Yhanie's POV Inalis na Ryker ang pagkakayakap niya sa akin, at muli siyang pumaharap sa akin ng may ngiti pa rin sa kanyang mga labi na unti-unting naglalaho habang ako naman ay... "Yhanie, babe, may problema ba? Bakit parang namumutla ka?" "Tu-tubig," tanging salitang na lumabas sa bibig ko sa napakahinang boses habang seryoso ako'ng nakatitig sa pagmumukha niyang nakakainis dahil panay ang ngisi niya sa akin. And surprisingly kahit ang hina ng pagkakasabi ko ay narinig pa rin niya. "Wait lang," saad niya na tila natataranta habang umaalis sa kama, at halos patakbong lumabas sa kwarto niya. Inilibot ko namang muli ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto niya, wala siyang TV dito unlike sa kwarto ni Rylan pero high-tech naman ang set-up ng desktop niya, na hindi ko malaman kung pang-wo

