Charlie's POV
Kahit ano'ng pilit ni Sim ay hindi ko talaga siya isinama, masyado kasi siyang maingay at maraming rant sa buhay, at gusto kong gamitin ang tatlong buwan na bakasyon ko ng matiwasay, at tahimik.
At heto ako ngayon nakasakay sa bus papunta sa bayan ng San Vicente. Ang bayan na aking kinalakihan.
Kung hindi lang siguro dito nakalibing ang labi ng tatay ko ay malamang hindi na ako babalik dito, at isa pa may business din kasing ako'ng naiwan dito- ang Carina's Bar.
Ang negosyo ng tatay ko ng nabubuhay pa siya na ipinangalan niya sa aking yumaong na ring ina ang pangalan ng bar. Mas naunang namatay ang nanay ko, tinamaan siya ng malubhang sakit kaya bata pa lang ako ng iwan niya kami ni tatay. Habang ang tatay ko naman ay nawala sa mundong ito after kong maka-graduate ng kolehiyo.
Ang trabaho talaga ni tatay ay head ng security sa Balderama family pero nung mamatay si nanay ay nagpasya na lamang siya mag-retiro ng maaga para may mag-alaga sa akin. Ang dahilan niya isa na lang daw ang magulang ko kaya gusto niyang tutukan ang pag-aalaga sa akin, at naisipan na lamang niyang mag-negosyo.
Sa totoo lang nung mamatay si tatay ay gusto ko na sanang ibenta ang bar kaso nung nalaman ko na ang magaling kong EX ang gustong bumili ay hindi ko itinuloy ang pagbenta. Nagpasya na lamang ako na iwanan ang pamamahala sa pinsan kong si Josh, at sa pagbabalik ko ay aayusin ko na din ang papeles at ibibigay ko na sa kanya ang bar bilang pasasalamat sa ginawa niyang pagpapahalaga sa negosyong naiwan ni tatay tutal naman ay hindi ko rin naman hilig talaga ang pagnenegosyo, at wala din naman ako'ng balak ulit tumira sa bayang ito.
Nakarating na ako sa aming bayan, at ang una kong ginawa ay ang puntahan ang puntod ng aking yumaong ama sa sementeryo.
Malinis ang puntod, halatang alaga sa linis ng pinsan kong si Josh, dapat lang talaga na ibigay ko na sa kanya ang bar.
Naglagay ako ng bulaklak at nagdasal saglit, humingi ako ng tawad kay tatay at ngayon lang ako ulit nakadalaw sa kanya after five long years mula ng umalis ako sa bayang ito.
After kong magpunta sa sementeryo ay sumakay ako ng tricycle, at sa bar naman ako nagdiretcho.
"Insan ikaw ba 'yan?" Ang sabi ni Josh pagkakita sa akin habang pinupunasan ang bar counter.
Lumapit naman ako sa kanya, at inilahad ko ang aking kamay.
"Malinis ba ang sa taas." Ang agad na tanong ko.
"Ey sino ka nga? At ano yang hinihingi mo." At hinampas niya ang palad ko na para bang nakipag-high five pero hindi ako natutuwa pagod ako sa biyahe, at gusto ko ng magpahinga.
Ang itaas na bahagi kasi ng bar na ito ay ang nagsilbing tirahan namin ni tatay noon pero nung umalis ako ay ibinilin ko sa kanya na linis-linisan na lang niya kapag may time siya.
"Josh pagod ako, akin na ang susi sa itaas. Magpapahinga muna ako saglit mamaya baba ako, at tutulungan kita dito." Ang sagot ko pa sa kanya.
"Ey sino ka nga muna?" Ang natatawang tanong niya sa akin.
Kinang-ina. Sabi ng pagod ako eh! Bakit may nagbago ba sa mukha ko, at hindi niya ko nakikilala?!
Binunot ko ang nakatago kong baril sa likod ng maong pants ko, at itinutok ko sa mukha niya. Ewan ko na lang talaga kung hindi niya pa ko makikilala.
"Insan naman parang nagbibiro lang, hindi naman mabiro, teka hahanapin ko ang susi." At hindi ko magkanda-ugaga sa paghahanap ng susi habang ako naman ay hindi nakurap at nanatiling nakatutok sa direksyon niya ang baril na hawak ko.
"Ito na." At ipinakita niya pa sa akin ang susi.
Inilahad ko naman ang isa kong kamay tulad ng ginawa ko kanina, at halos manginig siya sa paglagay ng susi sa ibabaw ng palad ko.
Inalis ko na ang pagkakatutok sa kanya ng baril ko, at muli kong isinuksok sa likuran ko.
"Insan naman huwag mo ng ulitin 'yon, hindi ka naman mabiro." Ang sabi niya pero hindi ko siya sinagot pa, tinalikuran ko na siya habang bitbit ko ang aking backpack. Iniwan ko na siya, at nagdiretcho na ko akyat sa may taas.
Isinuksok ko ang susi sa may keyhole ng pintuan, at ng pagbukas ko ay pinasadahan ko ng tingin ang paligid mukhang ayos naman. Walang alikabok it means alaga din sa linis. Very good talaga si Insan Josh kaso huwag niya lang ako babadtripin.
Inilock ko na ang pintuan, dinoble lock ko, isinabit ko yung kadena sa pinto bago ako naglakad papasok sa kwarto.
Malinis din naman kaso nga lang walang sapin ang kama. Mamaya ko lang lalagyan ng sapin, at need ko maligo.
Ibinaba ko muna ang backpack ko sa ibabaw ng kamang walang sapin, pati ang baril ko bago ko simulang tanggalin isa-isa ang saplot sa aking katawan bago ako pumasok sa loob ng banyo na nandito rin sa kwarto ko.
After kong matapos maligo ay inayos ko na ang kama ko, kumuha ako ng kobre kama, punda, at kumot sa may cabinet.
Inilagay ko naman ang dala kong backpack sa may cabinet, pero yung baril ay naiwan sa may kama ko, at inilagay ko yun sa may ilalim ng unan ko bago ako nahiga.
Iidlip muna ako saglit hanggang sa gumising na ako ulit, at madilim na sa labas. Panigurado marami ng tao sa baba. Hindi naman rinig ang ingay dahil pina sound proof itong kwarto ko.
Nang lumabas ako ng kwarto ay 'yun na rinig ko na ang ingay. Marami na sigurong tao, at nagpasya ako'ng bumaba para tulungan ang pinsan ko. Kahit paaano naman ay may hiya pa rin naman ako. Alam ko naman hindi niya seseryosohin yung biro ko sa kanyang panunutok ng baril kanina para naman kasing hindi niya ko kilala sinabi ko na ngang pagod ako eh nagbiro pa din ang loko.
Ako ang may-ari ng lugar na ito pero parang pinabayaan ko na, at inasa na sa kanya ang lahat. Hindi ko pa naman nasabi sa kanya ang unang plano ko pero bago ko gawin 'yun ay gusto ko munang pamahalaan ito habang nandito ako kumbaga para makabawi man lang.
Nagbihis ako ng maong pants, at long sleeve checked shirt at siyempre hindi ko kinalimutan ang baril ko na isinuksok ko sa likuran ng pantalon ko, at bumaba na ko.
Gaya ng sabi ko kanina hindi naman dinamdam ni Insan ang naganap sa pagitan namin kanina, ngumiti ito sa akin ng makita ako. Busy siya sa pagse-served ng drinks, at masasabi ko walang nagbago sa pamamalakad ganun pa din. Pati yung dalawang staff sila pa din.
"Insan ano inom ka ba?" Ang sabi niya sa akin.
"No, tutulong ako." Ang sagot ko naman, at akmang papasok na ko sa may bar counter ng bigla naman may humawak sa may balikat ko, at sa gulat ko ay hinablot ko ang braso niya at pinaikot dahilan para mapaharap ako sa kan'ya at nasa likod na ngayon niya ang kamay niya, nakatalikod sa akin.
"Ate Charlie ako 'to si Tope." Ang tila nagmamakaawang sabi niya dahil babalian ko talaga siya ng buto.
Tope?! Fùck, agad kong binitawan braso niya at pinaharap siya sa akin.
Nakita ko ang mukha niya, at siya nga, binatilyo, at patpatin pa siya noon ng umalis ako dito sa bayan ng San Vincente pero ngayong ay mamang mama na ang itsura niya.
Siya si Tope or Christopher ang kapatid ng ex kong si CJ (Christian James). Walang hiya ang kuya niya pero mabait naman itong bunsong kapatid niya. Magka-vibes nga kami nito dati eh.
"Pilyo ka talagang bata ka kahit kailan, bakit ka ba kasi nanggugulat?" Ang sabi ko sa kanya.
"Huh, hindi naman kita ginulat kinalabit lang kita." Ang sabi niya habang hinahawakan ang braso niyang muntik ko ng baliin.
"Tska Ate hindi na ko ang bata, 19 na ko." Ang nakangisi niya pang sabi.
"Whatever ano'ng order mo?" Ang sabi ko habang papasok ako sa bar counter pero agad niyang hinawakan ang isang braso ko para mapatigil ako.
Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ay tumingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, at muling matalim na tinignan ang mukha niya. Na-gets naman niya ang nais kong ipahiwatig kaya binitawan niya ang braso ko.
"I'm sorry Ate Charlie pero importanteng makausap kita." Ang sabi niya, at bakas sa mukha niya na parang hopeless siya kaya na-curious ako.
"Tope, may problema ka ba?" Ang tanong ko sa kanya.
"Meron, malaki at ikaw lang ang tanging makakatulong sa amin." Ang sagot niya habang seryoso ang mukha niyang nakatingin sa mga mata ko.