BRYLLE MONTEMAYOR'S POV
We are currently at the Volleyball field and practising for the upcoming event,
"Mine!"
"Oh yours!"
"Toss mo Kyle dali!"
"Wait eto na!"
Pagka-toss ni Kyle ng bola sa ere, agad ko naman itong pinalo ng malakas papunta sa kabilang side ng net, yes!
"WOOOOOOOOOOHH!! Nice strike Brylle!" inangat ni Kyle ang kamay n'ya at nakipag apir saakin
"Prrrrrrrrtttt!! Time out muna!!" Biglang pumito si Coach at nagpa time out, Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko at ipinunas sa Mukha ko,
"Nice abs Brylle"
"Nakakabakla naman ang abs mo fafa Brylle hmp!"
"Ang hot mo naman tingnan pre"
Rinig kong komento ng mga ka team ko, natatawa naman akong napapailing,
"Mga g*go talaga kayo! hahahaha"
Pumunta ako sa bench kung nasaan ang mga gamit ko at kinuha ang water bottle sa gilid nito.
"Hi Kuya Brylle!" ibinaling ko ang ulo ko sa taong tumawag sa akin. Napangiti ako nang malapad nang mapagtantong si Amelei pala ito,
"Hello, Amelei!" nakangiti ko pa ring bati sakanya
"Yung sukli mong ten pesos Kuya, isasauli ko lang po" bahagya akong napahawak sa bewang ko at medyo natawa "'Di ba sabi ko sayo keep the change?"
"Opo pero baka kailanganin n'yo po yan mamaya" She said innocently, I gently patted her head, cute
"Amelei may Trivia ako sayo"
"Ano po yun Kuya?"
"Did you know that, the next planet to Venus is You? Because you are my Earth"
I bit my lower lip to stop myself from smiling, ang tagal kong pinag-isipan yun hahahahahaha, I even repeated it a couple of times inside my head,
"Hmmmmm...."
Biglang napakunot ang noo ko sa naging reaksyon ni Amelei, seryoso itong nakatingin saakin habang nakahawak sa baba n'ya. So what's now? na offend ko ba s'ya?
"Kuya kailan pa ako naging planeta? Saka ang sunod sa Venus, Earth po, hindi You"
Anak ng---- "HAHAHAHAHAHAHA potek laptrip HAHAHAHAHAHAHAHA" napahawak ako sa t'yan ko habang natatawa, anak ng tinola HAHAHAHAHAHAHA
"Kuya bat po kayo tumatawa?"
"Ay sorry sorry HAHAHAHAHA wala yon Amelei HAHAHAHAHAHA"
"Kailangan mo na yan dalhin sa rehab Amelei, nakagat yan ng aso kanina, kaya nauulol na yang Kuya Brylle mo" bigla ko naman nilingon si Kyle, aba't loko!, "Ul*l mo pre HAHAHAHAHAHA"
Pinahid ko ang luha na nasa gilid ng mata ko, "Sorry, sorry Amelei, natutuwa lang sayo si Kuya Brylle"
"Opo ayos lang kuya, ganyan po talaga kapag hindi pa na i-injectionan ng anti-rabies hehe"
Palihim kong kinurot ang sarili ko para hindi na ako matawa sa sinabi ni Amelei, pfft.
"Akin na po yung 10 pesos" pang iiba ko nang usapan. She extended her hand and gave me the coin,
"Salamat sa sukli mo Amelei!"
"Wala 'yon kuya, sige kuya tuloy na po ako"
"Sige take care ha"
Tumango naman ito saakin at naglakad na palayo. Nilagay ko sa bulsa ang 10 pesos at ininom na ang tubig ko. She made my day pfft,
"Pre bukas bili pa tayo ki Amelei ng bibingka o kaya kung anong kakanin meron s'ya, ang sarap eh"
Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko nang biglang sumulpot si Uno sa gilid ko,
"Para ka namang kabute dre!. Oo na bibili na tayo!"
Narinig naman namin ang biglaang pag pito ni Coach kaya agad kaming pumunta sa field. Isinenyas ni Coach na ang grupo nila Uno muna ang mag si-served ng bola,
Naglakad palabas ng linya si Uno at bumwelo, naging alerto naman kaming lahat,
Binato ni Uno ang bola sa ere at pinalo nang malakas papunta sa gawi namin, nakahanda naman kaming lahat sa parating na bola....
HAZELLE ANREA DEVEZA'S POV
Kanina ko pa hinahanap si Amelei, bonak asan na kayo 'yun?, bigla-biglaang nawawala amp. Nandito ako ngayon sa hallway at hinahanap si Amelei,
"Amelei yuhooooo~"
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang isang pamilyar na bulto, agad naman akong lumapit sakanya,
"Hoy!" pang gugulat ko kay Amelei, lumingon lang ito nang bahagya saakin at tumuloy sa paglalakad. Hala napano to?
"Hoyy friend, napano ka?"
Imbis na lingunin ako, dire-diretso pa sya sa paglalakad, Ayy gagi ini-snob ako, parang hindi bestfriend amp. Agad naman akong yumakap sa braso ni Amelei "Oh ikaw pala yan Hazelle hihi" wow ha? ngayon lang ako napansin?
"Kanina pa kita tinatawag!"
"Ha? Saan?"
"Sa Luneta Park!"
Bigla akong nilingon ni Amelei at pinagsingkitan ng mata, oh nangyare rito? "Si Kuya Brylle ang sabi, ang sunod daw sa Planet Venus, You. Tapos ikaw naman tinatawag mo ako sa Luneta Park kahit hindi naman ako nagpa Luneta Park, sabihin n'yo nga saakin, tumitira ba kayo ng shabu?"
"Wow ah? HAHAHAHAHAHAHAHA stress yarn? Malay ko bang sinabihan ka nanaman ng kabulastugan ni Brylle unggoy. Pero hayaan mo na yun wag mo nang isipin, kiss ko na lang gums mo"
Nanlalaki matang tinakpan naman ni Amelei ang bibig n'ya sabay takbo. Aba't tinakbuhan ako! "Humanda ka sakin Amelei! Nandyan nako, Rooooooorrrr!!"
TYRE DELA VEGA'S POV
*Ringggggggg*
Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko kaya agad kong kinuha ito sa gilid ng unan, ura-urada ko naman itong sinagot,
"Punyemas, sino to?" matapang at maangas kong tanong habang nakapikit,
Sarap na sarap nako sa tulog ko, napaka istorbo naman masyado putek,
"Ilang hiwa sa dila ang gusto mo, Dela Vega?" napamulat ako bigla ng mata at napaupo nang marinig ko ang boses na yun,
"B-Bosing ikaw pala hehe"
"Sa secret Hideout"
*Toot* *Toot* *Toot*
Napatingin na lang ako sa cellphone ko ng mamatay ang tawag, putol nanaman ang pahinga ng gwapo,
Napahilamos ako sa mukha bago tumayo. muntik nako r'on ah, ang scary naman ni Bosing parang hindi bestfriend.
Agad akong nag ayos ng sarili, nag suot ako ng boxer at pants, bullet proof vest naman sa pang itaas, pinatungan ko ito ng long sleeves na puti, isa isa ko namang ibinotones ang damit ko,
Nilagyan ko ng konting wax ang buhok ko sabay ngiti sa salamin, shet gwapo ko talaga ah ah. Sinuot ko naman ang hikaw sa left side ng tenga ko,
Bago ako umalis kinuha ko ang coat na naka sabit sa gilid ng closet ko, syempre hindi mawawala ang baby kong si silencer pistol, inilagay ko ito sa tagiliran ko, yun oh! gwapong gwapo kahit walang ligo niceee naman,
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at sumalubong saakin si Doggo, ang alaga kong pusa. wala ata sa mood ang isang to dahil inirapan lang ako, manang mana ka talaga sa may ari psh!, kinarga ko naman ito at hinalikan sa pisngi pero pasalamat ka mahal kita,
"Sungit sungit mo nanaman ah" pakikipag usap ko rito, tanging meow meow lang ang natanggap kong sagot galing kay Doggo,
Bumaba na ako ng hagdan at dumeretso sa sala, dala dala ko pa rin si Doggo, sumalubong naman saakin ang kapatid kong maarte,
"Where are you going brother?"
"Sa labas"
"Okay take care brother" maarteng sabi nito saakin sabay flip hair pa, arte arte talaga sipain ko kaya 'to, iniabot ko naman sakanya si Doggo.
"Eww brother baka makalmot pa ni Doggo ang porselana kong balat" rinig kong sabi ng kapatid ko, "Hoy! Paulo Juanito Dela Vega Jr. ayos-ayusin mo yang pananalita mo sasakalin kita gamit ang lace ni Doggo" inis kong sabi sakanya. inirapan lang ako nito at kinarga si Doggo,
"It's Pauline Jane Kuya!" naiinis na sabi n'ya rin saakin, Aba pumapalag pa!
Lumabas na ako ng bahay bago ko pa maibato palabas ang Paulo Juanito na 'yon. sumakay ako kaagad sa Montero ko at pinaharurot papunta sa secret hide out.
I'm not against sa LGBT, tanggap ko ang kasarian ng kapatid ko, kapag nag iinarte lang talaga s'ya sarap kaltukan. Pinaandar ko ang radyo sa loob ng kotse ko at saktong tumugtog ang Thousand miles
Yun oh!
"And I need you~"
"And I miss you~"
"And now I wonder~"
"If I could fall, into the sky do you think time would past me by~
"Cause you know I walk a thousand miles if I could just see you~ tonight~"
Niceeeee naman wala pa ring kupas ang theme song namin ni ex, asan na pala 'yon? ang tagal ko ng walang balita sakanya. Pero hayaan na, ayokong maghabol sakanya, hindi gawain nang gwapo 'yon hahahahaha.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ako sa lokasyon kung nasaan ang secret hideout namin. Itinigil ko sa tapat ng building ang sasakyan ko at preskong bumaba. Isinarado ko naman ang pintuan ng kotse ko sabay deretso akong naglakad papasok ng building,
Pagkapasok ko palang ng entrance agad akong sinalubong ng dalawang butler dito. Iginaya nila ako papasok ng elevator, niceeeee ang gara talaga ng mga Butler ni Bosing! Hahahaha.
Pinindot ng Butler ang palapag kung saan ako papunta, naramdaman ko namang kumikilos pababa ang direksyon ng elevator. Bahagya akong napatingin sa orasan ko, takte baka nandun na si Bosing patay nanaman ako nito, haysss!
*Tinggggggg!*
Nakahinga ako ng maluwag nang bumukas na ang elevator, lumabas na ako rito at dali-daling naglakad papunta sa Meeting Room namin. Presko lang ang bawat paglalakad na ginagawa ko. Nang makatapat na ako sa pintuan. Hinawakan ko ang doorknob sabay pinihit ito. Bigla naman akong naestatwa ng may maramdamang malamig na bagay sa sintido ko,
"You're late again Dela Vega..."
Seryosong sabi saakin ni Bosing. Marahas akong napalunok. Parang tinakasan naman ako ng hangin at biglang nanlamig ang mga kamay ko, "B-Bosing b-baka p-pumutok yan hehehehe, kalma ka lang Bosing" sinusubukan kong pakalmahin si Bosing, baka makalabit n'ya ang gatilyo ng baril, edi mawawalan na ng gwapo sa mundo.
"Go inside, We have important things to discuss"
Bigla akong napahawak sa dibdib ko at napahinga ng maluwag, muntik nanaman ako 'ron ah!. Grabe iba talaga kapag si Bosing na ang kaharap ko, napapatiklop ako.
Agad naman akong pumasok at naupo sa swivel chair na katabi ni Lexus "Wazzup Papa Lexus!" bati ko sakanya "'Yan pa late ka pang tukmol ka, kanina pa kami nandito" biglang sermon naman saakin ni Papa Lexus. Imbis na sagutin ko s'ya mabilis ko lang itong inirapan, edi wow!. Kami lang tatlo nila Papa Lexus at Bosing ang nandito sa loob. Itinuon ko naman ang atensyon ko kay Bosing na nasa unahan. Nakapamulsa itong nakatayo at niluwagan ang necktie.
"Let's start"