Ryker's POV Nagising ako ng may ngiti sa aking labi dahil katabi ko pa rin si Yhanie. Pareho kaming nakahubad sa ilalim ng kumot. Nakatagilid siya ng higa patalikod sa akin, at hindi ko mapigilan ang aking sarili na yakapin siya, at halikan ang pisngi niya. "Hmmm...." munting ungol niya, at gumalaw ng bahagya pero bumalik din agad sa pagtulog. Nanatili ang ngiti sa aking labi, at hinayaan lang siyang matulog because she deserve it. Pinagod ko siya kagabi kaya she needs more rest, at tsaka maaga pa naman. Tumihaya ako ng higa habang nakatingin sa kisame, at para ako'ng tanga na nakangiti pa rin na para bang lumulutang sa alapaap. Perfect timing ang pagiging mag-on namin ni Yhanie dahil malapit ang Christmas. Hindi na magiging lonely, at cold ang holiday celebration. Buti pala ay naipa

