Yhanie's POV "Yhanie, we need to talk!" I breathe in, and breathe out bago ako naglakad palapit sa kanya para umupo sa tabi niya. Nanatiling tikom ang bibig ko habang nakatingin lang sa mukha niya. "I know I've been harsh on you, nag-overreact ako about sa pagiging mag-on niyo ni kuya, and deserve ko talaga na hindi ma-replayan sa mga pinadala ko sa'yo na message. Kaya ako nagpunta dito dahil gusto kong personal na mag-sorry sa'yo. I'm so sorry, hindi ko dapat ginawa 'yon, can you forgive me. Please huwag ka ng magalit sa akin." Ani Rylan sa malamlam na boses habang seryosong nakatitig sa'kin. Ngumiti naman ako ng bahagya sa sinabi niya. Buti pala wala na si Harper dahil panigurado babatukan ako nu'n, hindi ganito ang itunuro niyan na gawin ko once na magkaharap kami ni Rylan, ang sab

