2. Job Offer

1406 Words
Charlie's POV Na-curious ako sa sinabi ni Tope kaya imbes na tumulong ako sa bar ngayong gabi ay mukhang naging customer pa ata ako. Nakaupo na kami ni Tope ng harapan sa may booth seating table. "Ilang oras pa lang ako nandito tapos heto ka ngayon nagsasabi na agad ng problema. Ano ba yang problema na yan?" Ang tanong ko sa kanya. "It's about my brother." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Isa lang ang kapatid niya, at hindi kami in good terms. "Hmmm, kung siya ang may problema. I'm sorry hindi ako interesadong malaman. So, goodluck and enjoy your drinks, Kailan kong tulungan si Insan at madami ng customer." Akmang tatayo na ko pero bigla ako'ng napa-upo sa sinabi ni Tope. "Please Ate pakinggan mo muna ako. Look alam kong isa kang secret agent, at may trabaho ako'ng ipapagawa sa'yo." Agad kong hinawakan ang leeg niya kaya bahagyang napaangat ang ulo niya, medyo makitid kasi ang mesa sa pagitan namin kaya abot na abot ko siya. Paano magiging secret kung alam na niya?! Hinawakan naman niya ang kamay kong nakahawak sa leeg niya, at pilit niyang tinatanggal. "A-Ate, magpapaliwanag ako!" Ang tila nahihirapang sabi niya kaya agad ko siyang binitawan. "Pano mo naman nalaman, at sino pa ang ibang nakakaalam?" Ang paasik na tanong ko sa kanya. "W-wait lang." Ang sagot niya sa akin habang binabawi niya ang kanyang paghinga. "Kay Kuya ko nalaman, but don't worry kaming dalawa lang ang nakakalaam, ang lahat ng tao sa bayan na 'to ay ang alam ay personal body guard ka tulad ng trabaho ng tatay mo noon." Ang paliwanag niya. "Your brother knows? Paano niya nalaman." Ang sunod na tanong ko sa kanya sa pagalit pa ding boses. "Hindi ko na alam kung paano, at aksidente ko lang nalaman ang tungkol sa tunay mong trabaho dahil one time naiwan niya ang laptop niyang nakabukas, at nakita ko ang profile mo. I swear nagsasabi ako ng totoo." Sa mga sinasabi nito ni Tope isa lang ang malinaw. Pinaimbestigahan ako ni CJ. Humanda siya sa akin kapag nagkaharap kami. Dudukutin ko talaga ang dila niya kapag nalaman kong may iba pa siyang pinagsabihan ng lihim ko. Bigla naman may nagsuntukan na dalawang lalaki sa bar, kaya agad ako'ng tumayo, kinuha ko ang bàril sa likuran ko, kinasa at agad kong pinaputukàn ng dalawang beses ang sahig kung saan nakatayo ang dalawang lalaking nagrarambulan. Alam ko naman hindi sila tatamaan, gusto ko lang talaga silang takutin para magtigil sila sa pagsusuntukan. After kong magpàputok ng bàril ay nagsigawan, nagtakbuhan ang mga tao, at sa isang iglap ay naubos ang tao na nandito sa loob ng bar. "Insan, ano'ng ginawa mo? Nawala na 'yung mga ibang customer. Yung iba hindi pa nagbabayad?" Ang nahihintatakutang sabi sa akin ni Josh. Hindi talaga ako pwedeng humawak ng business, at ganito ang nangyari. "Don't worry ako na ang magbabayad ng mga drinks na hindi nabayaran, for now sige mag-sara na lang tayo ng maaga, and sabihin mo sa dalawa huwag mag-aalala buo pa rin ang sweldo nila ngayong araw." Ang sagot ko kay Josh na tinanguan naman niya, at tinalikuran na ko para kausapin ang dalawang staff. Lumingon naman ako sa may table, at nandito pa siya, at nag-thumbs pa siya sa akin. "Lodi ka talaga, Ate Charlie." Ang sabi niya na tila proud na proud sa ginawa ko. "Oh, bakit hindi ka pa nauwi?" Ang tanong ko sa kanya. "Hindi ko pa nasasabi ang tunay na pakay ko." At bigla na naman sumeryoso ang mukha nito. "Sabihin mo na, at magsasara na kami." Ang utos ko sa kanya. Tumingin muna siya sa paligid, na tila ba tinitignan kung may ibang makakarinig ng sasabihin niya. Kita na ngang walang tao may pa-check check pang nalalaman. "Need kong ibulong sa'yo Ate." Tang-ina, disinuebe na 'tong si Tupe pero mukhang isip bata pa din. "Siguraduhin mo lang hindi prank yan, kung ayaw mong matulog sa hospital ngayong gabi." Ang pagbabanta ko pa sa kanya, sabay inilapit ko ng husto ang katawan ko sa may mesa at bahagya ako'ng gumilid. Inilapit din niya ang katawan niya sa may mesa at inilapit na ang bibig niya sa may tenga ko, at sinimulan na niyang sabihin ang sinasabi niyang malaking problemang na sinasabi niya. After niyang ibulong ang mga sinabi niya ay umayos na ko ng pagkakaupo, at hindi ko mapigilan ang sarili ko na matawa sa mga ibinulong niya. "Talaga, Christian James Balderama, and Gretchen Delariva." Ang natatawa ko pa din sabi. Balderama, at Delariva - mortal na magkalaban tapos ngayon may kasalanan ng magaganap sa pagitan ng dalawang pamilya, at ang pinaka-nakakatawa pa sa ibinulong sa akin nitong si Tope ay gusto niyang itakas ko daw ang kuya niya sa mismong araw ng kasal ng dalawa. "Seryoso ang offer ko sa'yo, Ate huwag kang tumawa, at please pumayag ka na." Ang pangungumbinsi pa sa akin ni Tope. "I'm sorry, it's just bakit kailangan kong iligtas ang kapatid mo kung marunong naman siya sa combat, sabay kaming lumaki, at ang tatay ko pa ang nag-train sa aming dalawa, so hindi na niya kailangan ang tulong ko, kung ayaw niya talaga maikasal eh di iligtas niya ang sarili niya, at isa pa parang mas maganda nga kung maikasal ang dalawa baka ito na ang maging daan para manatili ang kapayapaan sa bayang ito." Ang patawa-tawa kong sabi kay Tope. "You don't understand, walang problema kung sa pakikipaglaban si Kuya pero sobrang higpit ng seguridad, napansin mo ba pagdating mo pa lang dito kanina." Inisip ko ang sinabi niya, oo nga may entry check point kaming dinaanan bago makapasok sa bayan na ito. "At mas lalo pang hihigpit or dodoble ang seguridad sa mismong araw ng kasal nilang dalawa." "I don't understand madami kayong tauhan, bakit ako ang kailangan tumulong sa kanya?" Ang tanong ko ulit sa kanya, dahil nakakapagtaka naman na bakit kailangan ako ang tumulong sa kapatid niya? Madami silang mga tao na pwedeng mautusan na gumawa ng bagay na 'yun. "Dahil ang ikaw, at ang tatay mo lang ang may kabisado ng pasikot-sikot sa kagubatan ng San Vicente, at yun ang gagamitin niyong daan ni Kuya para makatawid sa kabilang bayan, huwag kang mag-aalala pagdating sa bayan ng San Antonio ay may isang team na naghihintay sa inyo." Ang paliwanag niya. So, ang labas ay parang magiging forest tour guide pala ako. "You mean hanggang ngayon naniniwala pa din ang mga tao sa sabi-sabi, as in takot pa din silang pumasok sa gubat na 'yon." Ang napapailing kong sabi sa kanya. Tumango-tango naman siya. Naging tahimik saglit sa pagitan namin, at seryoso ko siyang tinignan hanggang sa umiling-iling ako sa kanya. "Ayoko, nandito ako para magpahinga, at para isa-ayos na rin ang mga ilang bagay tulad na lang nitong bar." Ang tanggi ko sa kanya, at isa pa wala ako'ng pakielam kay Christian James Balderama. Malaki na siya para magpasaklolo, at para sa akin ay matagal na siyang pàtay. Nakatayo na ko, at ready ng maglakad palayo kay Tope pero napabalik, at napaupo na naman ako ng marinig ko ang sinabi niya. "Five million. Handa kaming magbayad ng five million." "Paki-ulit nga?" Ang sabi ko pa sa kanya after kong makaupo ulit para kumpirmahin kung tama ba ang pagkakadinig ko sa mga sinabi niya, at hindi biro ang numerong binanggit niya. "Five million pesos ang handa naming ibayad sa'yo basta itakas mo lang si Kuya sa mismong araw ng kasal niya." At kita ko sa mga mata niya ang pagiging seryoso. Hindi naman nakakapagtaka na kaya nila ako'ng bayaran sa ganu'n kalaking halaga dahil mayaman naman talaga ang mga Balderama, marami silang negosyo, idagdag mo pa na Gobernador ang tatay nila. Limang milyon. Napaisip ako kapag ganitong kalaki ang offer ay hindi dapat tanggihan lalo pa, at hindi naman ganu'n kahirap ang misyon na gagawin kayang kaya ko yan pero teka bakit sa mismong wedding day pa need itakas ang tukmol na 'yun. Kung tatanggapin ko ang alok niya pwede namang mas agahan, at hindi na kailangan pang hintayin ang mismong araw ng kasal. "Bakit sa mismong araw pa ng kasal kailagan isagawa ang plano?" Ang tanong ko naman sa kanya. "Dahil bukas na ng hapon ng kasal ni Kuya." Ang pag-imporma niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tope. Kaya pala ang laki ng ibabayad sa akin dahil rush job, bukas na agad. Hindi man lang ako binigyan ng oras para makapaghanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD