KAPITULO 2:

1590 Words
LEXUS COOPER'S POV Psh. Napaka sagwa talaga ng Tyre na'to. Irapan ba naman daw ako? Hah!. Kung wala lang dito si Boss, kanina pa'to taob sa akin. Napasandal na lang ako sa swivel chair ko at pinunasan ang baril na hawak ko, "We'll going to execute the Brelle's Mafia Boss and Heirness, Timothy Brelle and Jackson Brelle" seryosong sabi ni Boss. I slightly stopped cleaning my gun and stared at him after I heard those words. What did he say? "Pero Bosing hindi ba't para na rin tayong nagsimula ng gyera n'yan? Hindi basta bastang tao si Jackson Brelle at Timothy Brelle. Pumapangalawa ang Mafia Group nila sa Mafia World" seryosong sabi ni Tyre kay Boss. Tahimik naman akong nakikinig sakanila. "Exactly Dela Vega. Their group are the Rank 2 in Mafia World. That's why we need to execute them. Babawiin lang natin sakanila ang posisyon na dapat saatin" "Boss. Nagkakaganyan ka ba kasi sinisisi ka nanaman ni Sir Axeno kung bakit naging Rank 3 ang Mafia Group natin?" Sabat kong tanong kay Boss. He can't blame me for asking, I'm just concerned. Baka nabibigla lang si Boss sa mga nangyayare, "No" Maikli n'yang tugon saakin. Itinuloy ko na lang ang paglilinis sa baril ko. Kung ano man ang desisyon ni Boss. Nagtitiwala ako sakanya. Nakasuporta kami palagi ni Tyre. *Knock* *Knock* *Knock* Awtomatikong napatayo si Tyre sa kinauupuan n'ya at pinagbuksan ang kumakatok. Agad naman umasim ang Mukha ni Tyre nang makita kung sino ang nasa bungad ng pinto. Napakunot noo naman ako sa nakita. Tss. "Hi Hon!" Pumasok ang isang matangkad na babae at sobrang sopistikada ang itsura. Pero mahahalata pa rin ang ka-artehan sa pananalita at katawan nito. Lumapit s'ya kay Boss at hinalikan sa pisngi. Blangko lang ang naging reaksyon ni Boss sakanya. Psh buti nga sayo. "Here's the information kung where nag aaral si Jackson Brelle, Nasa Alejandro University s'ya Hon" Ang tinis ng boses! Tsk!. Mas lalo akong naririndi sa babaeng 'to. Well she's Mystie Rajica. The Mafia Heirness of Rajica Mafia Group. She's using her power to manipulate things. A spoiled brat rather. "Hoy! Kayong dalawa ba't ang asim ng Mukha n'yo sa akin? Hindi n'yo ba ako babatiin?!" Inikot ni Tyre ang swivel chair n'ya paharap saakin, "Papa Lexus may naririnig ka ba?" tanong ni Tyre habang tinatakpan ang dalawang tenga. Isa pa 'tong Tyre na'to, napaka childish! Tsk! Hindi ko naman sinagot si Tyre at pinagpatuloy ang pag lilinis ng baril ko. Bahala kayo d'yan. "You unrespectful specimen! Anong karapatan mong talikuran ang isang Mafia Heirness?!" Singhal ni Mystie sa likod ni Tyre. Nagmi-make face naman si Tyre sa harapan ko, pfft. See? Magaspang talaga ang ugali ng babae na 'yan. Hindi ko nga maintindihan kung bakit naging Fianće yan ni Boss. Ginayuma siguro, sabagay she looks like a witch. Naagaw naman ni Boss ang atensyon naminng lahat nang tumayo ito at naglakad papunta sa table n'ya, "Thank you for this information Mystie. You can go now" "But Hon? I just arrived in here. You're not gonna ask me for some drinks?" "I don't have much time. You have your own feet and hands. Go get a drink" malamig na tugon ni Boss sakanya, pfft. "Okay! Fine!!" Padabog na naglakad si Mystie papunta sa pinto at marahas na isinarado ang pintuan. Napasipol naman ako sa ere. What an attitude psh. Sinuri ni Boss ang folder na binigay sakanya ni Mystie, ilang minuto ang nakalipas nang lumingon ito saamin ni Tyre at nagsalita,... "Mag e-enroll tayo sa Alejandro University..." BLUE AMELEI YAMARI'S POV Tumatakbo ako ng mabilis habang nakatakip sa bibig ko. Lord wag n'yo po sanang hayaan na mahabol ako ni Hazelle po!. Ayoko pa pong ma-kiss sa gums ko, hindi pa ako nakakapag toothbrush huhuhuhu, (ㄒoㄒ) "Malapit nako Ameleiiiiiiii! Humanda kanaaaaa! Ror ror ror rorrrrrrr!" Binilisan ko pa lalo ang pag takbo ko nang marinig ko ang sigaw ni Hazelle. May mga estudyanteng gumigilid at binibigyan ako ng daan hihihi Salamat!. Hindi naman po masama kung hihilingin ko pong madapa si Hazelle po diba Lord?. Para hindi n'ya po ako ma-kiss sa gums ko po. Chaka n'ya na po ako i-kiss kapag nakapag toothbrush na po ako para walang germs hihihi. (⌒o⌒) Pinagdikit ko ang mga palad ko at nag pray kay Lord, Sana po madapa si Hazelle, Sana po madapa si Hazelle. Sana po madapa si Hazelle.... "SANA PO MADAPA SI HAZELLE...." Napasampal ako bigla sa bibig ko. "HOYYYY AMELEI. NARINIG KO 'YON!" Hala! Narinig n'ya! Huhuhuhuhu. Agad kong nilingon si Hazelle pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagtakbo. Huhuhuhu Sorry Hazelle... (╥﹏╥) "HOY AMELEI TUMINGIN KA SA UNAHAN MO! MABABANGGA KA!" Agad kong pinihit ang ulo ko paharap. Sumalubong saakin ang isang matigas na pader. Dire-deretso naman akong nakabangga rito at biglang napasalampak sa sahig. "Aray!....ang sakit huhuhuhuhu Mama ko...." "'Yan kasi hindi tumitingin sa harapan! HAHAHAHAHAHAHA" Hinihimas ko ang pwetan ko habang mangiyak-ngiyak na tumingin kay Hazelle "H-Hoy friend, Sorry na. Wag kana umiyak oh" taranta n'yang pagkasabi. Tinulungan naman ako ni Hazelle na makatayo. Pasinghot-singhot ako habang pinupunasan ang luha ko. Tinalikuran ko si Hazelle at humarap ako sa pader "Sorry po" panghihingi ko ng tawad sa Pader. Kasalanan ko naman hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Nakabangga tuloy ako ng pader huhuhuhu "Amelei ano ka ba? Tara na, Pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante" Hinila ako ni Hazelle paalis sa lugar na 'yon. Pero habang hila-hila n'ya ako, nilingon ko yung pader. Huhuhuhu sorry po talaga.... "YOU TWO ARE LATE!! SAAN BA KAYO PUMUNTA?! HINDI N'YO BA ALAM NA NAG S-START NA ANG LECTURE KO?!" Halos mapatakip ako sa tenga ko nang marinig ko ang sigaw ni Ma'am Propeño pagkapasok namin ng classroom, "M'May pinuntahan lang p-po kami Ma'am hehehehe, sorry po hindi na mauulit" "TALAGANG HINDI NA YAN MAUULIT MS. HAZELLE ANDREA DEVEZA DAHIL TATAYO KAYO SA UPUAN N'YO AT HINDI UUPO HANGGA'T HINDI N'YO NASASAGOT ANG TANONG KO! OH HALA! TAYO SA UPUAN!" sigaw nanaman saamin ni Ma'am Propeño. Lord huhuhuhuhu nakakatakot na po si Ma'am, Lord. Parang anytime magiging Yokai na po s'ya huhuhuhu. ≥﹏≤ Naramdaman kong hinila ako ni Hazelle papunta sa tapat ng upuan namin. Tahimik naman kaming pinagtitinginan ng mga kaklase namin. "WHAT IS THE MEANING OF PROVITY?!" Napakutkot ako sa desk ko at iniisip kung ano ang meaning ng Provity. Ano ba meaning nun? huhuhuhu"OH MS. DEVEZA SAGUTIN MO" "U-Uhmmm, katapatan po Ma'am" "TAKE YOUR SIT! OH IKAW NA LANG ANG NATITIRANG NAKATAYO MS. YAMARI! WHAT IS THE MEANING OF EXECUTE?!" Execute? Kamag anak ba yan ng mga cute? (⌒o⌒)Hahahahahaha. Ang ganda naman pakinggan----- "Execute her" "Execute her" "Execute her" "Execute her" Marahas naman akong napahawak sa ulo ko at parang nandilim ang paningin ko. Mama brown out huhuhuhu. May mga salitang paulit ulit na lumalabas sa isipan ko. Anong pong nangyayare? (ㄒoㄒ) "YAN! KAPAG HINDI NAKASAGOT! MAG IINARTE! SAGUTIN MO ANG TANONG KO MS. YAMARI! WHAT IS THE MEANING OF EXECUTE?!" Lumapit na sa gawi ko si Ma'am. Sinisigawan n'ya pa lalo ako. Lalong kumirot ang ugat sa sintido ko kaya napapikit ako ng mariin. Lord ang sakit na po....gusto ko nang umuwi huhuhuhuhu,(╥﹏╥) "Ma'am Propeño. Ma walang galang na po pwede po bang umalis ka po sa harapan ng kaibigan ko?" "ABA! ANONG KARAPATAN MONG PAALISIN AKO MS. DEVEZA?!" "ABA KANINA PA HO KAYO SIGAW NANG SIGAW HA? KITA MO NA HONG NASASAKTAN ANG KAIBIGAN KO SINISIGAWAN AT PINIPILIT MO PA HO! GUSTO MO I-REPORT KITA SA DEAN MA'AM?!" Narinig ko na nagkakasigawan na sila Ma'am Propeño at Hazelle. Inalalayan naman ako ng mga kaklase ko na maupo, "HINDING HINDI KO 'TO MAKAKALIMUTAN MS. DEVEZA! HUMANDA KA ISUSUMBONG KITA SA DEAN!" "OH EDI MAG SUMBONG KA HO!" Kahit masakit ang ulo ko. Pinilit ko pa ring abutin si Hazelle at hilahin ang laylayan ng damit n'ya. Para patigilin na ito sa pag sigaw. Ayokong mapahamak s'ya ng dahil sa akin. Hinawakan naman ni Hazelle ang kamay ko at pinisil. ( TДT) Marahas na umatras at kinuha ni Ma'am Propeño ang gamit n'ya. Padabog ito na lumabas. Pagkaalis ni Ma'am Propeño pinalibutan ako ng mga kaklase ko. Ang iba sakanila ay pinapaypayan ako at pinapaamoy ng Vics, "Grabe talaga si Ma'am Propeño noh? Hayss" -Aruna "Oo nga girl. Gusto ko na sanang sabihan kanina si Ma'am. Kasi halata ng namumutla si Amelei tapos sinisigawan pa." -Anais "Pero infairness nakakagulat ang ginawa ni Hazelle. I didn't expect that she has the courage na ganunin si Ma'am. Tapang mo gorl!" -Angel "Kapag kasi mali na ang pinapakita. Dapat na talaga tayong gumawa ng aksyon. Tayo tayo lang naman ang mag sa-suffer kung wala tayong gagawin diba?" -Hazelle Naluluha kong nilingon ang mga Mukha ng kaklase ko. Nakangiti silang lahat na lumingon sa akin, "Salamat guys" tuluyan nang tumulo ang luha ko. Sobrang bait nila saakin Lord huhuhuhuhu. Napaka swerte ko po sakanila, (ㄒoㄒ) "Wala 'yon Amelei. Baby ka namin kaya dapat iniingatan ka" pinunasan ni Hazelle ang luha ko sa mata gamit ang palad n'ya. Napanguso naman ako. Kung baby ako ba't nasa school na ako? Diba dapat nasa bahay ako tapos nanonood ng cocomelon?. Nag aadik nanaman ata tong si Hazelle hihihi.(* ̄︶ ̄*) "Hoy anong ngini-ngiti mo r'yan?" "Ah? Wala po 'yon Hazelle hihihihi" "Angyare pala sayo friend? Bakit biglang sumakit ulo mo?" "May naalala lang po ako" *Tok* *Tok* *Tok* Lahat kami ay sabay sabay na napalingon sa pintuan ng may kumatok "Miss Deveza at Miss Yamari. Tawag kayo sa Dean's Office" Lagot.....(。ŏ_ŏ)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD