Yhanie's POV Nanghina ako sa bawat halik na iginagawad ni Rylan sa katawan ko. Hinalikan niya, at halos sambahin na niya ang lahat ng parte ng katawan ko, at hinayaan ko siya na angkinin ako. Ramdam ko ang pangigigil niya sa akin. Nakaramdam man ako ng sakit sa una ay wala namang mas sasarap pa sa pakiramdam na natupad ang aking kagustuhan na siya ang makauna sa akin hanggang sa nakatulog na ako. Naramdaman ko ang pagyakap, at paghalik niya sa akin kinabukasan pero sobrang pagod, at antok pa ako kaya hindi ko muna iminulat ang aking mga mata, at ipinagpatuloy ang aking pagtulog pero bigla ako'ng nagising sa gulat ng makarinig ako ng boses na sumigaw. Agad ako'ng napabangon sa kama, and fùck! Medyo masakit ang ulo ko pero mas lamang ang pagkagulat na nadarama ko ng makita ko si Melani

