Yhanie's POV "Alam mo, cuz, feeling mo talaga sobrang ganda mo eh no!" Ani Harper habang nilalagay namin sa plastic ang mga ready meals na ginawa namin na ready for pick-up na. "Pwede ba mamaya mo na ko sermunan, tapusin na muna natin 'to!" Suway ko sa kanya. "Hay naku, nagdahilan ka pa, e tapos na tayo, cuz, ang sa akin lang naman ay maawa ka naman kay Ryker, pumayag ka nga na maging in a relationship kayo pero parang wala rin naman, walang kabuhay-buhay ang mga message mo sa kanya tapos ayaw mo pang papuntahin, nag-offer naman siya na tutulungan tayo, si Vance nga gustong tumulong kaso wala lang siyang time." Ani Harper sa boses na para bang kinukunsensiya niya ko. Na para bang may nagawa ako na malaking kasalanan, e lahat naman ng text message na pinapadala ni Ryker sa akin ay nirer

