Yhanie’s POV
Nakatuon ang atensyon ko sa screen ng cellphone ko. Isang oras at kalahati na ang nakalipas simula nang magsimula ang Halloween party sa hotel na ito, pero wala pa rin si Rylan at ang girlfriend niyang si Melanie.
Hindi ko na alam kung pang-ilan na itong message na ini-compose ko para sa kanya nang biglang may umagaw ng cellphone ko.
"Please stop, Yhanie. He’s not coming. I-enjoy na lang natin ang gabi," sabi ni Harper, ang pinsan ko, na kakarating lang. Ipinatong niya ang phone ko sa table.
"But he promised," maktol ko, ramdam ang bigat sa dibdib. Isinandal ko ang likod sa sofa at ipinikit ang mga mata ko.
"Just accept it, cuz. Tatlong buwan na silang magkarelasyon ni Melanie. Hindi na ikaw ang priority niya," diretsahang sabi ni Harper.
Napamulat ako at tiningnan siya nang seryoso. "Oh, bakit ka ganyan makatingin?" natatawa niyang tanong. "Huwag ka na kasing umasa. Sayang naman 'yang sexy angel slutty costume mo kung dito lang tayo uupo. Tara, mag-sayaw tayo!"
Napatingin ako sa suot kong white bodycon mini dress at feather wings. DIY lang ito dahil naubos ang budget ko sa ticket, at mukhang napagastos pa ako sa wala. Tiningnan ko naman si Harper na naka-pink jumpsuit bunny costume—hirap siguro siya gumamit ng banyo dahil sa napili niyang costume.
Aaminin ko, nagpaganda ako dahil umaasa pa rin ako. Best friends kami ni Rylan, simula college. Lihim akong na-fall, at hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na matauhan siya at mapagtanto na ako ang mahal niya. Delusional, alam ko.
"Do I really look like a slut?" tanong ko nang may pag-aalala.
Inabutan ako ni Harper ng shot glass ng vodka. "Jeez, relax. You wear a slutty sexy angel costume in a good way. You look like a pretty, innocent-looking slut who’s still a virgin. Let’s drink to that!"
Laglag ang panga ko. Virgin-slut? Insulto na compliment? Buti na lang sanay na ako sa ugali nitong pinsan ko. Ininom ko ang vodka.
Ang tapang, parang gusto kong sumigaw.
"Time to give up, Yhanie," sabi ko sa sarili ko. 10:00 PM na. Sayang ang effort, sayang ang ticket. Kinuha ko ang bote ng Grey Goose at muling nagsalin.
"I'm sorry for being harsh, but you need to wake up. Kalimutan mo na si Rylan!" malungkot na sabi ni Harper habang nag-shots kami ulit.
"Hindi naman ako sad, konti lang," sagot ko habang pilit na nilulunok ang alak. "Akala ko kami ang endgame…"
"Bawi na lang next life. Or, pwede rin naman na doon ka na lang bumawi sa kapatid ni Rylan. Single naman si Ryker, 'di ba?" halakhak ni Harper.
Biglang nawala ang lungkot ko at napalitan ng inis. Ryker? Ang hudas na kapatid ni Rylan? Mas matanda siya, pero mas matured at may direksyon ang buhay ni Rylan kumpara sa kanya.
"Are you kidding me? There is no way na magugustuhan ko si Ryker!" mariin kong sabi.
"Gigil na gigil ka. Parang may nakaraan kayo ah?" pang-aasar ni Harper.
"Sino ba namang hindi manggigil sa kanya? Lahat ng effort ko para kay Rylan, binuburaot niya. Kapag nagluluto ako, siya ang umuubos. Tapos ayaw niyang tawagin ko siyang 'Kuya' dahil hindi raw kami blood-related. Feeling ko hindi siya boto sa akin para maging girlfriend ng kapatid niya!"
Pagkatapos ay naalala ko ang eksenang hinding-hindi ko makakalimutan.
(Flashback - College Days)
Katatapos lang namin mag-review ni Rylan nang biglang bumukas ang pinto ng apartment nila. Pumasok ang kapatid niya kasama ang isang babaeng hindi namin kilala. Hindi man lang kami pinansin, naghalikan sila na parang hayok sa laman bago pumasok sa kwarto.
Naiwan kaming tulala ni Rylan. Ang ingay sa loob ng kwarto... "Ahhh... sige pa... Ryker!" sigaw ng babae. Halos gusto ko nang maglaho sa kahihiyan.
(Present)
"Well, at least alam mo na magaling si Ryker sa kama, malay mo pakitaan ka niya ng moves, sarap kaya ng ganun, yung tipong mapapatirik ang mata mo sa sarap!" natatawang sabi ni Harper.
Mukhang hindi lang sa alak ang tama ng pinsan ko, mukhang may tama na rin sa utak dahil puro kalibugan na naman ang lumalabas sa bibig niya.
"Eew! Na-trauma ako roon! There is no way na mapapatirik niya ang mga mata ko. Stop talking about him, please!"
"Pero like ka niya," hirit pa ni Harper. "Sabi niya matagal ka na raw niyang gustong ligawan."
"Naniwala naman kayo? Lagi niya lang akong inaasar pero wala 'yung gusto sa akin. Kunwari lang mabait 'yun!" inis kong sagot.
"Try mo kaya maging close sa kanya, malay mo nagbago na," suggest ni Harper.
"Never! Wala akong pakialam sa kanya, kay Rylan, o sa kahit sinong lalaki. Tonight, I'm going to get drunk and enjoy this party!"
"Sabi mo eh," sagot ni Harper at nag-shots na naman kami.