KAPITULO 3:

1307 Words
BLUE AMELEI YAMARI'S POV "Ms. Deveza at Ms. Yamari. Tawag kayo sa Dean's Office" Lagot....(。ŏ_ŏ) Napakagat ako ng marahas sa ibabang labi ko. Hala huhuhuhu. Pano na po 'to? "Halika na Amelei. Ipapaliwanag natin sa Dean ang nangyare". Inilahad ni Hazelle ang kamay n'ya sa harapan ko kaya inabot ko naman ito kaagad. Sabay kaming lumabas ni Hazelle ng classroom. Lord huhuhuhu kinakabahan po ako. Pano kapag mala Thanos po si Dean? Ano na pong gagawin namin? End of the world na po ba? Huhuhuhu,( TДT) "Relax. Wag ka kabahan Amelei. Iniipit mo ang kamay ko, inhale, exhale nga" "Ayy hehehehe sorry po Hazelle. Kinakabahan lang po ako. What if maging Thanos si Dean? hehehehe. Ay! Alam mo po ba ang Hotline number ng Avengers? Tawagan natin!" inilabas ko ang cellphone ko. Pinindot ko ang contacts at hinihintay na sabihin sakin ni Hazelle ang number nila hihihi.(*´∇`*) "Nababaliw ka nanaman friend. Itago mo nga yang cellphone mo. Mamaya i-confiscate pa yan. Edi wala na tayong pantawag sa Avengers" "Oo nga po noh?. May sense ka rin po palang kausap hehehehe" "Wow ha?" Sasagutin ko pa sana si Hazelle nang makita namin na lumabas sa isang pintuan si Ma'am Propeño. Nakita n'ya kami ni Hazelle. Sinamaan n'ya kami ng tingin at inirapan. Lohhh ang galing! Hihihi umiikot ang mata ni Ma'am. Ginaya ko ang ginawa ni Ma'am. Pinaikot ko rin ang mata ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkahilo hihihihi,(* ̄︶ ̄*) "Halika na Amelei. Pasok na tayo sa Dean's office" Tumango ako kay Hazelle at Lumapit kami sa pintuan kung saan lumabas si Ma'am Propeño. Nakasunod lang naman ako kay Hazelle. Kumatok ito ng tatlong beses, "Come in..." Pinihit ni Hazelle ang doorknob. Maingat at Tahimik naman kaming pumasok sa loob. Inilibot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng kwarto. Wow! Ang ganda! hihihihi. May mga awards at trophies na naka display. Pwede kayang ibenta ang mga 'yun?╰(*´︶`*)╯ "Take your sit ladies" Umupo kami ni Hazelle sa magkatapat na single sofa. Bale magkatapat kami ni Hazelle tapos nasa kanan na gilid namin si Dean. Nasa single sofa rin s'ya nakaupo, kaharap n'ya yung mahabang sofa. Naagaw ni Dean ang atensyon namin ng bahagya s'yang napaubo. Lohhh baka may TB si Dean huhuhuhu. Napatingin ako sa Mukha ni Dean. Malayo pala s'ya sa itsura ni Thanos hihihihi. "Alam n'yo kung bakit ko kayo pinatawag diba?. Gusto ko malaman ang side n'yo. Kaya ikwento n'yo ang mga nangyare" Pagkasabi ni Dean n'on. Inayos n'ya ang suot na salamin. Masusi n'ya naman kaming tinitingnan ni Hazelle. Napalingon ako kay Hazelle nang magtaas s'ya ng kamay.(◐∇◐*) "Ako na po ang magsasalita Dean. Kasi po kanina. Na-late kami, tapos pagkarating namin sa classroom. Agad n'ya kaming sinigawan. Kung saan daw po ba kami pumunta. Tapos po ang sabi ni Ma'am hindi raw po kami mauupo kung hindi kami makaka sagot sa tanong n'ya" "Wait...Bakit kayo na late?" "Kasi Dean, hinahanap ko po si Amelei" "Okay I see. Proceed tayo r'on sa classroom" "Sige po Dean. Tapos po tumayo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Nakasagot na po ako sa tanong ni Ma'am. Si Amelei naman po ang pinasagot n'ya. Eh ang kaso po sinisigawan. Baka kako po nabigla si Amelei kaya sumakit ang ulo n'ya. Namumutla na nga po 'yan kanina" Tahimik lang akong nakikinig kay Dean at Hazelle habang nilalaro ang daliri ko. Inikot ko ng paulit ulit ang mata ko gaya nang ginawa ni Ma'am Propeño. Hihihihi ang galing talaga umiikot din yung paningin ko,..(⌒o⌒) "Okay. Ms. Deveza. Ikaw naman Ms. Amelei, bakit ka namutla kanina?" napaayos naman ako nang upo at tumingin kay Dean nang tanungin ako (◐∇◐*) "S-Sumakit po bigla yung ulo ko. Parang mapuputol po yung ugat ko sa ulo hehehehe" "Bakit biglang sumakit ang ulo mo?" "Kasi po tinaatanong po ako ni Ma'am" "Ano yung tinatanong sayo?" "Kung ano ba raw po yung meaning ng execu------" *Tok* *Tok* *Tok* Sinenyasan ako ni Dean na tumigil na muna sa pagsasalita. Kaya hindi ko iginalaw ang bibig ko. Nanatiling naka hugis letter O lang ito hihihihi. Tumayo si Dean at lumapit sa pintuan. Pinihit n'ya naman ang doorknob. May pumasok na tatlong matatangkad na lalaki. ◐.̃◐ "We are the transfer students Dean. Here's our Mat-Forms" "Ah kayo pala mga iho. Sandali pipirmahan ko lang 'tong Mat-forms n'yo" Umupo silang tatlo sa mahabang sofa. Kaya pumihit ako paharap sakanila para matingnan ang mga Mukha nila. Ang una kong nakita ay yung lalaking may salamin. Gwapo naman s'ya kaso parang masungit. Tiningnan n'ya lang ako sabay umiwas ng tingin. Hihihihi  (* ̄︶ ̄*) Sunod ko namang tiningnan ay yung lalaking nasa gitna nilang tatlo. Nakatingin s'ya sa akin habang natatawa. Gwapo rin naman sya. Kaso parang may sayad sa ulo hehehehe kanina pa kasi ako tinatawanan. ( ̄. ̄) Ang pang huli naman ay yung lalaking seryoso at parang may sama ng loob. S'ya ang pinaka gwapo sa tatlo ang kaso parang pinagkaitan ata s'ya ng cocomelon ng mama n'ya nung bata pa s'ya. Nakita ko namang timingin s'ya saakin ng masama. Sabi na! Pinaglihi talaga sa sama ng loob hihihi. Galing ko talaga manghula! Yeyyyy! Naramdaman ko namang inilapat ni Hazelle ang palad n'ya sa baba ko at itinaas "Isarado mo 'yang bunganga mo friend. Nakakahiya ka, kanina ka pa nakanganga". "Sorry Ms. Yamari hahahaha kanina ka pa pala nakanganga" natatawang sabi sakin ni Dean, napakunot noo naman ako "Hehehe forgiven po Dean". Napasandal na lang ako sa inuupuan ko at hinawakan ang t'yan ko. Gutom na ako huhuhuhu kailan pa kaya to matatapos.v_v "Bufflehead" Lahat kami ay awtomatikong napalingon doon sa lalaking pinaglihi sa sama ng loob. "Bubblehead?" takang tanong ko sakanya. May bubblehead pala? Hihihihi. Ano kaya itsura n'on?. Nagulat ako nang agad na tumayo si Hazelle. Masama s'yang nakatingin doon sa lalaking pinaglihi sa sama ng loob. Hala bakit? (。ŏ_ŏ) "Dean with all due respect. Aalis na po kami ni Amelei" "Wait Ms. Deveza, I am not finished yet. Okay let's settle this things down. This University will not tolerating such irrelevant actions. Don't worry pantay ako mag bigay ng batas. Hindi na papasok sainyo si Ms. Propeño. Pinalipat ko na s'ya sa ibang section. Pero kayong dalawa mag lilinis kayo ng CR. Sa may third floor pagkahapon. Is that okay?" Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. CR daw ang lilinisan? Yehey!. Baka makita ko r'on si Hanako-san! Hihihihi. Yung nasa toilet-bound Hanako-kun. Yung cute na mumu "Yes Dean! Okay na okay po saamin 'yon hihihi" ヾ(〃^∇^)ノ "What a high energy you have Ms. Yamari. That's good. Bukas na ang start n'yo" Tumayo ako sa inuupuan ko at nag-stretch ng katawan. Nilingon ko ulit yung tatlong lalaki. Nginitian ko sila sabay wave. Nag wave naman saakin yung nasa gitnang lalaki. Mabait naman pala s'ya kahit may sayad hihihihi Naglakad na kami ni Hazelle palabas ng Dean's Office. Naging tahimik lang ang paglalakad namin pabalik sa Classroom. Bakit tahimik si Hazelle? Baka may nasabi akong hindi maganda? huhuhuhu. Baka nga ( TДT) medyo nauuna saakin si Hazelle kaya tumigil ako sa paglalakad, "H-Hazelle. S-Sorry po" panghihingi ko ng tawad sakanya. "Hoyy friend, Bakit?" "K-Kasi baka po may nasabi akong hindi maganda kanina" "Wala friend. Naiinis lang ako kasi tinawag kang bufflehead nung lalaking antipatiko" "Ah? Si Cocomelon po?" "Amp HAHAHAHAHAHA. Bakit cocomelon?" "Kasi po baka pinagkaitan s'ya ng cocomelon ng mama n'ya. Kaya ganun po yung Mukha kasama hehehehe" "Ahhhh HAHAHAHAHA. Oo sya nga" Naglakad ako palapit kay Hazelle. Pero bago pa ako makalapit. May naramdaman akong bumangga sa balikat ko. Agad ko naman nilingon kung sino ang gumawa n'on. (๑¯ω¯๑) "Don't block my way. Clownfish"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD