibdib niya sa mga oras na to. "That is supposed to be me, ako dapat ang kasama mo ngayon Nina" puno ng kalungkutang bulong niya sa sarili. Bigla naman may tumapik sa balikat niya mula dito nakita niya si Earl at ang Daddy Tax niya. "Ayos lang yan tol! tignan mo naman kung hindi dahil sa practice game hindi mo makukuha yung goal time natin!" pampapalakas ng loob ni Earl kay Gab. "Oo nga nak napa bilib mo kaming lahat talagang nakipag sabayan ka kay Trent, sobrang proud kami sayo." proud na sabi ng ama niya. Gusto sana niya matuwa sa narinig sa kaibagan at ama ngunit may isang tao siyang inaasahan na mag palakas sana ng loob niya. "Thanks Dad, thank you din bro" pag papasalamat niya sa dalawa. Nakita naman ang dalawa ang pag titig ni Gab sa hindi kalayuan kung nasaan nandoon si Nina at Trent na nag uusap. "Tama na yan Gab may nanalo na" usal ni Earl sa kaibagan na iki-nanglumo niya ng mapag tanto ang ibig iparating neto. Nailing namang sumegunda ang Daddy Tax niya "Sabi ko na nga ba may problema ka, hindi ko naman kasi maintindihan sayo Gab bakit bigla mo nalang pinapakitaan ng masamang ugali si Nina e ang ayos ayos naman ng turing sayo." panenermon niya sa anak ng biglang sumingit si Earl. "Paano ba naman kasi Tito in-denial yan kaya ayan naunahan na tuloy!" may pang uuyam na pahayag ni Earl. Hindi naman lalo mapigilan ni Gab ang bugso ng damdaming pinipigilan niya kaya dali dali siya tumakbo palayo sa dalawa at pumunta sa locker room nila upang pakalmahin ang sarili. Pagkatapos maibigay ni Nina Kay Trent ang inumin na binili niya, dumiretso agad siya sa paddock nila upang ibigay naman kay Gab ang binili niya para sa binata. Pag dating niya sa paddock agad siyang sinalubong ni Earl "Uy princess nandiyan ka na pala! para sakin ba yan?" may halong pang aasar niya ng makita ang gatorade na hawak ni Nina. "Nope, para kay Gab ito nasaan na pala yung lalaki na yun Earl?" pag tatanong ni Nina. "Naku hindi ko alam princess pagkatapos kasi niyang may makitang eksena kanina ayun nag tatatakbo" pahayag ni Earl na ikinakunot ng nuo ni Nina "Huh? Anong eksena ang sinasabi mo diyan?" may pag tatakang tanong ni Nina kay Earl. "Ah e wala yun Princess wag mo na isipin hehe hintayin mo nalang dito maya maya babalik din yun pag natauhan na." Hindi naman maintindihan ni Nina ang pinupunto ni Earl kaya ipinag kibit balikat nalang niya ito. "Hindi na hahanapin ko nalang siya, hindi na malamig itong inumin mamaya pag hinintay ko pa siya bumalik". Walang pag aalinlangang nag lakad lakad si Nina upang hanapin si Gab bitbit niya pa din ang inumin na ibibigay niya dito. Hindi naman ganoon kalakakihan ang ang lugar kaya alam niya na makikita niya din si Gab. Sa locker room naman walang tigil sa pag suntok si Gab sa pader, dito niya binubuhos lahat ng galit at bigat ng loob na dinadala niya. Hindi niya na iniinda ang sakit, pakiramdam niya manhid na manhid na siya sa mga oras na iyon. "Ah! Nina bakit?! bakit ikaw pa!" sunod sunod niyang sigaw habang patuloy na sinusuntok ang pader sa harap niya, hindi siya nag-alalang may makakita sakanya na ganun ang lagay, niya dahil wala naman kasing gumagamit ng locker room na iyon depende nalang kung may malaking event sa Race track. "Hayy nasaan ba yung lalake na yun! halos malibot ko na itong buong paddock area ah!" piping usal ni Nina na tuloy pa din sa pag hanap sa binata. Nag lalakad si Nina ng marinig niya na may motor sa loob ng track kaya dali dali siya pumunta sa viewing area na may hile-hilerang bleachers. Pag tanaw niya bigla nalang siya napangiti ng masilayan na si Trent pala ang umiikot ngayon sa loob ng track, nag madali siyang kunin ng cellphone niya para ma picturan at ma videohan niya si Trent. Hindi naman lingid sa kaalaman ng dalaga na nakita na pala siya ni Trent na nanunuod sakanya, may naisipan bigla gawin si Trent dahilan upang ika-gulat ni Nina. Pag bangking ng binata sa last turn bigla nitong inangat ang motor upang mag pa wheelie sabay tingin niya sa dalaga, hindi naman mapakali ang puso ni Nina sa ginawa ni Trent halo halong tuwa at pag kabilib ang nararamdaman niya habang patuloy na pinapanuod si Trent. Nang mahimasmasan na si Gab tsaka niya lang nakita ang pinsalang natamo sa kaniyang mga kamay dahil sa pag suntok niya sa pader, kita niya ang mga sugat niya dito at nararamdaman niya na din ang pamamaga neto. Huminga siya ng malalim bago kuhain sa locker niya ang Elastic bandage na ginagamit nila tuwing na ii-sprain ang paa niya. Dahan dahan niya ipinalupot ang mga yun sa kamao niya, nang matapos na siya napag desisyonan na niyang lumabas papunta sa paddock nila. Nang matapos umikot si Trent sa loob ng race track naisipan na ni Nina na bumalik sa paddock nila naalala niya na baka naka balik na doon si Gab, gusto niya na din kasi maibigay dito ang inumin na kanina niya pa gusto ibigay. Nag lalakad na si Nina ng makita niyang nasa unahan niya si Gab napa kunot ang noo niya ng mapansin ang elastic bandage sa mga kamay nito. Napa singhap siya sa nakita at napahinto pa siya sa pag lalakad sa bigla niyang pag-aalala sa binata. "Anong nangyari sakanya bakit nagka ganiyan ang mga kamay niya?" tanong niya sa sarili niya habang nakatingin kay Gab na diretso pa ding nag lalakad. Halos nasa tapat na sila sa paddock ng sumigaw si Nina upang makuha niya ang atensiyon ni Gab. "GABRIELLE!!" Sigaw niya at patakbong hinabol si Gab na ngayon ay biglang na estatwa sa kinatatayuan niya. Nang makabawi si Gab hindi niya na hinintay si Nina nag madali siya sa pag lakad pero nahabol pa din siya nito ng maramdaman niya ang kamay nito sa braso niya upang pigilan siya. Nasa tapat na sila mismo ng paddock nila na katapat din ng paddock ni Trent ng biglang mag salita si Nina. "Uy Gab napaano ka ba? Anong nangyari sa mga kamay mo ha? ayos ka lang ba?" tanong ni Nina sa binata na may himig na nag-aalala habang naka kapit pa din sa braso nito na niyuyogyog niya pa para pansinin siya nito. Huminga ng malalim si Gab haharapin na sana niya si Nina ng makita niya na nasa gilid si Trent na kanina pa pala naka masid sakanila. Nakuyom ni Gab ang mga kamao niya at napag tanto niya na nag sasalita pa din si Nina "Uy Gab! ano ba pansinin mo nga ako ano bang nangyayari sayo! Gab!" hanggang sa kinapitan ni Nina ang kamay niya para tignan. Nanatili naman si Gab na naka diretso lang ang tingin at pilit pinipigilan ang sarili na wag sumabog sa halo halong nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD